Medyo madilim na siyang nakarating ng Baguio.
Agad niyang pinuntahan ang sinasabi ni Jayhan kanina— ang tree house ng mga Samonte.
Pagkapasok pa lang niyang sanctuary, kung saan dadaanan pa bago marating ang treehouse, ay samo't-saring emosyon na ang nararamdaman niya.
Naalala pa niya ang lahat noong dito sila nagpalipas ng gabi ni Jacob dahil naabutan sila ng sama ng panahon.
Dito din niya ibinigay ang sarili kay Jacob na hinindian nito dahil kasal daw muna bago lovemaking.
She sighed.
Tama na ang reminiscing Raine Zynah. Nandito ka para iligtas si Jacob at hindi para mag-reminisce.
Subalit, paano namang hindi siya mag-reminisce kung dito sila unang gumawa ni Jacob ng memories as boyfriend and girlfriend?
Bawat hakbang niya parang naririnig niya pa ang masaya nilang tawanan at kulitan ni Jacob noon.
Unti-unting bumagsak ang mga butil ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Bigla niya nalang na-miss si Jacob.
"Jacob! Nasaan ka na ba?"hikbi niya.
Natatakot siya na hindi niya maintindihan.
Natatakot siya para sa kaligtasan ni Jacob dahil mukhang hindi niya ito mailigtas kung ganito ang nararamdaman niya.
Bawat hakbang niya ay ang masayang alaala nila ni Jacob ang laging pumapasok sa isip niya, hindi ang kung paano niya ito iligtas sa kamay ng mga kidnapper.
Kung ganito ang nararamdaman niya, mukhang papalya siya. Bawat alaala nila ni Jacob ay nagpapahina sa kanya na hindi niya alam kung bakit. Dahil imbes na lumakas ang kanyang loob, ay kabaliktaran ang nangyayari sa kanya.
"Jacob!" tawag niya.
May mga nagliliparang mga paru-paro sa harapan niya at na-aamazed na naman siya.
Paano ko ililigtas si Jacob na ganito?
"Jacob!" tawag ulit niya. Pero walang sumasagot.
"Jacob nasaan ka na ba?"humihikbing saad niya habang sige parin sa paglakad marating lang ang tree house.
Naghalo na ang pawis, luha at sipon niya kakaiyak pero wala siyang pakialam. Mas importante ngayon ay si Jacob.
Kung siya lang ang pwedeng magligtas rito, she's willing to risk her life hindi lang mapapahamak si Jacob.
Palabas na siya ng sanctuary nang biglang may sumabog na roses petals sa mismong pintuan ng sanctuary.
At pagkalabas niya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang paligid ng rest house.
Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha.
Kahit panay ang pahid niya ng kanyang mga luha ay kusa parin itong umaagos na hindi niya mapipigilan, lalo na nang makita ang dalawang anak na may hawak na card board na may nakasulat na; MOMMY PLEASE MARRY OUR DAD, HE LOVES YOU.
Sige parin sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Nakita niyang lumabas sila Jim, Axl, Jeco, Ate Cassandra, Tito Jonas, Tita Jeconiah. At nagulat pa siya nang lumabas ang kanyang Dada Samuel pati na si Alicia at Jayhan.
"What do you guy's thinking? Ano 'to?"tanong niya sa mga ito.
"Surprise!!!" saad ng mga ito.
"Mommy, please marry Daddy Jake na. We're waiting for your answer na!" si Jassy.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...