FRIDAY
This is it! Ito na ang araw na susukatan na siya ng kanyang susuoting wedding gown.
"Mom, can I go with you?" tanong ni Jassy sa kanya nang makita nitong nagpapalit siya ng damit.
"No, nak! Bawal ang bata doon."
"Pero, gusto kong sumama.."
"Hindi nga pwede! Gusto mo, hindi ko nalang ako pakasal sa Daddy Jake mo?"
"No.."
"Yun naman pala e. Dito lang kayo ni Jarren, hindi naman kami magtatagal ni Dad."
"How about Lolo Sam?"tanong nito.
"Hindi aalis si Lolo, apo. Bukas tayo namang tatlo ang aalis.."saad ng kanyang ama habang sumisilip ito sa kanilang kwarto.
"Lolo! Good morning!"masayang bati ni Jass rito at sinalubong ng yakap ang abuelo.
Si Jarren naman ay tulog pa.
"Aalis ka na?"tanong ng kanyang Dada.
"Oo, Da! Bukas pa ba kayo susukatan?"
"Oo, unahin daw muna ang groom at ang bride."
She hissed.
Pagkatapos niyang magsuklay ng buhok ay kinuha niya ang kanyang sling bag at isinukbit ito sa kanyang balikat.
"Aalis na ako Da, Jassy.."
"Bye Mom! Ingat!"
"Bye anak!"
Pagkalabas niya ng kanilang bahay ay sakto namang dumating si Jacob.
Bumaba muna ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan.
Agad naman siyang sumakay at maya-maya'y sumakay na rin si Jacob sa driver seat.
Habang nasa biyahe ay panay ang kalikot ni Jacob sa cellphone nito.
"Sinong ka-text mo?"tanong niya.
"Si Axl. Sinabihan ko siya about sa invitation cards natin. Sabi niya kasi, he will shoulder the expenses of invitation cards, pati na rin sa mga souvenirs."
"Pwede namang tayo nalang diba?"
"Yeah, but he insisted. Siyempre, libre na hihindian ko pa ba?"tawa nito.
Sumimangot siya at hindi na umimik.
Naramdaman nalang niyang hinawakan ni Jacob ang mga kamay niya.
She looked at him and smiled.
"I love you Mr. Samonte!"
"And I love you too Mrs. Samonte.."sabi nito sabay kindat.
Napatawa siya.
"Siyanga pala, sinabihan mo na ba si Engineer Cheng about sa wedding natin sa Sunday?"tanong nito.
"I did. Pero hindi ko alam kung makapunta siya. Pabalik na siyang U.S kasi ang business namin doon ay hindi na naaasikaso."sagot niya.
"How about Alicia?"
"What about her?"
"Did you invite her to our wedding?"
"Yeah, pero just like Jayhan, babalik din siyang Japan."
Jacob sighed. "Paano 'yan, hindi kumpleto.."
"Tss! Alangan namang pipilitin mo kahit hindi kaya ng schedules nila."
"Sabagay. Uhmm, paano na, magiging asawa na kita sa susunod na araw?"
"Anong paano na?"
"I mean, handa ka na bang magiging misis ko?"
"Ang tanong, handa ka na bang panindigan ang pagiging mister mo sa akin, hmm?"
"Tss! Siyempre naman! Papakasalan ba kita kung hindi pa ako handa?"
"Paano kung, dumating sa point na tumaba ulit ako, hindi mo ba ako papalitan ng mas sexy keysa sa 'kin?"
"Minahal kita noong mataba ka pa, anong kaibahan n'on kung tumaba ka ulit? Siyempre mahal parin kita. Kasi alam mo Baby, hindi naman sa physical na anyo nasusukat ang pagmamahal e. Hanggang sa kaya mong magmahal, magmamahal ka. Kaya, hangga't kaya kong iparamdam sayo na mahal kita, mamahalin kita baby. Mamahalin kita na walang kondisyon kundi isang walang hanggang pagmamahal baby."
Kinikilig siya sa narinig, ngunit hindi siya nagpahalata. Pero deep inside gusto na niyang tumili sa kilig.
She cleared her throat, baka kasi mahalata ni Jacob kung gaano siya kinilig sa sinasabi nito.
"Yan na ba ang vow mo sa Sunday?"
Jacob hissed. "Hindi noh, sinabi ko lang sayo kung gaano kita kamahal. Minahal kita maging sino ka man. At handa kong gawin ang lahat mapasaya lang kita. Tss!"
She chuckled.
"Funny?"asar na tanong nito.
Umiling siya pero natatawa pa rin. Napailing nalang din si Jacob pagkatapos.
"Alam kong hindi ka maniniwala. Pero yun ang totoo baby. Handa kong gawin ang lahat mapasaya lang kita at ang kambal natin."
"Really? Handa kang gawin ang lahat mapasaya lang ako?"
"Of, course!"may kayabangang saad nito.
Pilya siyang napangiti at may naisip. Pero hindi na muna niya sasabihin dahil i-sorpresa niya si Jacob sa araw ng kasal nila.
"Sigurado ka?"
Tumango ito.
Naniningkit ang kanyang mga mata habang pilyang nakangiti rito.
"Anong binabalak mo? Parang kinakabahan ako diyan sa klase ng ngiti baby.."
Napahagalpak siya ng tawa.
"Grabe ka, napangiti lang may binabalak na kaagad? Tss! Pero maiba ako Jake, hindi ka ba aatras sa kasal natin kapag may sorpresa akong gagawin sayo sa araw ng kasal natin?"
"Bakit naman ako aatras? Tss! Huwag ka lang mag-run-away bride kasi, hahabulin talaga kita.."
Napatawa siya at hindi na umimik pa. Pero may maitim talaga siyang binabalak sa araw ng kasal nila. Sigurado siyang hindi lang si Jacob ang masosorpresa kundi pati na ang buong pamilya nila.
Na-imagine pa lang niya ang kanyang balak gawin ay humahalakhak na ang isip niya.
Pagdating nilang boutique ay kaagad na hinanap ni Jacob ang designer.
Ngunit hindi nila ito nakita. Pero maya-maya'y dumating ito na humihingal.
"Sorry ma'am at sir, medyo na-late ako may inasikaso pa kasi ako.."hinging-paumanhin nito sa kanila.
"Ayus lang Miss Asuncion. So, sinong uunahin mong sukatan?"
"Ang bride po sana sir kasi pipili pa po siya ng mga designs.."
"Okay.."
Iginiya siya ng designer sa loob ng may naka-display na mga gowns.
"Ma'am, pili ka na po ng gusto mong designs, para po masukatan kita.."
Tumango siya at namimili ng gusto niyang design. Napili niya ang tube lang pero maganda. Pagkatapos isukat ay lumabas siyang dressing room at ipinakita ito kay Jacob.
Nagustuhan naman ito ni Jacob kaya naman ay iyon na ang pinili niyang design, hindi masyadong daring.
Pagkatapos niyang hubarin ang sinukat na wedding gown ay may ibinulong siya sa designer.
"Po?!"gulat na reaksyon nito sa ibinulong niya rito.
She nodded.
"Huwag mong sabihin sa kanya ha. Sige na, sukatan mo na siya at yun na ang sinabi ko.."
Alanganing tumango ang designer pero sinunod parin nito ang gusto niya bilang bride.
Tawang-tawa naman talaga siya sa maaaring mangyari, at may pakiramdam siyang mag-viral ang magiging wedding nila.
Ngayon pa lang, excited na siyang makasal!
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Художественная прозаThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...