PAGKATAPOS ng pwersahan siyang hinalikan ni Jacob ay hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Pero, binalewala niya ang lahat upang maipakita kay Jim at kay Jacob na rin na hindi siya apektado. Kahit ang totoo, sobrang sakit na ng nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung anong mga pinagsasabi ni Alicia dito at ganun nalang ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit nalang sana sa friendship nila, dahil alam naman nitong nagpanggap lang si Alicia na siya.
Pero hindi na importante ang pakikitungo ni Jacob sa kanya dahil ang mas importante ngayon ay kung paano niya matulungan ang kanyang ama. Yun ngayon ang main goal niya—ang kanyang ama.
"Cancell all my appointments today at maghanda ka ng dadalhin mo." saad ni Jacob sa kanya.
Nagtataka man ay hindi na niya nagawang magtanong pa dahil agad din itong pumasok pabalik sa loob ng opisina nito.
She sighed at ginawa ang sinabi nito na i-cancell niya ang lahat ng mga appointments nito.
Ilang saglit lang ay lumabas ulit ito ng opisina dala ang pc tablet.
Tiningnan siya nito.
"Ano pang hinihintay mo? Bakit di ka pa umuwi para makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo?"
Nagtataka siyang napatingin rito pero hindi siya nagsalita.
Mukhang nahulaan yata ni Jacob ang gusto niyang itanong rito kaya tumingin ito sa kanya.n
"Business meeting!"sabi nito at agad na tinalikuran siya.
Mabilis siyang nagligpit at agad din siyang umuwi para maghanda ng kanyang dadalhin. Kasi, kapag sinabi nitong maghanda ng dadalhin, ibig sabihin katulad na naman ng dati noong isinama siya nito sa site.
Saktong alas tres siya nakauwi. Agad siyang nahanda ng kanyang gagamitin. Mga basic necessities niya lang naman at kunting damit. Baka kasi, aabutan na naman sila ng dalawang araw doon.
Pagkatapos niyang mag-empake ay lumabas na siya ng kanyang apartment.
Nakita niyang nasa labas na si Jacob habang hinihintay siya. May kausap ito sa cellphone habang nakatalikod sa kinaroroonan niya.
"Sure attorney. Nasa inyo na naman ang ebidensya at siguraduhin niyang sila ang makakasuhan. Sila dapat ang magbabayad. Tawagan mo nalang ako kapag may update na. Siguraduhin kong mabulok sa kulungan ang Arevalo na iyon!"sabi nito sa kausap sa kabilang linya.
Teka? Apelyido ko yun ah.
"Kung may galit kayo sa akin ni Alicia, pwede bang huwag niyo ng idamay ang ama ko rito? Hindi magawa ng tatay ko ang pinagbibintang niyo!"puno ng hinanakit na saad niya.
Agad itong lumingon sa kanya.
Subalit, tinitingnan lang siya nito at hindi na nagsalita.
Agad nitong binuksan ang passenger seat ng sasakyan.
"Get in!"sabi nito at naglakad na ito papuntang driver's side.
Pero hindi siya sumakay. Nanatili lang siyang nakatitig sa sasakyan nito.
"Ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na!"
"Ayoko! Mag-taxi nalang po ako sir! Sabihin mo nalang sa akin ang address ng pupuntahan para makasunod ako kaagad. At saka, I'll resign na po after nitong business meeting niyo."sabi niya.
"Bakit? May ipambabayad ka ba sa pinirmahan mong kontrata sa kuya ko?"
Hindi siya nakakibo.
"See? Wala kang ipambayad! Tapang-tapang mo wala ka naman sa lugar. Kung sumakay ka na sana, edi sana ay nakaalis na tayo."
Biglang tumulo ang luha niya pero mabilis niya itong pinahid ng kanyang palad. Ayaw niyang ipakita kay Jacob na mahina siya.
"At isa pa Miss Arevalo, hindi ka naman inutusan na bumalik pa sa company. Remember, I fired you already. Now, ayaw mo pa bang sumakay o kakaladkarin pa kita papasok ng kotse?"
Hindi siya nagsalita at mabilis na pumasok sa loob ng kotse.
Wala silang imikang dalawa ni Jacob hanggang sa makarating silang Baguio kung saan ito may ka-meeting.
Sa Camp John Hay hotel daw sila mananatili. May pipirmahan daw kasing business deal si Jacob at sa hotel ito gaganapin.
Pero, nagtataka siya dahil alam niya ang lahat ng mga appointments nito at kung sino ang mga taong dapat kausapin nito, maliban ngayon.
Nagtataka man ay sumunod parin siya kay Jacob papuntang front desk.
Nakapagpa-reserved na ito ng dalawang kwarto para sa kanila at kinuha nalang nito ang kanilang keycard.
Pagkatapos na ibigay ni Jacob ang keycard niya ay nag-bow siya ng kunti at naglakad na papuntang elevator.
Timing naman na pagbukas ng elevator ay narinig niyang nag-ring ang cellphone ni Jacob.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng elevator at nakita pa niyang napalingon si Jacob sa kanya at nagmadaling tumakbo papuntang elevator.
Kahit gusto niyang isara na ang elevator, gayunpaman ay nanaig parin ang pagrespito niya rito bilang isang amo. Kaya naman ay binuksan niya ang pintuan ng elevator. They're in the same floor anyway.
"Thank you.."saad nito pagkapasok habang may kausap sa cellphone.
She sighed at pilit na kinalma ang sarili.
"I told you, nasa business meeting ako, at isang linggo ako rito. Kaya pwede bang huwag ka ng tumawag? Yeah nasa Laguna kami at huwag mo ng balakin na sumunod. I'm busy.."saad nito sa kausap na sa hula niya ay si Alicia.
Laguna? Eh nasa Baguio kami ah! Aba, sinungaling 'tong lalaki na 'to ah!
"Alright, bahala ka sa buhay mo. Sumunod ka kung gusto mong sumunod. Mahirap makipag-usap sa taong makitid ang utak!"sabi nito at mabilis na pinatay ang cellphone.
Napatingin si Jacob sa kanya at dahan-dahang lumapit. Isang dangkal nalang ang layo nila sa isa't-isa.
Her heart thumped hard.
Akmang kakausapin siya ni Jacob nang ang cellphone naman niya ang nag-ring.
It's Jayhan.
Kaagad niyang sinagot ang tawag nito.
"Hello, Han napatawag ka?"
Nakita niyang asar na napatingin si Jacob sa kanya at napabuga ito ng hangin.
"You're calling me what?"saad ni Jayhan sa kabilang linya.
"Han.."sabi niya at noon nama'y bumukas ang elevator.
Padabog na naunang lumabas si Jacob sa elevator.
"Is that an endearment?"natatawang tanong ni Jayhan sa kabilang linya.
"Baliw! That's the last three letters of your name! Asa ka!"saad niya at lumabas na ng elevator.
"Aww, that hurts ha!"biro nito sa kabilang linya.
"Hurts mo mukha mo! May kailangan ka?"
"Yeah, available ka ba tonight? Uhmm, I just wanna invite you for dinner."
"Oh, sorry Jayhan, pero out of town ako ngayon e."
"Work?"
"Yeah. Don't worry, I'll treat you a meal nalang pagkauwi ko."
"Promise yan ha!"
"Hmm.."she nodded kahit hindi siya nakikita ng kausap.
"Okay. Ingat ka nalang diyan."
"Yeah, you too. Mag—"
Sasabihin na sana niyang mag-iingat rin si Jayhan nang biglang may humablot sa cellphone niya.
And it was Jacob. Kita niya ang galit sa mga mata nito at bigla nalang nitong itinapon ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...