KANINA pa tawag ng tawag si Raine kay Jacob, ngunit hindi parin nito sinasagot ang kanyang tawag.She felt something wrong na. Pero, she trusted Jacob. Baka busy lang ito kaya hindi nasagot ang kanyang tawag.
Nangako kasi itong sa labas sila mag-lunch. Hindi rin kasi ito pumasok ng trabaho kasi daw may inaasikaso pa itong mga papeles.
Hindi niya alam kung anong mga papeles ang sinasabi nito dahil lahat naman ng mga lakad at ang mga dapat nitong pirmahan na mga papeles ay alam niya, bilang isang personal secretary nito.
Kinakabahan na siya. Pero nananaig parin ang tiwala niya kay Jacob.
Ngunit ang lunch dapat sana nila ay naging dinner na.
Kanina pa siyang alas singko umuwi galing opisina dahil hindi naman pumasok si Jacob.
Tumawag itong sa apartment nalang daw siya nito susunduin.
Mag-aalas otso na itong dumating sa apartment niya. At nalalanghap kaagad niya ang malamig na simoy ng hangin ni Jacob.
He's been cold.
"Saan mo gustong kumain?"tanong nito.
"Eh, ikaw kung saan mo gusto. Alam mo naman kung saan ako pwede diba?"malumanay na sagot niya.
Jacob sighed. "Tara na.."malamig na saad nito sa kanya at nagpatiuna ng naglakad palabas sa kanyang apartment.
Hindi niya alam kung bakit naging malamig ang pakikitungo nito ngayon sa kanya. Pero sana, pagod lang. Dahil hindi niya alam ang gagawin niya kapag iba na ang dahilan ng malamig nitong pakikitungo sa kanya.
Maski kasi ang 'BABE' nitong tawag sa kanya ay nawala na.
Napabuntong-hininga siyang sumunod rito.
Ni hindi na nga siya nito pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Nauna na itong pumasok sa driver's seat.
She sighed.
Hindi naman sa nagpapabebe siya noh, pero yung dati kasing ginagawa ni Jacob sa kanya ay hindi na nito ginagawa ngayon sa kanya.
Could it be because she's gaining weight again? Madalas kasi siyang nagki-crave ng mga pagkain ngayon e.
Or baka naman, nakalimutan na nitong mahal pala siya nito?
"Do we have a problem?"mahina ngunit seryosong tanong niya rito pagkapasok niyang passenger seat.
Hindi na rin kasi siya makatiis e.
"Why? Do we have a problem?" ulit lang nito sa tanong niya.
She heaved a sigh.
"It's just that, pakiramdam ko nanlalamig ka na sa akin.."
"Raine, wala tayong problema. Just don't ask a lot of questions baka magka-problema pa tuloy tayo. At saka pagod lang ako. Don't overreact.."
What? Raine? Overreact? Why? Am I overreacting?
Pero hindi na niya isinatinig yun. Ayaw niyang mag-away silang dalawa dahil lang sa kakitiran ng utak niya.
But, yung bunganga niyang matabil ay hindi niya talaga minsan mapigilan.
"Do you still love me Jake?" wala sa isip na tanong niya rito.
Pati siya ay nagulat nang ma-realize kung ano ang sinasabi.
"Do I have to answer that Raine? Do I really need to answer that?"
"Yes, you must. Dahil hindi ko na alam kung ano ang pwede kong maramdaman e. There's something changed na hindi ko matukoy kung ano."
"Wala ka bang tiwala sa akin ha Raine Zynah?"
"Trust? Of course, ibinigay ko na nga ang lahat ng tiwala ko sayo e. Isa pa, pwede mo namang sagutin yun nang wala ng iba pang sinasabi. Bakit hindi mo masagot?"
"Hindi ko naman kailangang sagutin yung tanong mo dahil mararamdaman mo naman kung ano ang nararamdaman ko sayo e!"
"Yun na nga e. Ang nararamdaman ko ngayon Jake ay iba na. Pakiramdam ko, hindi mo na ako mahal. Sobrang lamig mo na sa akin. Para bang may kasama akong bangkay tuwing magkasama tayong dalawa. Parang kulang nalang ay papasok tayong dalawa sa morgue. Kaya kailangan ko ang sagot mo! Mahal mo pa ba ako?"
He sighed at tinitingnan siya nito sa mga mata.
"Kung mahal mo ako Raine, mararamdaman mong mahal kita.."sabi nito at mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis.
"Hindi naman mahirap sagutin yung tanong ko Jake. Mahal kita, kaya nga ako naghintay ng ilang buwan diyan s annulment mo kay Alicia e. You promised Jake, pero it's been seven months na wala paring balita. Mahal kita, pero hindi ko na nararamdaman na mahal mo ako.."
Hindi ito nakasagot.
"Okay lang naman sa akin kung sabihin mong hindi mo na ako mahal e, maiintindihan ko naman. Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit kailangan mo pa akong paasahin sa wala. I was expecting na after a month or two ay annulled na ang kasal niyo ni Alicia. Hindi ko alam na aabutan pala ng pitong buwan. And worst, naging iba na ang pakikitungo mo sa akin after several months."
Bigla nitong pinukpok ang manibela at mabilis na ihininto at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Hindi pa nga tayo kasal Raine, punong-puno na ako sa kakabunganga mo! Paano pa kaya pag nakasal tayo? Kung duda ka sa pagmamahal ko sayo, edi tumigil nalang tayo! Tapos!"
"Makikipag-break ka sa akin?"
"Oo, kung ganyan naman pala kakitid yang utak mo! Let's break up! Palamigin mo muna yang ulo mo!"sabi nito sa kanya.
Biglang may kung anong bumara sa lalamunan niya at hindi siya nakapag-salita at mabilis na tumulo ang kanyang mga luha na agad din naman niyang pinahid ng kanyang mga daliri.
She faked a smile kahit sobrang sakit ngayon ng pakiramdam niya.
"Buti pa nga. Kasi, mas pinatunayan mo ngayon sa akin na totoo nga ang hinala ko. Kung mahal mo ako, hindi naman mahirap sagutin yun e. Sa halip, iyon ba ang naging dahilan kung bakit tayo maghihiwalay ngayon."sabi niya at ngumiti kahit gusto na niyang umatungal ng iyak.
"Pero itong tandaan mo Jake, once nakipaghiwalay ako sayo, hindi na ako babalik. Ngayong binasura mo na ako, huwag mo na ulit akong pulutin dahil hindi na ako babalik."aniya sabay bukas ng pintuan ng sasakyan at mabilis na lumabas.
Saka palang tumulo ang masaganang mga luha sa kanyang mga pisngi na kanina pa niya pinipigilan.
Kung mahal siya ng binata ay kahit anong bunganga niya rito ay hindi ito matitinag.
Kung mahal siya nito, madali lang namang sagutin na mahal siya nito e. Pero bakit kailangan pang maraming dahilan? Bakit hindi nito derektang sabihin sa kanya na mahal siya nito kung talagang mahal siya nito diba? Dami pang kuskos-balungos e.
Nagugustuhan na ba nito si Alicia?
Mabilis ang paglalakad niya habang hilam ang mga mata sa luha. Kailangan niyang makabalik kaagad sa apartment.
A/N
Naku! Mag-ingat kayo sa pagtatanong sa jowa niyo! Huwag niyong tanunging 'mahal mo pa ba ako' baka magkahiwalay pa kayo. Hahahaha. Okay, one chap update ulit tayo. Pagtiyagaan niyo muna ha 😂😂
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...