NAGISING siya sa isang maputing silid at nakita kaagad niya si Jacob habang nakatitig sa kanya."Saan ako?"tanong niya.
"Hospital, saan pa ba dapat? Tss! Okay ka lang ba? Wala na bang masakit sayo? Kumustang paghinga mo, wala na bang problema?"sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
"Pwedeng isa-isa lang ang tanong? Ayos na ako. Salamat.."
"Bakit hindi mo sinabing allergy ka sa manok? Akala ko kung ano na ang mangyari sayo. Ayaw kong bigyan ng problema ang kapatid ko.."
Akala niya totoo na ang concern nito sa kanya, yun pala ay ayaw lang nitong magkaroon ng problema si Jim.
"Salamat, pero okay na ako. Pasensya na po sa abala sir!"saad niya at saka tinanggal ang IV sa mga kamay niya.
Bababa na sana siya sa hospital bed nang makita niyang nakatitig si Jacob sa kanya.
"Anong tiningin-tingin mo riyan!"aniya at nakabusangot na bumaba ng hospital bed.
"Ah, wala. May naalala lang akong may allergies din sa manok at parehas kayo ng mga symptoms.."mahinang sambit nito.
"So? Anong koneksyon nun sa akin?"
"Oo nga, tama, anong koneksyon noon sayo. Isa pa, magkaiba kayo ng pangalan. Raine Zynah at Monet, sobrang layo ng pangalan niyo lalo na sa mukha. Si Raine, anghel yun at ikaw?..."
"Oo na, balyena! Tss!"saad niya at mabilis na kinuha ang gamit niya at saka lumabas ng kwarto.
"Sandali!"tawag ni Jacob at mabilis na sumunod sa kanya.
Dahan-dahan naman siyang naglakad upang hintayin si Jacob, dahil wala siyang pera, at hindi niya alam kung saan siya matutulog ngayon.
Nakita niyang binayaran ni Jacob ang hospital bill niya at pagkatapos ay mabilis itong naglakad palapit sa kanya.
"Kakain muna tayo, dahil hindi ako natapos sa pagkain ko kanina.."saad nito.
"Hindi na, diet ako.."sabi niya.
He hissed. "Ikaw, diet? Sinong niloloko mo?"
"Sarili ko!"aniya at mabilis na sumunod kay Jacob papuntang sasakyan.
Agad nitong pinasibad ang sasakyan paalis ng hospital. At nang may makita silang isang kainan di kalayuan sa hospital na bukas pa, ay mabilis nitong ipinarada ang sasakyan nito sa parking area ng kainan.
"Gusto sana kitang dalhin sa isang cosy na kainan. Pero madaling araw na at wala ng bukas...."
"I'm fine.."she cutted him off at nauna ng bumaba ng sasakyan.
Agad naman itong sumunod sa kanya. At pagkapasok nilang kainan ay naghanap siya ng pwede nilang maupuan. Kahit walang katao-tao sa loob ng kainan dahil madaling araw na ay naghahanap parin siya ng magandang pwesto.
Nakita niyang tinitingnan siya ni Jacob habang nag-oorder ito ng pagkain, pero sinimangutan niya lang ito.
At nang may makita siyang magandang pwesto ay naglakad na siya papunta rito at mabilis na umupo. Halos hindi magkasya ang puwet niya sa sobrang liit ng upuan.
Malaki ka lang kamu Raine Zynah. Pinagbibintangan mo pa ang upuan.
Maya-maya'y naglakad na palapit sa kanya si Jacob dala ang pagkain.
"Wow! Favorite!"bulalas niya nang makita ang nakahain sa harapan niya. Nakita niyang nagtatakang napatingin sa kanya si Jacob.
"Paborito mo ang menudo?"tanong pa nito.
Agad siyang tumango at agad na nilantakan ang pagkain.
Nakita niyang hindi ginalaw ni Jacob ang pagkain nito at nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya ng matamis at pasimpleng kinuha ang carrots sa pagkain din ni Jacob.
Alam niya kasing ayaw ni Jacob ng carrots na kabaliktaran niya dahil ito yung pinaka-paborito niyang gulay sa menudo.
Di nagtagal ay napansin na siya ni Jacob na kinukuha niya ang mga carrots sa pagkain nito.
"Anong ginagawa mo?"tanong nito.
"Diba, hindi ka kumakain ng carrots?"
"Paano mo nalaman?"tanong nito kaya napaubo siya.
Fvck! Baka mahahalata ka na Zynah.
"Ah..ehh ano. Hinulaan ko lang na hindi ka kumakain. Kasi, alam mo na paboritong gulay ko yan na sahog sa menudo.."
"Alam ko??"nagtatakang tanong nito.
"I-i mean. Carrots is my favorite vege. Kaya ayun. Pasensya na, gusto mo pala ng carrots.."aniya at inisa-isang ibinalik kay Jacob ang kinuhang carrots. Pero ibinalik ito ni Jacob sa kanya.
"Hindi sayo na yan. At tama ka, hindi nga ako kumakain ng carrots.."saad nito.
"Weeh, di nga. Baka, nahihiya ka lang.."sabi niya, kunwari hindi niya alam. Baka malaman ni Jacob na siya si Raine na childhood bestfriend nito.
"So, ano,.paano nga kayo nagkakilala ni Jayhan?"pagsisimula nito ng topic saka sumubo.
"Narinig mo na naman diba? Sa isang ice cream parlor kami nagkita. Hindi naman kami magkakilala talaga, nagkataon lang na nagkita kami ulit dito at naalala pa niya ako."aniya at sumubo din ng pagkain.
"I see. At tungkol sa JAYHAN'S FITNESS, paano mo naman nalaman yung gym niya?"
"Binigyan ako ng calling card ng isang taxi driver. Nag-alala kasi siya sa akin. Kasi, alam mo yun, hindi raw maganda sa kalusugan ang sobrang katabaan. Na-stock up kasi ako sa pintuan ng taxi niya."
She heard him chuckled kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Eh, totoo naman kasi ang sinabi ng taxi driver. Hindi naman kasi talaga maganda sa kalusugan ang sobrang katabaan. Ilan bang timbang mo?"
"One hundred fifty five kilos.."aniya.
"W-what?"gulat na bulalas nito.
"Oo na, alam ko na ang sasabihin mo! Hindi mo na kailangang ulit-ulitin.."she hissed kaya napatawa ang binata.
"I didn't say anything.."nakangiting saad nito.
Parang kampanteng-kampante na itong nakipag-usap sa kanya unlike nung una nilang pagkikita sa mansion ng mga ito.
"So, are you planning to.. alam mo na— loose weight.."
She sighed. "Yeah, susubukan ko. Kasi, parang hindi ko yata kaya ang hindi kumain. Parang nasanay na ang katawan ko na laging puno ang tiyan ko.."aniya.
He hissed. "Puro kasi carbs nilalamon mo. Subukan mong kumain ng puro gulay naman. At saka, huwag kang laging kumakain ng sweets. Sino ba naman kasi ang hindi lolobo kung isang gallon nga ng ice cream ay kaya mong ubusin.."
She hissed at tinapos na ang pagkain.
Hindi na rin nagsalita si Jacob saka inubos na rin nito ang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay nagbayad muna ito ng kinain nila saka lumabas ng kainan.
He's still the Jacob na nakilala niya. Hindi parin ito maarte. Pero nang maalala ang niluto niyang sinigang noon ay napangiwi siya.
Nagtatakang napatingin sa kanya si Jacob pero nginitian niya lang ito. Napailing ito habang mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis sa kainan.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Художественная прозаThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...