Kabanata 42

128 9 3
                                    


ISANG linggo na ang lumipas simula nang malaman niyang nagdadalang-tao pala siya. Wala parin siyang balita kay Jacob.

Plano nalang sana niyang ibaba nalang ang pride para sa mga anak nila, pero nagdalawang-isip siya lalo na at ito ang unang nakipaghiwalay sa kanya.

Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho niya. Hindi bale, sa company nalang na pagmamay-ari nila siya magtrabaho kung sakali.

She's having her breakfast nang may nag-doorbell. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang pintuan ng kanyang apartment upang buksan kung sino man ang bumisita sa kanya ng ganito kaaga.

"Dada!"bulalas niya nang mukha ng ama ang bumungad sa kanya.

Agad siyang nagmano rito at yumakap.

"I miss you 'Da.."sabi pa niya.

"Hmmm! Mukhang may kakaibang hangin yata akong naamoy anak. Ngayon mo lang talaga ako na-miss ha?"biro nito sa kanya.

She chuckled. "I'm having breakfast, kumain ka na ba 'Da?"

"Hindi pa, maaga akong umalis sa bahay para ihatid sayo itong paborito mong chicharon na galing Cebu. Anong breakfast mo?"

"Whoaa! Thank you Da! Uhmm, rice, bacon and egg lang.."aniya sabay yakap sa ama.

Pagkatapos ay naghanda na rin siya ng makakainan ng kanyang ama.

Habang kumakain sila, napapansin niyang panay ang tingin nito sa kanya.

Kinakabahan siyang ngumiti rito at sumubo.

"Raine anak, namumutla ka yata.."puna nito.

Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha kaya natataranta ang kanyang ama na lumapit sa kanya.

"Hey, anak! May sakit ka ba?"nag-alalang tanong nito sa kanya.

She shook her head at humihikbi na.

"Hey! It's alright, it's alright.."alo nito sa kanya.

She hugged her Dad, feeling niya kasi ito 'yung panahon na kailangan na kailangan niya talaga ang ama.

Humihikbi siyang yumakap rito at todo himas naman ito sa kanyang likod para siya ay kumalma.

"May problema ba 'nak?"

"Da, I'm pregnant.."walang pag-aatubiling sumbong niya rito.

Hindi ito umimik at nakatingin lang sa kanya.

"Da.. I'm sorry.."

"Bakit ka naman mag-sorry anak? Pero, sino ang ama?"

"S-si J-jacob.."

"Ano?!" her Dad exclaimed.

She nodded.

"Kasal na si Jacob kay Alicia anak, bakit ka naman pumatol pa sa lalaking 'yon?"

"It was happened before pa sila ikinasal, ngayon ko lang po nalaman kung hindi ko pa nararamdaman ang sipa ng mga babies sa puson ko.."

"Mga b-babies?"

She nodded. "I'm having twins on my tummy.."

Napamaang ito sa sinabi niya.

"So, ano ngayon ang plano mo? Dalawa pala ang magiging apo ko kung ganoon?"

"Sabihin ko kay Jacob.."

"Para ano? Para guluhin ang pagsasama nila ng pinsan mo?"

"Of course not Da! He has also the right to know din naman po kasi siya po ang ama nitong dinadala ko.."

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon