KINABUKASAN, maaga pa lang ay tumutunog na ang kanyang cellphone. Ibig sabihin, may tumatawag and it was Jayhan.
"Hello.."aniya sa paos na boses.
Jayhan chuckled. "Kagigising mo lang ano?"tanong pa nito.
"Obvious ba? Hmm, ba't ang aga-aga mong tumawag?"
"I'm here at the airport na. Ayaw niyo ba akong sunduin?"
Bigla siyang napabalikwas ng bangon.
"What- Shit! Sorry, nawala sa isip ko na ngayon pala ang dating mo."
"It's fine. How was the kids? Natutulog pa ba?"
"Yeah, maybe?"patanong na sagot niya.
Napatawa si Jayhan sa kabilang linya. "Okay, I'll wait for you guys here at the airport."
Pagkababa ng tawag ni Jayhan ay mabilis siyang naligo at nagbihis. Hindi niya namamalayan na nauna na pala ang mga anak niya sa baba at tapos na ang mga ito mag-breakfast kasama ng abuelo.
Nagtempla din muna siya ng kape, para kahit papaano ay mainitan ang sikmura niya.
"Bihis na mga anak, sunduin natin si Daddy sa airport."
"Today?"tanong ni Jassy.
"Papabihisin ka ba ni Mommy ngayon kung bukas pa natin susunduin si Daddy? Tss! Bopols!"si Jarren.
"Jarren.."saway niya rito.
"Lagi mo nalang akong inaaway. Lagi ka nalang may nakikitang mali sa akin.."may pagtatampong saad ni Jassy sa kapatid.
"Tama na nga 'yan! Bihis na kayo doon at ng makaalis na tayo! Kayo-kayo na nga lang, nag-aaway pa kayo! Hindi maganda 'yang ganyan ha! Ikaw Jarren, lalaki ka huwag mong inaaway palagi ang kambal mo! Ikaw naman Jassy, bawas-bawasan mo 'yang kaartehan mo! Hala na, magbihis na kayo! Hinihintay niyo pa talagang iinit ang ulo ko! Bilis na!" may otoridad na saad niya sa dalawa.
Mabilis naman itong umakyat ang mga ito sa kwarto saka nagbihis.
"Aga-aga mo pang nanenermon anak." puna ng kanyang ama sa kanya na nakaupo pa sa hapag-kainan.
"Mga pasaway kasi, ganyan din sila sa States. Hilig kasing mampuna nitong si Jarren, si Jassy naman may pagka maarte. Eh, ang babata pa ng mga 'yan e.. " she sighed as she sipped her coffee.
"Hayaan mo na, ganyan talaga ang mga bata."
"Hindi naman pwede ang ganyan Da, kasi makakasanayan nila ang ugaling ganyan. Nakakahiya kung sa iba nila gawin, kaya habang maaga pa kailangan ko silang ituwid sa mga mali nila."
Nagkibit -balikat nalang ang ama niya.
"Mag-breakfast ka na.."saad ng kanyang ama saka tumayo.
"Coffee nalang ako Da. Kanina pa si Jayhan naghihintay sa airport.. "
"Ikaw ang bahala.."sabi nito.
Inubos niya ang kape niya, sakto namang bumaba ang mga kambal. Nag toothbrush muna siya bago hinarap ang dalawa.
Nagpunta naman ang kanyang Dada sa sala at binuksan ang TV.
Pagkatapos niyang suklayan si Jassy ay nagpaalam na sila sa ama at agad na umalis papuntang airport.
Pagkarating nilang airport ay agad na tumakbo ang dalawa nang makita si Jayhan na naghihintay sa kanila.
"Daddy! "excited na saad ng mga ito habang tumatakbo.
Napangiti siyang lumapit din kay Jayhan saka yumakap at humalik sa pisngi nito.
"How was the flight?"tanong niya pagkabitaw kay Jayhan.
"Medyo umaalog pa ang utak ko.."natatawang saad nito kaya napatawa na rin siya.
Hawak-kamay silang naglalakad habang hawak din nila ang dalawang bata.
Nagkukulit pa ang dalawa kay Jayhan nang may nakasalubong sila.
It's Jacob.
"Engineer Cheng!"nakangiting wika nito at agad na nakipag-kamay kay Jayhan.
"Engineer Samonte! Long time no see! "saad din ni Jayhan at tinanggap ang pakikipag-kamay ni Jacob.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya nang tumingin ito sa kanya at pagkatapos ay sa kambal na anak na ngayon ay nagtatakang nakatingin rito.
"Daddy, is he your friend?"tanong pa ni Jassy.
"Y-yeah.."alanganing sagot ni Jayhan sa inaanak.
"Daddy? Anak mo Engr. Cheng?"
Napatingin si Jayhan sa kanya. "Y-yeah?"patanong na sagot nito kay Jacob habang nakatingin pa rin sa kanya.
Mukhang hindi siya nakikilala nito.
Yeah, she's not that fatty Raine anymore. Makinis na ang balat niya at sumeksi na siya.
Napalingon si Jacob sa kanya at tumitig, saka ibinalik ang tingin kay Jayhan.
"Your wife?"tanong ulit kay Jayhan.
"She's our mom Mister. And here's our Daddy Jayhan! It seems like you're interested with my mom. But, sorry she has already have a family and that's us.." masungit na saad ng anak niyang si Jarren at inisa-isa silang itinuro nito.
"Jarren!" saway niya rito.
Kahit kailan talaga 'tong mga anak niya. Hindi niya alam kung paano disiplinahin ang mga ito.
"Anak, friend siya ni Daddy. He's T-tito Jacob. What will you say?"malumanay na saad ni Jayhan kay Jarren.
Jarren sighed. "Sorry.."nakabusangot na hinging paumanhin nito kay Jacob saka bumitaw sa pagkahawak ni Jayhan rito.
She sighed.
Napangiti si Jacob nang makita ang inasta ni Jarren.
"So how are you doing all this time Engr. Samonte? May mga anak ka na rin ba? "tanong ni Jayhan rito.
Umiling ito saka tumingin sa kanya. Ang letse niyang puso ay naghuhurumentado na naman sa kaba.
"How about your wife? Hindi ba kayo nagkaanak ni Alicia? "
"Oh! Alicia? We're annulled six years ago."sabi nito at tumingin ulit sa kanya.
Kanina pa siya kinakabahan. Sa tingin niya ay aatakihin siya sa puso kapag hindi pa siya umalis. Feeling niya biglang uminit ang paligid niya.
Hindi niya alam kung bakit sa loob ng pitong taon ay may epekto pa rin si Jacob sa kanya. O baka natatakot lang siya sa posibleng mangyari sa kanyang mga anak kapag nalaman ng mga ito na si Jacob ang kanilang ama.
She's not ready yet. Ayaw pa niyang ipakilala ang mga anak sa totoong ama ng mga ito.
"You look alike Jarren, mister. And your name is also like our real-" hindi na natapos ni Jassy ang gustong sabihin nito nang bigla niya itong hilahin.
"Sorry, kailangan ko lang puntahan si Jarren.."aniya saka mabilis na tumalikod sa dalawa habang hila ang anak.
Dumoble ang naging kaba niya nang halos mabanggit na ni Jassy na ang totoong ama nila ay Jacob din ang pangalan.
Napapukpok pa siya sa dibdib sabay buga ng hangin habang naglalakad hila ang anak na babae.
"Mom, you okay? "
She nodded pero hindi na nagsalita pa.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...