"Zynah"Nagulat siya nang isang familiar na boses ang tumatawag sa kanya.
Teka, iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan.
Lumingon siya, pero isang di kilalang mukha ang nakita niya.
"Do I know you Miss?"tanong niya rito.
"It's me Alicia.."
"Ali.."
Her Dada explained everything to her already kung bakit iyon nagawa ni Alicia sa kanya.
"Yeah, it's me.."
"Teka, bakit nag-iba ang mukha mo?"aniya at lumalapit ng kunti dito.
Hindi na ito ang dating mukha ni Alicia.
Nasa isang restaurant siya ngayon dahil may pag-uusapan raw sila ni Jayhan. Hindi niya alam kung ano ang pag-uusapan nila, baka about sa business nila sa America.
"I need to dahil kailangan at hopefully na-explain na ni Tito Sam sayo ang lahat. I'm sorry Zynah."saad nito at yumuko na nakaharap sa kanya.
Nakita niyang may tumulong luha sa mga mata nito. Kaya naman ay agad niyang niyakap ito.
"Shhh! Okay na ako Ali. Kalimutan mo na ang nakaraan."
"H-hindi ko alam na buntis ka noon. Kung alam ko lang sana.." hikbi nito.
"Tapos na ang issue na 'yan Ali. Let bygones be bygones. Hindi ako nagtanim ng galit sayo. Oo, noong una nagalit ako at nagtanim ng sama ng loob. Sa lahat ba naman kasi ng tao na traydorin ako, ikaw pa na pinsan ko at bestfriend ko. Pero, nakapag-move on na ako Ali. Nagamot ko na ang sugat at sakit na ginawa niyo ni Jacob sa akin."
"I'm sorry. I'm so sorry talaga Zynah.."
"Kalimutan mo na 'yan sabi.."aniya sabay yakap rito. Kaya naman ay napahagulhol ng iyak si Alicia at yumakap pabalik sa kanya.
Matapos ang kanilang yakapan ay ngumiti si Alicia sa kanya.
"Nasaan na ang mga pamangkin ko?"
"Iniwan ko muna kay Dada kasi may importante akong- I mean, may importante kaming pag-uusapan ni Jayhan."
"Jayhan? Yung Engineer na may-ari ng Gym?"
She nodded.
"Oh? May communication pa kayo?"
"Actually, he is the one who helped me noong down na down ako sa ginagawa niyo sa akin ni Jacob. He was there for me for almost eight years now."
"Sorry.."hinging-paumanhin nito sa kanya.
She hissed. "Sabing kalimutan na e. So, ano how's your life living that identity. I mean, iba na ang mukha mo.."
"It's not easy. Hindi ako sanay sa mukha ko. I may look like a Korean actress, pero iba pa rin 'yung nakasanayan mong mukha. Pero, no choice ako e. Nagbanta ang stepdad ko kaya para mailayo ko kayong dalawa ni Jacob sa peligro ay nagpa-retoke ako ng mukha. Whistle blower daw kasi ako sa grupo nilang mafia."
Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sinasabi nito.
"Oo nga pala, how's your mom and stepdad?"
"Wala na akong balita. At wala na rin akong balak na alamin kung nasaan sila ngayon. Huling balita ko ay noong nakalabas silang kulungan. After n'un wala na. Namamalagi na rin kasi akong Korea, kaya ayun.."saad nito sabay kibit-balikat at inom ng inorder nilang iced tea kanina.
"Thank you Ali, at sorry din kasi I misjudged you. Yun pala, you sacrificed yourself for my safety."
"No, Zynah. You don't need to apologize. Kasi, nasaktan kita dahil sa ginawa ng pamilya ko sayo na ginawa ko rin. I'm sorry.."
"Hayy, ito na naman tayo.."
Ali chuckled.
"But wait, diba may gusto sayo 'yung Engineer?"
Tumango siya. "I love him too, pero as a friend. Mabait si Jayhan, at wala na akong mahihiling pa kung ang lalaking tulad niya ang makakasama ko habang-buhay. Pero, itong lintik kong puso e. Ayaw talaga kay Jayhan. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Kahit nagsama kaming dalawa sa iisang bubong sa America na halos walong taon. Pero, never talagang tumibok ang puso ko sa kanya."
"How sad! Pero ang martyr din ng engineer na 'yan ano at sinamahan ka pa talaga niya ng halos walong taon kahit wala siyang pag-asa sayo."
Malungkot siyang bumuntong-hininga at hindi na nagsalita pa.
Tiningnan niya ang relo na suot. Wala pa ring Jayhan na dumating.
"By any chance, do you still love Jacob?"out of the blue na tanong ni Alicia sa kanya.
Bigla siyang nabilaukan ng laway at hindi nakapag-salita.
"I mean, living with Jayhan for almost eight years, ay hindi mo binigyan ng chance si Jayhan na makapasok sa puso mo. So, mahal mo pa si Jacob?"
"Hindi ko alam Alicia. Pero sa tingin ko, nasa puso ko parin si Jacob hanggang ngayon.."
"And Jacob still loves you too Raine.."saad ng isang boses.
"Jayhan!" bulalas niya nang makita itong naglakad sa pwesto nilang dalawa ni Alicia.
"Jacob is in danger, kinidnap siya ng hindi pa kilalang mga suspect. At ikaw ang gustong makita ng kidnapper."saad nito sa kanya.
Kinakabahan siyang napatingin kay Alicia.
"Teka, bakit ako? Tumawag na ba ang kidnapper?"
"Kanina nang papunta pa lang ako dito ay magkausap kami ng kapatid ni Jacob na si Axl. Kaya medyo na-late ako ng dating. Tumawag daw yung kidnapper sa kanila at ikaw ang papupuntahin para iligtas si Jacob." saad ni Jayhan.
"Hindi kaya, pakana na naman 'to ng stepdad at ng mommy ko, Zynah?"
Napabuntong-hininga siya.
"Hindi ko alam Ali. Sorry, pero wala akong ibang makitang pwedeng gumawa ng ganito sa amin maliban sa stepdad at mommy mo. Lalo na kapag nalaman nilang ako ang successor ng Arevalo's."
Alicia sighed.
"Saan daw ba si Jacob dinala ng mga kidnapper?"
"Sa Baguio. Sa isang tree house na pagmamay-ari ng mga Samonte. Pero sandali lang, anong Ali? You mean, this woman?"saad ni Jayhan sabay turo kay Alicia.
She nodded. "Mahabang istorya Jayhan. Explain ko nalang sayo later."
Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Bakit sobrang layo naman yata at kailangang sa Baguio pa?"tanong niya.
"Don't go Zynah, baka mapapahamak ka lang.."si Alicia.
"Pero mapapahamak si Jacob kapag hindi ako pumunta..."halos maiyak na siya. Iisipin pa lang niya na mapapahamak si Jacob ay takot na takot na siya.
"Bakit Zynah, mahal mo pa rin si Jacob?"si Alicia.
"Oo! Mahal na mahal ko 'yun kahit gago yun! So, ano na samahan niyo na ako para mailigtas natin si Jacob!" halos natataranta na niyang saad.
"Hindi kami pwedeng sumama Raine, dahil baka mas lalong malagay sa peligro si Jacob.."si Jayhan.
Huminga siya ng malalim at mabilis na lumabas ng restaurant at pinuntahan ang sasakyan.
Naiwan naman si Jayhan at Alicia na nakangiti, which is weird.
Pero dahil ayaw niyang mapahamak si Jacob, at kahit parang may naamoy siyang mali kay Alicia at Jayhan ay pupunta pa rin siyang Baguio to make sure na okay lang si Jacob.
She sighed. Hindi bale na, ang mas importante ngayon ay ang kaligtasan ni Jacob.
A/N
Uy, may isang chapter na nadagdag. 😂 Malapit na pong matapos 'to. Simulan na naman natin ang kay Axl at Hotty na sigurado akong matatawa at kikiligin kayo. So, ayun lang. Thanks sa lahat ng bumabasa. Say PRESENT daw sa comment box kung nakikita ko pa ang first readers ko nitong SFP. Please comment "PRESENT" 👇
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...