Kabanata 16

150 11 1
                                    

GABI na, sigurado siya dahil madilim na pati sa labas. Tanging ang liwanag nalang ng gasera ang nagpapaliwanag sa pwesto nila ni Cassandra.

Naawa siya sa among babae dahil sinabi nitong nanghihina na ito at baka hindi na kakayanin kung hindi sila ma-rescue hanggang bukas. Kaya nag-isip siya ng paraan kung paano makatakas.

"Manong bantay, naiihi ako, paihiin mo naman po muna ako.."sigaw niya.

Kaagad namang pumasok ang lalaking bantay at tinanggal ang tali ni sa kanya. Pero hindi natuloy ng lalaki ang ginagawa dahil tinuhod ito ni Monet sa ibabang parte ng pagkalalaki nito kaya nawalan ito nang malay.

Kanina pa kasi niya natanggal ang mga tali, umakto lang siyang nakagapos parin.

Mabilis niyang kinalasan si Cassandra sa mga tali nito sa kamay at paa.

Pagkatapos ay kinuha niya mula sa nakahandusay na bantay ang baril at ang isang swiss knife, kasama ang gun holster saka isiniksik ang baril at swiss knife dito.

"Kalma lang ate Cass. Huwag kang matakot, protektahan kita hangga't makakaya ko. Huwag kang mawala sa paningin ko.."aniya at hinawakan si Cassandra sa mga kamay.

Dahan-dahan silang naglakad palabas ng kwarto na pinagdalhan sa kanila.

May nakita siyang isang lalaking naglakad papunta sa kinaroroonan nila kaya kaagad silang nagkubli sa pader na nandoon.

Hindi paman ito nakalampas sa kinaroroonan nila ay bigla niya itong hinawakan sa leeg at pinilipit. Bumagsak ang lalaki at halatang wala ng buhay.

Kinuha niya ulit ang mga baril at bala nito, at lahat ng mga combat knives na meron ang lalaki ay kinuha niya at ibinigay ang isang barili kau Cassandra.

"Hindi ako marunong gumamit nito Monet, saka paano ka natuto sa ganito?"

"I told you ate, isa akong private agent dati, I do undercovers too. Buti nga hindi ko pa nakalimutan ang mga moves ko—sshhh! Enough talking na, hawakan mo 'to. Magagamit mo ito mamaya sa totoong bakbakan. Understood?"aniya.

Nakita niyang tumango ito.

Maingay sa labas, mukhang nagkasiyahan ang mga lalaking bantay. Kita niya sa paligid na maraming mga men in black na nagbabantay sa paligid, samantalang yung iba naman ay nagkakasiyahan.

May nakita siyang papasok na lalaki kaya mabilis nilang ikinubli ang katawan sa pader.

"Sa likod tayo ate Cass, tignan natin kung may pwede tayong magamit na sasakyan doon."bulong niya kay Cassandra. Mabilis namang sumunod ako kanya si Cassandra na bilang ang bawat kilos sa takot na baka may makapansin sa kanila.

Nakarating na silang garahe, at may nakita silang iba't-ibang klase ng motor bikes doon.

"Pag siniswerte nga naman oo.."sambit niya.

"Paano pag walang susi mga yan.."tanong ni Cassandra.

"Don't worry ate, alam ko paano paandarin yan kahit walang susi."she winked.

Dahan-dahan niyang itinulak ang isang Ducati motorbike na kulay red.

"Ang mga bihag nakatakas!"narinig niyang sigaw ng isang lalaki kaya ganun nalang ang panlalaki ng mga mata nila ni Cassandra.

"Ate Cass, sakay! This is it! Ito na ang totoong laban!"aniya at pinaandar ang motorbike.

Expert na expert niyang pinaandar ito kahit walang susi na ginamit.

Nakarinig siya ng yabag sa may likuran nila at maya-maya'y nagpaulan na ito ng putok.

Sakay sa motorbike ay nagpaulan din siya ng putok sa mga ito.

"Ate Cass, kapit kang mabuti!"sigaw niya rito.

Todo kapit naman si Cassandra sa kanya sa takot na mahulog at matamaan ng bala ng baril.

Pinaulanan niya ng bala ang mga bantay ng gate, at nang makita niyang natumba na ang mga ito ay mabilis niyang pinaharurot ang motorbike papuntang gate.

Sige parin sa pagbaril sa kanila ang mga men in black. Napasigaw si Cassandra nang makitang natatamaan siya sa balikat.

Nakita niyang napaiyak na si Cassandra habang kinuha nito ang baril kahit nanginginig ang mga kamay nito.

Kumuha siya ng isang swiss knife at inasinta ang lalaki na naglakad papunta sa banda nila. Akmang magpaputok na ito pero inunahan niya na ito.

Mabilis na binuksan ang gate saka mabilis na pinaharurot ang bigbike palabas ng gate.

"Habulin niyo!"narinig niyang sigaw ni Norraine.

Binilisan niya pa ang pagpatakbo ng bigbike. Kahit nahihirapan na siya dahil sa dami ng natamong sugat ay nilakasan niya parin ang loob niya dahil nag-aalala na rin siya sa among babae.

"Monet, ayos ka lang ba, ang daming dugo na umagos sa sugat mo, baka mapaano ka, huminto ka muna, talian muna natin yan para tumigil ang pagdurugo.."nag-alalang saad nito sa kanya.

"K-kapag tumigil tayo ngayon ate Cass, baka mahuli nila tayo. K-kaya ko pa. Huwag kang mag-alala. Ikaw wala ka bang sugat?"

"Hindi ko alam, wala naman akong napansing mahapdi sa katawan ko."saad nito.

"Monet, inaantok ako..pwedeng matulog muna ako.."

"Naku ate Cass, huwag kang matulog baka mahulog ka diyan, mas malalagay tayo sa alanganin. Hanap muna tayo ng payphone para matawagan natin sila sir Jim."aniya.

Maya-maya'y may nakita siyang gasoline station na may payphone din. Mabilis niyang ihininto ang motorbike at mabilis na pumasok sa may payphone.

Napansin niyang parang inaantok ang among babae kaya mabilis niyang tinipa ang numero nila Jim sa bahay.

"Monet.."tawag ni Cassandra sa kanya kaya nilingon niya ito upang magulat sa nakita.

"Ate Cass! Ang dami mong dugo!"sigaw niya nang makita ang among babae na basang-basa sa dugo ang suot na pantalon.

"Antok na antok na ako.."saad nito kasabay ng pagkatumba nito.

Mabilis siyang lumabas ng payphone area at patakbong dinaluhan si Cassandra.

She scowled habang binuhat niya papasok sa payphone area si Cassandra.

Nang mailapag niya si Cassandra sa semento ay nanginginig siyang tinipa ulit ang numero ng telepono sa mansion ng mga Samonte. Naisip niyang mas magandang doon siya tumawag dahil baka busy si Jim sa paghahanap sa kanila.

"Hello.."

"Hello, sino 'to? Si Monet po ito.."

"Monet? Si Axl 'to. Saan kayo ni ate Cass?"

"Please bilisan niyo, nasa panganib si ate Cassandra. She has a gun shot.."aniya at tiningnan ang walang malay na amo.

Mabilis din siyang tumawag sa emergency assistance.

Wala pang trenta minuto ay dumating kaagad sila Jim.

Napansin niyang may mga kasama itong mga lalaking malalaki ang mga katawan.

Wow, parang Avengers lang. Kumpleto! Nandito si Hulk, Ironman, Thor, at Captain America.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon