"TABI na nga lang kasi tayo!"saad niya sa binata.
Kanina pa silang dalawa nagtatalo kung sinong mahiga sa sofa, at kung sino sa kama. Alas dos pa silang nakarating ng hotel, at ngayon mag-aalas kwatro na, halos magdadalawang oras na silang nagtatalo.
Wala na kasing available room sa hotel na pinuntahan nila na pagmamay-ari din ng mga Samonte. Kaya ang ending, ito sila nagse-share sa iisang kwarto na pagmamay-ari ni Jacob.
"Ayoko nga! Ano ka siniswerte?"
"Arte mo sir Jake! Eh hindi nga kasi ako magkakasya diyan sa sofa e.."
Paano ba naman kasi, ang liit ng sofa para sa kanya. Hindi na nga kasya ang puwet niya, katawan niya pa kaya?
"Kasalanan ko ba kung malaki lang talaga yang katawan mo? Kung gusto mo sa sahig ka nalang matulog!"
"Sasakit ang katawan ko sa sahig.."aniya.
"Wow ang arte mo! Sasakit pa ba katawan mo sa sahig na puro taba lang ang laman?"
She hissed.
"Grabe ka sa akin sir Jake! Mapanakit ka talaga! Ano ngayon kung mataba ako? At least hindi ako humihingi ng pagkain sayo— sa inyo! Ilang beses mo bang ipamukha sa akin ang katabaan ko? Alam ko namang mataba ako e, at obese ako. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin kasi aware naman ako sa sarili kong katawan!"aniya sabay dampot ng kanyang mga gamit at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Narinig pa niyang tinatawag siya ni Jacob pero hindi na niya ito nilingon. Ang sakit lang kasi. Okay lang sana kung ibang tao yung manlait sa kanya e, pero si Jacob? Bakit nasasaktan siya? Mas lalo lang tuloy siyang natakot na magpakilala rito bilang si Raine. At mukhang wala na siyang balak pang magpakilala.
She sighed at nagmamadaling sumakay ng elevator pababa.
Pagkarating niyang baba ay agad niyang tinawagan si Ali.
"Hoy, anong kailangan mo ang aga-aga pa. Inaantok pa ako.."
"Tss! Pahiram ng pera, pamasahe lang.."
"Huh? B-bakit nasaan ka ba?"
"Somewhere in Tagaytay.."
"At paano ka naman napunta diyan aber? Teka, sumama ka ba sa isang matandang huklubang mayaman?"
"Kung nandito ka lang, nasasapak na kita Ali! I'm here with Jacob. Ako kasi ang pinasama ni sir Jim dito.."
"Yun naman pala e, anong problema? Kasama mo naman pala ang first love mo!"
"Tss! Dami mong sinasabi, ano papahiramin mo ba ako o hindi?"
She heard Ali sighed.
"Oo na, I'll wire you the money. Ano ba kasing problema?"
She sighed.
"Hindi niya ako kilala, at wala na akong balak magpakilala pa. Kita mo ang katawan at mukha ko diba? Alam ko namang mataba ako pero, yung ulit-ulitin niya sa pagmumukha ko kung gaano ako kataba? Nasasaktan ako Ali.."
"Hayy! Umuwi ka na nga. Dito ka na mag-drama. Dumerecho ka rito dahil off ko ngayon.."
"Okay. Wire me the money.."aniya at ibinaba na ang tawag.
Nang makatanggap siya ng notification sa perang pinadala ni Ali ay mabilis siyang nagpunta sa malapit na banko at agad na nag-withdraw.
Pagka-withdraw niya ay agad siyang naghanap ng pwede niyang masakyan pauwing Maynila.
Gustuhin man niyang mamasyal pa sana ng Tagaytay, pero nawalan siya ng gana kung si Jacob lang ang makakasama niya.
Alas siyete pa lang ay nasa Maynila na siya. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa apartment ng pinsan niyang si Alicia.
Tuwang-tuwa naman ito nang makita siya at agad siya nitong sinalubong ng yakap.
"Sandali! Matutumba ako Ali, langya!" reklamo niya nang patalon-talon siya nitong niyayakap.
"Na-miss kita e.."
"Tss! Pagod ako, papaghingahin mo kaya muna ako!"busangot niya.
"So, anong ganap sa Tagaytay at biglang nag-alsa balutan ka?"
"He just look down on me because of my body.."
"What? You mean ininsulto ka niya, dahil sa balyena ka— awww! Fvck Zynah, masakit!"
Sinabunutan niya lang naman ito.
"Huwag ka ng dumagdag pa, gaga ka!"simangot niya rito at pumasok na sa loob ng apartment.
Pagkapasok ay pagod siyang humiga sa carpet.
"Ali, sa tingin mo papayat pa ako?"out of the blue na tanong niya sa pinsan.
"Oo naman. Pero, todo effort ang gagawin mo. Bakit? Have you decided na magpapayat na?"
She sighed sabay buhat, pero nahihirapan siyang bumuhat kaya tinulungan nalang siya ni Ali na bumangon.
"Paanong todo effort?"
"Patayang diet, at exercise. Kaya mo ba?"
Nag-alalangan siya kung tumango ba o hindi, pero sa huli ay napatango rin siya nang maalala ang lahat ng discrimination na natatanggap niya.
"Kakayanin.."mahina, ngunit pinal na saad niya.
KINABUKASAN, ay alas kwatro pa lang ng madaling araw siyang ginising ni Ali para mag-jogging.
Kahit inaantok pa ay bumangon siya. She promised to herself na magpapayat na siya. Hindi para sa ibang tao, kundi para sa sarili niya. Alam niyang hindi healthy ang over size niyang pangangatawan, kaya, napag-desisyonan niyang magpapayat dahil ayaw niyang mamatay ng maaga dahil sa sakit sa puso.
"A-alicia— H-hintay--in m-mo ako!"humihingal na saad niya. Tagaktak na siya ng pawis sa isang ikot palang nila sa park.
"Mahina lang naman ang takbo ko Zy. Kaya mo yan! Fight! Fight! Fight!"saad nito.
Pero hindi na niya talaga kaya pa ang tumakbo pa kaya humihingal muna siyang umupo sa may tabi. Para siyang aso na humihingal, nakalabas ang dila.
Makaraan ang ilang minuto ay tumayo siya at nag-walking nalang siya. Nakasalubong pa niya si Ali na nakangising nakatingin sa kanya.
She frown kaya napatawa si Ali sa kanya.
"Ano kaya pa?"tanong nito at mabilis na lumapit sa kanya na tagaktak din ang pawis.
"Kakayanin.."ungol niya.
"M-monet?"anang ng isang boses kaya napalingon siya.
"Oh, Jayhan!"saad niya nang makitang si Jayhan pala ang tumawag sa kanya.
"Teka, Monet?"si Ali.
"I'll explain later.."bulong niya rito.
"So, mag-jogging din ba kayo?"
"Hindi, sumasayaw.."pilosopong saad niya kaya napatawa ito.
"Pero diba nasa Tagaytay ka? Paano ka napunta rito?"
"Hindi lang naman ako ang engineer doon. At saka , diba ako dapat ang magtanong niyan? Anyway, okay na ba ang allergies mo?"saad nito at pasimpleng tumingin kay Ali.
She nodded.
"Uhmm, by the way Jayhan, this is Alicia, my cousin. Ali, si Jayhan.."
"Hi Alicia, it is nice meeting you."saad nito kay Ali at inilahad ang kamay.
"My pleasure.."nakangiting tugon naman ni Ali, saka tinanggap ang pakikipag-kamay nito.
"So, guys coffee tayo. My treat.."saad nito.
Kaya mabilis pa sa alas kwatro silang sumunod ni Ali kay Jayhan.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Fiksi UmumThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...