Kabanata 39

108 8 0
                                    


Samantala..

"Alicia anak, kailan mo ba kami palalabasin ng tito Panfilo mo ditong kulungan? Feeling ko magkakaroon ako ng depression sa lugar na 'to e.."

She rolled her eyes habang tinitingnan ang ina.

"Kung di ba naman kasi kayo mga 'kaling', bakit niyo ba ginawa yun kay tito Arthur? Hindi mo naman kailangang gawin yun sa kanya dahil silang dalawa naman ni Dad ang may-ari ng company! May shares ka naman kasi, ikaw ang asawa ni Daddy!"

"Tumahimik ka! Yung ipinagawa ko sayo nagawa mo na ba? Alam mo ang pwedeng mangyari kapag hindi mo sinunod ang utos ko! Kilala mo ang tito Panfilo mo Ali, kaya umayos ka!"

"Hah! Alam niyo bang sukang-suka na ako sa pinagagawa niyo sa akin? Nakokonsensya na ako Ma! Pwede ba tumigil na tayo? Okay lang naman na kamuhian ako ng ibang tao e, huwag lang si Zynah. She's my only cousin and my only bestfriend.."

"Cousin? Bestfriend? Kalimutan mong magkadugo kayo ng matabang iyon! Alam mong mapasakanya ang Arevalo's kapag naikasal siya sa isa sa mga miyembro ng Samonte Clan! She's the only heiress, pero hindi niya makukuha ang mana niya kapag hindi siya maikasal sa isang Samonte. Kaya ikaw, umayos ka! Dahil, may kutob akong ikaw ang papalit sa kanya bilang isang tagapagmana!"

"That's bullshit! Pera nalang ba talaga ang importante sayo? Wala akong pakialam sa mana na yan! Nabubuhay naman ako sa sariling pagsisikap ko e! May trabaho at may sweldo ako, for goodness sake! Kailan ka ba titigil?"

"Titigil? Hindi ako titigil Ali hangga't hindi mo makukuha ang Arevalo's mula kay Raine! Stick to the plan, at huwag kang magkamaling kalabanin ako dahil alam mo ang pwedeng mangyari! Understand?"

Inis siyang tumayo at nagmadaling lumabas sa kinaroroonan ng ina. Binisita niya ito, nagbakasali na pumayag itong tumigil na sila dahil nakokonsensya na siya sa ginagawa niya kay Zynah at Jacob

It's been seven months mula ng maikasal siya kay Jacob na isa sa mga plano ng kanyang ina at ng second husband nito.

Sa totoo lang, nakokonsensya na siya sa ginagawa niya kay Zynah at Jacob.

Naging maldita siya kay Raine, naging masama dahil lahat yun ay kagustuhan ng kanyang ina.

Yes, pwede namang hindi niya sundin ang Mom niya, pero ayaw niyang may marami pang mapapahamak.

Her tito Panfilo is a mafia leader, at may mga gang itong hawak.

One wrong move, ay hindi lang siya ang malalagot, mapapahamak pa pati si Raine at ang tito Arthur niya.

She's doing evil things to protect Raine and her Tito Arthur from her stepfather.

Plano ng mga ito na mapasakanila ang Arevalo's para malaya ng makalagaw ang sindikato ng kanyang stepdad na si Panfilo. Kasama din sa plano ng mga ito ang mga Samonte.

Nakokonsensya na siya at ayaw na niyang gumawa ng hindi maganda kay Raine, pero anong gagawin niya kung ang pagiging masama niya rito ay ang magliligtas dito?

Kapag paiiralin niya ang kanyang konsensya ay mapapahamak ito at ang ama nito.

Kapag naman nasira ang plano ay siya naman ang malalagot. No! Hindi pwede, dahil baka hindi matutuloy ang mga plans and dreams niya para sa sarili.

She wanted to be a mother first. Kaya hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Hindi alam ng iba kung ano ang totoong pagkatao ng stepdad niya. Ang alam lang ng iba ay isa itong palamunin ng kanyang ina. But no, he's a mafia leader at marami itong negosyo; legal ang illegal.

Though, nakakulong ngayon ang stepdad niya ay hindi ito kawalan para dito, dahil may mga galamay ito sa labas. Hindi niya alam kung bakit hindi pa ito nagpipiyansa at kung ano na naman ang drama nito at ng kanyang ina, na sa totoo lang kaya naman nitong magpiyansa kahit sampong beses pa.

Bumuntong-hininga siya ng malalim bago lumabas ng Bilibid kung saan nakakulong ang mom at stepdad niya.

Sakay sa kanyang sasakyan ay bumalik na siya sa pamamahay ng mga Samonte, kahit awkward dahil hindi maganda ang pakikitungo ng mga tao doon sa kanya.

Pero kailangan niyang kapalan ang mukha para sa pinsan at tito Art niya.

Ngunit, ang ipinagtaka niya ay pakikitungo ngayon ni Jacob sa kanya.

"Where have you been?"agad na tanong nito pagkapasok niya sa kwarto nila ni Jacob.

Kahit iisa ang kwarto nila, ngunit hindi sila natutulog sa iisang kama. They're in separate beds.

"Bakit mo naitanong?"sagot niya rito.

"Wala ba akong karapatang magtanong?"sagot naman nito.

"Tungkulin ko bang sagutin yang tanong mo?"

Jacob hissed.

"Will you please answer my question? Saan ka galing at ginabi ka?"

"Hindi ko naman siguro obligasyon na sabihin pa sayo kung saan ako galing, diba? Sa pagkaalala ko, we're just married on papers. Bakit, mukhang isang nag-aalburotong asawa ngayon ang tingin ko sayo huh?"

Hindi nakasagot si Jacob at kumurap-kurap pa ito bago tumikhim at lumabas ng kanilang kwarto.

Ito ngayon ang ikinatakot niya e - ang ma-develop si Jacob sa kanya.

Sana lang hindi totoo ang hinala niya dahil hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.

Jacob was her cousin Zynah's first love, alam niya iyon. Pero, kinailangan niya itong saktan to protect her. Kailangan niya itong pakitaan ng masamang ugali para hindi ito mapahamak.

Nakasalalay ang buhay ng pinsan niya sa plano ng mommy at stepdad niya.

Zynah is the only heiress of Arevalo's kasi, ngunit hindi nito makukuha ang mana kapag hindi siya naikasal sa isang Samonte.

Ngunit ang mommy lang niya at ang tito Arthur niya ang nakakaalam sa kondisyong iyon. Subalit, nung nalaman ito ni Panfilo ay gumawa na ito ng kalokohan para mapasakamay nito ang Arevalo's na dapat sana ay para kay Zynah.

At ang naging pa-in ay siya. Siya ang ginamit nito para makuha nito ang lahat ng ari-arian ng mga Arevalo's at pati na ang ari-arian ng mga Samonte.

That was Panfilo's great plan- na kapag nabubulilyaso ay maraming tao ang mapapahamak.

Kaya ngayon ay hindi niya alam kung saan siya dapat lumugar at kung ano ang gagawin niyang plano para hindi matuloy ang masasamang balak ng kanyang stepdad at ng kanyang ina.

Saan siya mag-uumpisa? Ano ba talaga ang gagawin niya para walang mapapahamak?

Ano nga bang gagawin mo Ali?

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon