"BREAKFAST in bed!"Hindi pa masyadong dilat ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Jacob.
She stretched her legs and also her arms saka bumuhat mula sa pagkahiga.
"What time na ba?"
"It's nine in the morning!"
"What?"
Jacob nodded. "Yeah."
Mabilis siyang bumaba ng kama at nagpuntang banyo para mag-toothbrush at maghilamos.
Hindi niya namamalayang nakasunod pala si Jacob sa kanya at niyakap siya patalikod.
"Ano ba, nagsisipilyo ako e."reklamo niya.
"Na-miss lang kita, hindi ba pwedeng yumakap?"
"Tss! Maghihilamos pa ako, hindi rin ba makapaghintay 'yang yakap mo?"
"Oo na, arte nito."saad ni Jacob saka lumabas ng banyo. Mukhang nag-alburoto!
She chuckled. Natatawa siya sa inakto ni Jacob.
Pagkatapos niyang magsipilyo ay naghilamos siya saka lumabas ng banyo.
Naabutan niya si Jacob sa kwarto na may hawak na cellphone at hindi siya pinapansin. Para bang hindi siya nito nakikita.
Tumikhim siya. "Anong oras tayo aalis?"tanong niya rito makuha lang ang atensyon nito.
Ngunit, patuloy lang ito sa pagdotdot ng cellphone at hindi siya pinapansin.
Ang dala nitong pagkain kanina ay kinuha niya sa bedside table saka inumpisahang kumain.
"Wow! Sarap ng fried rice, anong nilagay mo?"tanong niya.
Subalit hindi pa rin nagsasalita si Jacob.
Punyetang 'to, nag-iinarte! Hmmp! Bahala ka! Kala mo ha! Ikaw 'tong may malaking kasalanan sa akin! Hmmmp! Manigas ka!
Binilisan niya ang pagkain. Pagkatapos ay hindi rin niya pinansin si Jacob at mabilis na lumabas na kwarto dala ang mga pinagkainan.
Hinugasan niya muna ang mga pinggan. Pagkatapos ay pumasok ulit siyang kwarto saka kinuha ang towel at pumasok ng banyo.
Maligo nalang siya. Kung ayaw siyang kausapin ni Jacob, puwes, keber niya!
Gusto niyang i-please ko pa siya? Nunca!
Pagkatapos niyang maligo ay dali-dali siyang nagbihis na hindi na kinakausap si Jacob. Pagkatapos niyang magbihis ay nagsuklay siya at saka naglagay ng kunting polbo sa mukha at kinuha ang kanyang sling bag at isinukbit sa balikat.
Pagkatapos niyang isukbit ang sling bag sa balikat ay isinuot niya ang kanyang doll shoes at saka lumabas ng kwarto na hindi na nagpapaalam.
Ngunit, hindi pa man siya tuluyang nakalabas ng kwarto ay tinawag siya ni Jacob.
"Saan ka pupunta?"tanong nito.
"Uuwi, bakit? Akala ko ba uso ang bingi at pipi dito? Marunong ka naman palang magsalita! Kung hindi ako aalis, hindi ka magsasalita diyan!"
"Sorry. I was—"
"Ano? Nagtatampo ka, dahil lang sa yakap? Sa totoo lang, ako ang mas may karapatang gumanyan e. Ako ang mas may karapatang mag-inarte, magalit, magtampo at hindi ikaw. It's your time to make up for what you did to me, pero nag-iinaso ka sa walang ka-kwenta-kwentang bagay. Matanda ka na, huwag kang umaktong parang bata Jake!" inis na wika niya.
"I wasn't acting like a kid Raine. I just missed you badly. Is it not right for me to ask you for a hug?"
"Hindi! Siyempre, hindi! Ang mali lang is, nagsisipilyo ako at maghihilamos, pwede namang makapaghintay ang yakap na hinihingi mo! O.A ka masyado at may patampo-tampo ka kaagad na nalalaman!"
"Mag-aaway pa ba tayo?"
"Iyan din ang gusto kong itanong sayo. Kailangan pa ba nating pag-awayan? Let's break-off our engagement nalang kung ganito naman pala ang mangyayari kapag nagsama na tayo."
"Raine..."
"What?"
"Sorry na.. Nagkaayos pa lang tayo e, tapos ganito na tayo."
"Yun na nga e. Tahimik na ang buhay namin ng mga anak natin, tapos umeeksena ka na naman pabalik!"
"Sorry na, bati na tayo please.. I love you."saad nito saka lumapit sa kanya at yumakap.
She sighed. Sa totoo lang, naiinis na talaga siya sa inakto nito kanina.
Ni hindi niya pa masagot-sagot ang i love you nito sa kanya.
Para bang hindi pa niya kaya. Sa tagal ba naman kasing natutulog ang puso niya, parang nawalan na siya ng gana.
"Sorry Raine. Pero hindi mo na ba ako mahal?
"Hindi ko alam Jacob. Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. I was so scared nang malaman kong kinidnap ka. I was so happy knowing that we're already engaged. But, okay lang ako kahit wala ka sa buhay ko. Mahal pa ba kita? O namanhid lang ang puso ko dahil sa ginawa mo sa akin noon? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sayo. Naguguluhan ako."
"I love you. Kung hindi mo na ako mahal, gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako uli Raine. Sorry kung naging gago ako. Everything was my fault. I'm sorry. I'm really really sorry.."
Bumuntong-hininga siya nang yakapin ulit siya nito.
She hugged him back, pero hindi na nagsalita pa.
Ang alam niya ay mahal pa niya si Jacob, pero ang hindi niya maiintindihan ay kung bakit okay lang sa kanya kung sakaling hindi talaga sila para sa isa't-isa. Kung dati, grabeng depression ang inabot niya, ngayon para wala lang. Yung tipong, kung ayaw mo edi h'wag. Yun bang, okay lang lahat.
"I love you Raine. I love you always.."
Hindi pa rin siya nagsalita. She just hugged him.
Unti-unting bumitaw sa pagkayakap si Jacob sa kanya saka pinakatitigan ang kanyang mukha.
"I love you.."bulong nito.
Ngumiti lang siya.
Jacob smack kissed her forehead, her nose, her eyes down to her lips.
"I miss you.."saad nito saka hinalikan ulit siya sa kanyang mga labi.
Para siyang na-estatwa, o mas tamang sabihing robot. As in nawalan talaga siya ng pakiramdam. Hindi katulad kahapon na sobra siyang nag-alala rito at takot na takot siya nang malamang kinidnap ito.
Pero, bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon? Para bang hindi man lang nai-excite ang puso niya tuwing hinahalikan siya nito. Para bang hindi man lang siya kinilig na niyayakap siya nito. Kung dati, halos matunaw na ang puso niya sa titig pa lang nito sa kanya, ngayon kabaliktaran na.
O baka naman, nahuhulog na ang loob niya kay Jayhan nang hindi niya namamalayan? Paano kung ang akala niya wala siyang nararamdaman para kay Jayhan, pero meron pala?
Si Jayhan ba, o si Jacob?
God! Ano bang nangyayari sa akin? Sino ba talaga ang mahal ko? Bakit kailangangang ganito ang mararamdaman ko?
O baka naman, ang sarili niya lang talaga ang may problema. Baka ang problema ay ang puso niyang namanhid na.
A/N
Pagtiyagaan niyo muna. Malapit na itong matapos. Abangan niyo nalang din ang SHE'S MY HIRED DOCTOR (lakas makalapag eh no?) Ang story ni Jared Axl Samonte. I mean, basahin niyo. Hahahaha. Next na siya after nitong kay Jacob. Sana magustuhan niyo rin ang kay Hotty at Axl, alam kong puno ng katatawanan din yun— maybe. Not sure. Hahaha. So, ayun lang muna babies.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Aktuelle LiteraturThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...