Chap 0 1 9

6.4K 252 40
                                    

AUGUST

Hininto ko ang sasakyan ng makarating kami sa parking lot ng eskwelahan. Sinulpayan ko muna ang bratinella sa likod bago lumabas sa kotse at pinagbuksan sya.

"Ang kupad mo kumilos."
Sabi nito na hindi ko nalang pinansin. Nag-iisip bata na naman sya eh ang aga-aga pa.

"Mamaya pag-uwi na natin sisimulan ang pinapagawa satin ni prof. Bukas natin itutuloy tutal Sabado naman bukas. At tsaka, kailangan natin 'tong matapos sa araw na yun. Babalik ako samin sa Linggo para dalawin ang pamilya ko."
Salita ko habang naglalakad kami papuntang building.

"What?? So that means ako nalang mag-isa gagawa ng project ganun ba??"
Anito ng nakakunot ang noo at nakapamewang.

'Hays. Hindi ba'to marunong maka-intindi?'

"Sinabi ko ng tatapusin na'tin ang project bukas, araw ng Sabado at sisimulan ngayong araw pagkatapos ng klase hindi ba?"
Saad ko ng bahagyang nakakunot ang noo.

"Ugh! Ganun padin yun. At tsaka, pano ka naman nakakasiguro na matatapos natin ang project agad-agad eh may alam ka ba tungkol sa pinapagawa ni prof satin?"
Nakataas ang isang kilay na tanong nya.

Nagkibit-balikat ako.
"Ano bang silbi ng mga libro at gadget kung hindi gagamitin?"
Saad ko.

Inikot nya ang mga mata nya.
"Ugh! So wala ka talagang kaalaman. I knew it. Sana talaga si Andy nerdy nalang pinagawa ko nito."

Bumuntong-hininga ako at hinarap sya.

"Babae, proyekto ito na inatas satin ng propesor natin. Hindi ng babaeng 'yun hindi ni kanino. Kaya pwede bang wag mong utusan ang ibang tao na gawin ang mga bagay na ikaw dapat ang gumagawa? Pinapakita mo lang na wala talagang silbi ang pagpapa-aral sa'yo ng mga magulang mo dito sa isang prestihiyosong paaralan dahil dyan sa mga pinaggagagawa mo."
Turan ko ng nakatingin dito ng diretso.

Hindi ko tipo ang pagsabihan ang mga tao tungkol sa mga bagay na dapat o hindi nila dapat gawin. Pero nakaka-asiwa lang tignan dahil ginagamit nila ang impluwensya daw na hindi naman sa kanila upang mamerwisyo ng ibang tao. Katamaran kasi ang pinapairal. Mahihirap talaga sa mga mayayaman. Hindi marunong kumilos. Umaasa sa iba.

"Sino ka ba para pagsabihan ako? Hindi kita mommy okay? So stop acting like you are. Gagawin ko lahat ng gusto ko. No one can stop me even you. Tabi!"
Dinuro nya pa ako at tinulak sa dibdib bago naglakad paalis.

"Galit na naman si Ms. Brittany."

"Bad mood ata dahil dyan sa kasama nya. Mukhang nag-away eh."

"Malas talaga yan. Kaya galit si Ms. Hyacinth at Brooke sa kanya eh."

"Oo nga. Kabago-bago ang dami ng ginawang kaguluhan. Di marunong lumugar."

'Ke aga-aga din ang dadaldal na ng mga bunganga nila. Mga tsismosa talaga.'

Hindi ko na sinundan pa si brat dahil alam ko naman ng sa unang subject namin kami sya pupunta kung saan kasama nya ang tatlo nyang kaibigan. Nilihis ko nalang ang daan ko patungo sa opisina ng dean. Gusto daw ako nitong maka-usap bago magsimula ang mga klase at kahit naguguluhan ay tinuloy ko parin. Wala namang lilitaw na sagot sa harapan ko kung wala akong gagawin.

'Ito na ata 'yun.'

Pinasadahan ko ng tingin ang itim na double door sa harapan ko. Ito na nga 'yun. Ang dean's office.

"Come in."

Talagang nagulat ako at napatigil sa pagtatangkang katukin ang pintuan ng marinig ang boses mula sa loob.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon