AUGUST
Hingal na umupo ako sa bangko at nilagay nalang basta-basta ang balisong sa lupa. Tinukod ko ang mga kamay sa tuhod, dumungo at hinayaang tumagaktak sa lupa ang parang bala kong mga pawis.
Nagpakalma ako ng sarili at kinuha ang bote ng tubig sa gilid ko at ininom. Naubos ko ito lahat at sa sandaling nahulog ang huling patak nito sa bibig ko ay initsa ko lang ito pabalik sa gilid.
Huminga ako ng malalim. Nagdidilim na ang paligid na hindi ko na kinataka dahil alas singko pa lang ay nandito na'ko. Nagpapa-pawis, nagpapalimot, nagpapa-kalma, nag-iisip.
Pero sa kabila ng lahat ng ginawa ko ngayon, hindi padin nagagawang kalimutan ng isip ko ang nangyari kanina lang.
Napatiim bagang nalang ako at kinuha ang bimpo sa bag. Pinahid ko 'to sa katawan ko at napagpasyahang bumalik nalang sa amin.
"Kutie,"
"Asan si tiyo?"
"Nasa kwarto po nila tiya, binabantayan nya."
Tumango nalang ako at hinayaan syang gawin ang sa 'tinging ko'y mga takdang aralin nya sa lamesita ng sala namin. Iniwan ko sya dung nag-aalala at pumanhik muna sa kwarto ko para magpalit bago dalawin sina tiya.
"Rain anak, kumain ka na ba?"
"Mamaya na ho tiya, ako po muna magbabantay kay tiyo. Magpahinga na po muna kayo."
"Sigurado ka?"
"Hm."
"O sya sige, hinihintay ko lang sana syang magising para pakainin pero dahil nandito ka naman, tawagan mo nalang ako para mapakain ko na sya."
"Hm." simple kong sagot.
"Sige. . ."
Pagkaalis nya ay hinarap ko si tiyo na ngayon ay dilat na ang mga mata at nakatingin sa'kin. Bahagya akong napangisi.
"Hinihintay nyo ba akong pumasok para makaalis si tiya?"
Napa-angat ang dulo ng labi nya at sinenyasan akong lumapit.
Ginawa ko ang utos nya kaya mas lalo kong napasadahan ng tingin ang napuruhan nyang katawan. May benda sya paikot sa ulo habang may malaking gasa naman sa kaliwang dibdib. Bali din ang kaliwang kamay nya kaya nilagyan ito ng sling. May konting sugat at galos sya sa paa na hindi naman malala kaya na-remedyohan lang ng betadine, alcohol at gasa. Lahat ng mga bagay na pinantapak sa mga sugat nya ay binili ko lahat, habang ang naglagay naman ay si tiya.
Sa di malamang dahilan ay ayaw nyang magpadala sa ospital para magamot ng mas maayos. Tinitignan nya lang ako ng may pagbabanta sa 'twing nagsusuhestyon ako na dalhin sya sa pagamutan na talagang kinaiinis ko. Pero sa huli, wala din akong nagawa kundi sundin ang gusto nya. Kaya eto kami ngayon. Tss.
"Bakit ka nandito?"
"Tinawagan ako ni Makoy." malamig kong sagot. Umupo ako sa inuupuan ni tiya kanina.
Naging tahimik kami hanggang sa napagpasyahan kong magsalita. "Anong nangyari?"
"Nadamay ako."
"Saan, tiyo?"
"Sa isang gulo."
"Anong klase ba ng gulo ang napasukan mo at naging ganito ka-grabe ang epekto sa'yo?" saad ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya pero nasa kisame lang sya nakatingin.
"Hindi ka ba naniniwala sa'kin, Rain?" tumingin sya sa'kin.
"Hindi." sagot ko. "Hindi malinaw sa'kin ang sagot mo, tiyo. Anong klaseng gulo ang tinutukoy ko."
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...