Chap 0 6 2

5.6K 187 11
                                    

Quick A/N lang; Alam nyo bang nahe-hesitate talaga ako nung una na i-post ang previous chapter? Baka kasi 'di nyo magustuhan. 'Yun lang. Bye!

And I'm sorry for posting so late! Walang signal talaga si pldt eh.

(Hindi pa nga din ako nakakapag-module)

Haha 'yun lang! Enjoy reading!

——————————————————

AUGUST

Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko na alam kung saan ako patutungo maliban nalang sa daan na dinaanan ni Britanny kanina. Hindi ko na sya nakita nung lumabas ako sa kwarto ni Heartley pero kahit pa ganun, ayaw kong makaalis nalang sya ng hindi ko— tsk! Hindi ko din alam kung bakit ayaw kong umalis nalang sya ng ganun-ganun lang. Gusto ko syang makita. 'Yun lang ang tanging ideya na malinaw sa pag-iisip ko sa mga oras na 'to.

Marahas kong sinipa ang lata ng coke sa harap ko patungo sa gilid na nagpagulat sa magkasintahang walang hiyang naghahalikan sa tabi ng basurahan. Pumasok dun ang lata at kasabay naman nun ang paghihiwalay nila.

Pero pagiging hipokrito ang tawag sa'kin kung sasabihan kong nakakasuka at nakakahiya ang ginagawa nila dahil pinaka-una sa lahat, mas malala pa ang ginawa ko kani-kanina lang kasama si Heartley.

"Tangina. . !"

Kasabay nang mahinang pag-mura ko sa sarili ko ay ang pagtawag naman sa'kin ng taong kilalang-kilala ko.

"Rain,"

Lumingon ako sa kaliwa ko na may seryosong mukha. Umaangat-baba ang dibdib ko dahil sa matinding tensyon na namumuo dito. Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko para pigilan na pakawalan sa kanya ito.

"Kung si Brynn ang hinahanap mo, umalis na sya."

"Tch!" Binalik ko sa harap ang tingin ko ng hindi gumagalaw sa kinatatayuan na senyales sa kanya para magpatuloy sa pagsasalita.

Nagbuntong-hininga sya. "Sabay kaming pumunta dito gamit ang kotse nya." anya, "Kung itatanong mo kung bakit, dahil sinabi nya sa'king samahan ko daw sya sa paghahanap sa 'yo." salita nya pero ramdam kong may gusto pa syang sinabihan kaya nanatili akong tahimik. "Pumunta sya sa lugar natin kaninang umaga, gusto ka nyang makita pero wala ka sa inyo. Hindi ka raw umuwi kagabi. Nag-aalala sya— syempre dahil gusto ka nung tao. Pinuntahan nya si Mira dahil sinabi sa kanya ng tiyo mo ang ilan sa mga kaibigan mo. Si Mira at Rei lang ang hindi nya kilala maliban samin ni Marie. Pero wala. Hanggang sa napadpad kami dito."

Marahas akong nagpakawala ng hininga pagkatapos ay hinarap sya. "Pa'no?"

"Pa'no?" kunot-noo nyang tanong.

"Pa'no kayo napunta dito?" Nakita ko ang paglunok nya dahil sa lalim at dilim ng boses ko.

Nag-iwas sya ng tingin, humugot ng malalim na hininga, kinamot ang sentido pagkatapos ay matapang na sinalubong ang tingin ko. "May nag-text sa kanya. Ewan, basta bago kami pumu—"

Bago pa man sya makapagsalita ay humakbang na'ko palayo sa kanya, palayo sa gusali na 'yon, palayo sa kwartong ayaw ko ng balikan kahit kailan, palayo kay Heartley at sa mga bagay na nangyari sa'min ilang minuto lang ang nakakalipas.

Hindi ko na pinansin ang reklamo at daing ng mga taong nabubunggo ko at pinatili ang tingin sa baba. Wala akong pake sa mga komento nila o sa kanila mismo. Gusto ko nalang lumayo sa lugar na 'yun at sa kay Heartley mismo.

Nakuyom ko ng mas mahigpit ang kamao ko ng maalala ang nangyari kanina. Binilisan ko ang paglakad at pumasok sa isang eskinita. Sinuntok ko agad ang pader gamit ang kanan kong kamay ng pagkalakas-lakas.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon