Chap 0 4 6

5.4K 215 16
                                    

Hayst.🙁

——————————————————

HEARTLEY

"Aalis ka? Where? Ba't naman ang aga? It's just 5 in the morning o. What brings?"

"Yep. Kina August. Uuwi sya ngayon sa family nya and I ask if pwede ba'kong sumama. She agreed and I'm so happy because other than I'll get to spend a day with her again I'll also get a chance to finally meet her family. Isn't that great?!" masayang saad ko sa kabilang linya habang tinitignan ang sarili sa whole body mirror.

"Ohh I see. Pero ba't naman ang aga?"

"Medyo malayo kasi 'yung sa kanila kaya kailangang umalis ng umaga. And she has some errands to do too kaya kailangan talagang agahan." I said smiling.

Nang makontento ako sa suot ko ay bumalik ako sa vanity table para mag-spray ng perfume sa katawan. A smile form in my lips as I inhale the scent of a fragrant that August said suites me. Kagat-labing binalik ko ang maliit na bote ng pabango sa lamesa bago tugunin si Brad na kanina pa nagsasalita.

"Hello, may kausap pa ba'kong Heartley dito??"

"Sorry 'couz. May ginawa lang." paumahin ko ng may maliit na tinta ng pula sa pisnge.

"Talaga? Akala ko nasakop na ni August ang pag-iisip mo kaya hindi mo na naririnig ang boses ko eh." he jested and it was followed by a laugh.

"Sira! May ginawa nga lang talaga!" giit ko pagkatapos ay tinungo ang kama para kunin ang shoulder bag.

"Yeah yeah. As you said 'couz. Nadale ka na talaga ng August na 'yun. Lahat gagawin makasama lang ang taong iniirog 'no?" he suddenly spoke. I chuckled before responding.

"I can say the same thing to you 'couz. Natamaan ka na kay Brynn. Why don't you court her na ba?" tanong ko habang naka-ipit ang telepono sa gitna ng balikat at tenga ko.

"I know I know. Pero hindi pa sa ngayon, medyo hectic pa sched ko because of the upcoming ICUSM. It's a week from now. Diba?" he said uncertainly.

I chuckled. "15 days from now to be exact." I said and he chuckled knowingly. "Pero okay, kung 'yan desisyon mo then I have no right to object. Basta wag mo lang patagalin kasi baka maunahan ka." segunda ko.

"I know. Thanks for the advice 'couz. You're the best. O sya sige na, you should get going. Baka iwan ka ng August mo alam mo namang mainipin 'yun. Take care."

"Yeah you're right. Thanks 'couz. Bye!"

As soon as the call hung up I immediately searched for August's name in my call list. I placed the phone in my left ear as it started ringing.

"Tumawag ka pa? Bumaba ka na. Nasusura na'ko."

"Good morning to you too." I replied with a bit of sarcasm. Nakakainis din sya minsan.

"Bilisan mo na."

"Nasa parking ka ba?" I asked clutching the strap of my bag.

"Oo nga. Tss!"

Mukhang nawalan na talaga sya ng pasensya dahil pagkatapos nyang sabihin 'yun ay agad nyang binaba ang tawag. Tinignan ko muna ang screen ng phone ko bago ngumiti ng maliit.

'Para talaga syang babae— wait, babae naman talaga sya. It just amuses me how can she be so short tempered just like a normal girl. Kahit papano hindi padin talaga nawawala pagkababae nya.'

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon