Chap 0 1 8

6.3K 229 24
                                    

BRITANNY

“Hi ma'loves! Kamusta araw mo na wala ako?”

“Aalis ka oo sasapakin ko mukha mo?”

“Easy mahal! Ang siga-siga mo talaga! Hindi bagay para sa isang dyosang katulad mo.”
Ngiting aso nitong saad na nakatayo sa harapan ko kaya hindi ako maka-alis.

“Tara na.”

Bigla namang may nagsalita sa likuran ko pero hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino ito.

'Ugh! Isa pa'to eh.'

“Wait, sino nga ulit 'to mahal?”
Tukoy ni Yulo kay freak sa may likuran ko.

“Hindi ako mag-aaksaya ng oras para sagutin ang mga katanungan mo Yulo. Tabi.”

At pagkatapos nun ay kinuha ko na ang huli sa mga gamit ko at nilagpasan sya.

“Ouch! Aray ano ba?! Ba't mo ba ako hinihila?!”
Inis kong saad ng bigla akong hatakin sa braso ni freak ng papalabas na'ko.

“Dadaanan pa natin si Prof. Magallanes para kunin ang pinapagawa nyang project. Nakalimutan mo na?”
Sabi nya. Binitawan nya din naman agad ako ng bawiin ko ang braso ko.

“Pwede namang ikaw na ang kumuha. Bakit mo pa'ko kailangang isama?”
Napahinto sya sa paglalakad kaya napahinto din ako.

Akala ko haharapin nya'ko at sasagutin sa sinabi ko pero iba pala. Dahil diresto ang tingin nya sa harap. Nagtataka man ay sinundan ko nalang din ang tinitignan nya at agad na napataas ang kilay ko.

'Ano na namang ginagawa ng tatlong kulukoy na'to dito?'

“Oh hey there! Nagkita ulit tayo.”
Nakangiting lumapit samin si Brooke habang nakasunod ang dalawa nyang alipores.

Pero hindi sumagot ang katabi ko. Nakahalukipkip naman akong tumingin sa kanila.

“Oh hi Ms. Brittany. Kamusta? Pansin namin madalas kayong magkasama ah. What's going on between you two? Pwede bang poly jan?”
And then they laughed.

'Ano namang nakakatawa dun?'

“You know what Brooke? Scram. Scram okay? May mas importante pa kaming gagawin kesa ang sayangin ang mga oras namin sa inyo. So leave.”
I shooed. Gusto yata nilang dumagdag sa listahan ng mga taong nang-iinis sa'kin ngayong araw.

“Pinapaalis mo ba ako Ms. Brittany?”
He acted hurt. Like what?? Para syang monggoloid.

“Ayaw nya sayo Brooke.”
Sabi ni Jak ng nakangisi. Pansin ko namang napatiim bagang si Brooke. I creased my head. Problema na naman nito?

“We need to go. Tayo na nga freak.”

As if on cue, bigla nalang hinarang ni Brooke ang sarili nya sa harapan ko kaya napahinto ako. Nasa likod padin nya ang mga alipores nyang nakangising aso.

Bigla ko rin namang naramdaman ang paghila sa'kin ni freak papunta sa likod nya. Now she's facing the three of them dauntlessly.

“What are you doing?”
Inis at taka kong tanong dito.

“Wag ka ng magsalita.”
Tanging sagot nya.

“Hero of the day. Whooo!!”
At pumalakpak pa sila. Parang mga tanga.

“Ano ba yan, magkikita na nga lang ulit tayo ganyan pa mukha mo. Kanina lang yun ah? Sa may parking lot diba?”
Nakangisi nyang sabi na nang-aasar. He's talking about the commotion that happened in the parking lot earlier this morning.

'Tss. Ang aaga talaga nilang gumawa ng gulo.'

“Wala akong maalala.”
Parang wala lang na saad ng isa.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon