BLAIRE
"So Brynn, anong plano mo ngayon?"
"Oo nga. Anong plano mo para kunin 'yung bebe freak mo?"
Tinignan ko si Pat at umirap na may ngiti sa labi. Bebe daw. Tsk.
"Ngumiti sya o! Naku kinilig ang bruhilda." Anas ni Dazz na kumakain padin.
Hindi ko nalang sya pinansin at kinuha ang tsaa ko sa coffee table at ininom.
"Wala pa'kong naiisip eh." I clicked my tongue. "Pero. . ."
"Pero ano?" Si Devy na hawak-hawak ang isang chichirya.
Eto na naman ang pakiramdam na'to. Pakiramdam na hindi ko alam kung anong pinagmumulan.
"Are you okay Brynn? Your silent all of a sudden." Tanong nya pero tinignan ko lang sya.
"Hindi ka ba masaya sa pag-amin mo Brynn?"
"No Pat, it's just that. . . Alam mo 'yung pakiramdam na dapat masaya ka dahil sa napagtanto mo— I mean masaya naman talaga ako pero ano kasi. . . Yung ano, yung feeling na hindi ka mapalagay sa isang bagay. Yung parang. . . bigla kang nakaramdam ng kaba, takot at pag-aalinlangan bigla." I sighed. "Naguguluhan ako."
"Teka, nasasabi mo ba yan dahil alam mong gusto mo na si August o nasasabi mo yan dahil hindi mo pa buong tanggap ang ideya na gusto mo na talaga sya?"
"No Dazz, alam kong gusto ko sya. Buong-buo. Malinaw na malinaw. Ako ang nakakaramdam kaya ako ang nakakaalam. Gusto ko sya. Yun na yun." Mabilis na sagot ko. Ilang beses ko ng sinabi. Mahirap paniwalaan pero yun ang totoo.
"Ayiiieee. . . . Oo na oo na. Parang nagtatanong lang eh." Ngisi nyang saad at kumagat sa chicharon.
"Hays. Ang bilis lang ng panahon ano? Parang kailan lang sinasabi mo pang hindi ka kailan man mai-inlove sa isang babae dahil straight as a pencil ka daw lalo na kay August na pinaka-kinaiinisan mo. But look o! Pinagdudahan lang ni Pat ang nararamdaman mo para sa freak mo para ka ng isang nahuling kriminal sa bilis mong sumagot. Pag-ibig nga naman."
"Huli pero di kulong!"
At nagtawanan pa sila. Pero aminin ko man o hindi, totoo 'yun. Nakakahiyang isipin na nakain ko lahat ng mga nasabi ko pero magaan din sa pakiramdam at the same time dahil nalunok ko ang pride ko para sa isang mas magandang bagay. Ang aminin sa sarili kong gusto ko ang freak na 'yun.
"Pero Brynn, let's talk about what you said earlier. Ano 'yung bagay na hindi ka mapalagay? You said something like that, I think?"
Ng sabihin ni Devy 'yun ay napakagat ako ng labi. Oo nga pala. Tumahimik na din sa pagtatawanan ang iba pero pinagpatuloy ang pagkain habang naghihintay ako magsalita.
"Yeah. About that, something like. . . uneasiness feeling. Na parang. . ."
"You're scared." Hindi 'yun patanong. It's a statement. "It's fine Brynn. Normal lang yan. Hindi ka mapakali o kaya nag-iisip ka ng mga hindi magagandang bagay? It's normal. Lahat ng taong unang nakaranas ng apeksyon para sa isang tao ay nakakaramdam ng ganyan."
"How so?" I asked slightly head creased. Parang naging interesado ako bigla sa sinabi nya. Siguro dahil 'yun talaga ang kailangan ko? Mga kasagutan?
"Remember Jill? My first love?"
"Ay oo! Yung first heartbreak mo din." Tinignan sya ng makahulugan ni Devy. "Sorry."
"What about her?" Tanong ko. I'm eager to know the answers.
"Nakwento ko na sya sa inyo diba? Nakwento ko na rin na minahal ko sya sa murang edad palang. 2nd year highschool. 14 yrs. old. Sobrang bata pa talaga." She chuckled.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...