Chap 0 3 5

6.4K 256 47
                                    

BRITANNY

Gabi na pero hindi padin ako makatulog. Bumabalik padin sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Ilang oras nadin akong nakahiga pero hindi padin bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Ganito ba talaga kapag may napagtanto ka sa sarili mo? Diba dapat gumagaan ang pakiramdam mo dahil may naamin ka na ding bagay na matagal mo nang kinikimkim pero hindi mailabas? Pero bakit sa halip ay mas bumigat ang pakiramdam ko?

Masaya akong naamin ko na din sawakas sa sarili ko na gusto ko talaga ang freak na 'yun. Ako mismo hindi makapaniwala pero nangyari na, sa halip kay Brad ako mahulog ay sa isang tao pa na pinakakinamumuhian ko nung una. Nakakapanibago talaga pero masarap sa pakiramdam.

Napangiti nalang ako sa kalagitnaan ng kadiliman. Ngunit agad ding napawi ng matamaan na naman ako ng mabigat na pakiramdam na 'yun. Ano ba talaga 'to? Bakit pakiramdam ko. . . . .  natatakot ako??

Pikit-matang bumangon ako sa kinahihigaan at umupo. Pagbukas ko ng mata ay tanging sinag ng buwan galing sa labas ng veranda ang una kong naaninag. I sighed. Di talaga ako makatulog.

Naisip kong bumaba nalang muna sa kusina para kumuha ng maiinom. Kailangan kong mahimasmasan. Kailangan kong kumalma.

Pagdating ko sa kusina ay dumiretso agad ako sa ref para kumuha ng isang pitsel ng tubig. Pagkasalin ko nito sa baso ay agad ko itong tinungga. Masarap talaga. Kahit papano napagaan nito ang sistema ko.

Patungo na'kong hagdan ng mamataan ko ang isang pigura ng tao na palapit sa may pintuan. Naningkit ang mata ko para malaman ito kung sino.

Then it clicked.

“Freak,” I called out. I know it was her. Masyado na yata kaming madalas magkasama para maging pamilyar na kahit silhouette nya sa'kin.

'Masyadong cliché. Erase 'yon.'

Nakita kong lumingon sya sa'kin bago pa man nya mahawakan ang knob ng pintuan. “Brat, anong ginagawa mo dito?”

“I should be the one asking that to you. Where are you going this late at night tho?” Kunot-noo kong tanong at bahagyang lumapit sa kanya. Kahit hindi maliwanag ang paligid ay kita ko ang matangkad nyang postura.

“May lakad ako— ”

“Ng ganitong oras?” Mas lalong kumunot ang noo ko.

“Oo. Babalik din ako.” Mukhang wala man lang syang kahit anong interes sa pagsagot sa mga tanong ko. “Aalis na'ko.”

“Sandali.” Hawak ko sa braso nya. “San ka ba kasi pupunta? Ganitong dis-oras ng gabi? Nag-iisip ka ba ha freak? Delikado na sa labas. Hindi ka aalis. Dito ka lang.” Ani ko na naiinis na. Sinong hindi eh maraming pwedeng mangyari kapag lumabas sya ng ganitong oras. Tsk.

Tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya at may binulong pa na hindi ko na narinig.

“Hindi na'ko bata brat. At ako pa talaga ang pinag-isipan mong mapapahamak kapag lumabas ako ng ganitong oras? Tss.” She retorted.

“A-Alam ko pero bakit ka ba kasi lalabas? At san ka pupunta?” Segway ko. Bahala na.

“Hindi ko na yata kailangang sagutin yang tanong mo. Wag kang mag-alala babalik din ako bago sumikat ang araw.” anya, “Nagmamadali ako. Kailangan ko ng umalis.”

Tangka na sana syang tatalikod pero hinawakan ko agad ang braso nya. Nanaman. “Sasama ako.”

“Ano? Tumigil ka nga. Bumalik ka na sa kwarto mo.” May bahid ng inis na sabi nya.

“Hindi. Hangga't hindi mo sinasabi sa'kin kung san ka pupunta.” Pagmamatigas ko. Kala nya ha.

Marahas syang bumuntong hininga at binitawan ang kamay ko. “May magagawa ka ba kung sasabihin ko sa'yo kung saan?” anya, “Kay Heartley. Pupuntahan ko sya.”

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon