Chap 0 1 4

6.5K 260 60
                                    

BRITANNY

Nakalabas na'ko ng room namin at hinihintay nalang ang dalawa pero hindi ko parin maiwasang matawa. Grabe, nakakatawa naman talaga kasi ang mukha ng freak na yun kanina ng itakwil sya ni Prof. Mejarez palabas eh! Hahahaha!

Plano ko talaga lahat ng yun. Pagpasok ko pa lang ng subject namin kanina ay sinabihan ko na agad si prof tungkol sa gawa-gawa kong storya. Sa kabutihang palad ay naniwala naman sya sa kabila ng katalinuhang taglay ng hampas lupang freak na yun. Hahahha!

Hindi din kaya madali. Hindi madaling magpaniwala ng mas nakakatanda sa'yo noh! Lalo pa't teacher 'to. Pero dahil sa dala-dala ko ang isa sa apelyido ng eskwelahan na ito ay nagawa kong paniwalain sya. Iba din talaga kapag may pribiliheyo ka 'no?

Wala naman talaga akong ibang balak sa freak na yun. Ang gusto ko lang naman talaga ay makita ang kaawa-awa nyang ekspresyon sa seryoso nyang pagmumukha. Minsan lang kaya at gusto ko lang din namang makita. Grabe, iba pala. Hahahah!

'Asan na kaya yun ngayon?'

Sigurado naman akong hindi pa sya nakakauwi dahil unang-una, hindi sya pwedeng umuwi ng hindi ako kasama. Malalagot sya kay nay Emma at sa parents ko nun. Pangalawa, hindi pinapalabas ang mga estudyante hangga't may klase pa sila. At sa kaso ng freak na yun, hindi padin sya pwedeng umuwi kahit na pinalabas sya.

“Hello! Earth to Brynn!”

“Bwesit! Ano ba?! Ba't ka ba nanunundot bigla Patricia?!”

“Hehe. Sor naman, para ka kasing baliw dyan eh tapos bigla ka nalang tatawa. Yung totoo, may saltik ka?”

“Eh kung saltikin kaya kita ng maranasan mo?”

“Easy gurl, wag mo ng palalain yan. Alam mo namang advance na ang tumor nyan sa utak eh.”

“Uy uy uy.... Kung makasalita ka parang hindi ka naka 2.3 sa Chem ah. Mas advance pa nga ang kabobohan mo kesa sa'kin eh.”

“Che! Eh sa mahirap naman talaga yun eh! Swerte nalang talaga at hindi yun major kundi! Naku!!”

“Tumigil na nga kayo mga bata. Asan na ba si Devy?”

“Anong mga bata??”

“Looking for me?”

Napalingon kaming tatlo sa babaeng kakadating lang na may dalang dalawang libro. Isang Philippine History at Statistics and Probability Ed. 2. Psh! Nakakadugo naman ng utak ang mga dala nya.

'It sucks being a Dean's lister, really.'

“Hi Dev! Ang talino talaga natin ah?”

“Ako lang naman. Hindi kayo kasama.”

“Ang sama mo!”

“Hahaha! Totoo din kaya! Hindi KAYO kasama!”
Diin kong sabi sa kanila.

“Anong kayo dyan?! Kasama ka huy! 2.1! Hahhaha!”

“Ang galing. Parang kinatalino mo yung 2.2 sa Calculus Patricia ah?!”

“Uy 2.2 daw! Hahaha weak! Ako nga 2.1 eh!”

“Bobo!”
Sabay naming sabi ni Pat. Si Devy naman ay natatawang nakatingin lang samin.

“Stop it children. Let's just go okay? Pinagtitinginan na tayo ng iba o.”

“Edi tumingin sila. Sanay naman ako na pinagtitinginan eh.”
Sabi ko na may halong pagmamayabang. Well, may maipagkamayabang din naman talaga ako.

“Oo nga. And let them be Devy. Minsan na nga lang sila makakita ng mga dyosa pagdadamutan mo pa? Ang sama mo naman.”
Saad sa kanya ni Dazz.

“The Tres Maria's is here...”
Si Pat naman sabay pose na parang hipon.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon