Chap 0 6 9

7.2K 228 26
                                    

AUGUST

"Sige. Pupunta ako mamaya."

Binaba ko ang tawag bago pa man sya makapagsalita. Nagpakawala ako ng hangin sabay haplos ng mukha ko gamit ang mga kamay.

*ting!*

Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ang nagpadala ng mensahe.

'Hey baby, this is my 24th text for today, hihihi sorry! I just want to remind you to be careful on your way here! I love you so much!😘'

Hindi ko namalayan na may ngiti na pala ang gumuhit sa labi ko ng mabasa ang mensahe nya. Nag-tipa na din ako ng sagot ko.

'Ilang beses mo na 'tong pinaalala. Huli na 'to. Mahal din kita.'

Nilagay ko na agad sa kama ko ang telepono ko at hindi na pinansin ang pagtunog nito matapos lang ng pitong segundo.

Tinuon ko nalang ang atensyon sa pagligo at pagpalit ng damit. Pinili kong suotin ang isang grey v-neck shirt at itim na leather jacket yata ang tawag na binigay ni Marie noon. Hindi ko pa 'to nasuot— ngayon pa lang. Ngayong araw kung saan ipapakilala ako ni Britanny bilang kasintahan nya.

Napahinga ako ng malalim habang inaalala ang pag-uusap namin kagabi. Gusto nya 'kong ipakilala sa mga magulang nya ng pormal. Gusto nyang ipakilala ako bilang kasintahan nya at hindi bilang bodyguard o kung ano pa man na may kinalaman sa trabaho. Gusto nyang ipaalam ang relasyon naming dalawa na kasama na 'ko. Sa madaling salita, gusto nya kaming maging legal sa mga magulang nya.

Hindi sa ayaw ko— gusto ko. Gusto ko ang ideyang 'yun. Bagama't bago palang kami, mas mabuti nang may alam ang mga magulang nya kesa sa wala. Ang inaalala ko lang ay isang bagay; kung magugustuhan ba kami ng tatay nya. Mr. Lexington. Sinabi nya man sa anak nya na ayos para sa kanya ang relasyon namin, iba parin kapag naipakilala na sa personal ang taong nagugustahan ng anak mo.

Maraming bagay ang pwedeng mangyari. Maraming isip ang pwedeng magbago.

At isa pa, may isa pang dahilan. . .

Sinuot ko ang mga damit na napili ko na pinaresan ng karaniwan kong sinusuot na itim na maong. Tumingin ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko pagkatapos ay naglagay ng pabango na binigay sa 'kin ni Britanny.

'Tss. Kailan ko ba talagang maglagay ng ganito?'

Saka ko nalang ipapakilala si Britanny kina tiya kapag nasigurado ko na na magiging ligtas ang pakikipagkita nila dahil hanggang ngayon, ramdam ko parin na may nakasunod sa bawat galaw namin. Sigurado akong gusto nilang malaman kung saan ang pamilya ko kung kaya't sa 'kin sila nakasunod. Pero hindi ko 'yun ibibigay sa kanila. Ganunpaman, kailangan ko paring mag-ingat. Hindi nalang ako ang mapapahamak kung may magawa man akong isang pagkakamali, pati narin si Britanny.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. Ayos naman na. Pwede na siguro 'to.

Kinuha ko ang telepono ko sa kama at tiningnan ang mga mensahe ni Britanny. Iling ko 'tong nilagay sa bulsa ng jacket ko pagkatapos itong mabasa. Puro lang naman mga paalala kagaya ng sinabi nya kanina. Mga paalalang mahal nya 'ko.

'Tss.'

'Papunta na 'ko.'

'Yun lang ang sinagot ko at sumakay sa motor ko at pinaandar ito papunta sa bahay nila.

———

"Baby!"

Pagbaba ko sa motor ko ay sinalubong agad ako ng yakap ni Britanny. Niyakap ko sya pabalik. Mahigpit kagaya ng binibigay nya.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon