Chap 0 0 7

7.3K 291 16
                                    

AUGUST

“Una na po ako tiya, tiyo, Makoy..”
Paalam ko.

“Sige po kutie, mag-iingat po kayo dun. At tsaka, dalhin nyo din po ako dun pag may oras kayo ah?!”
Masigla nyang sabi.

“Tumahimik ka nga dyan. Kung ano-ano lang yang pinagsasasabi mo eh.”
Palatak ko.

“Ikaw talagang bata ka!”
Saway sa kanya ni tiya.
“O Rain anak, mag-iingat ka dun ah. Tawagan mo kami agad kapag nakapasok ka na sa eskwelahan nyo.”

“Sige po.”
Sagot ko at bahagya syang nginitian.

“Kompleto na ba ang mga gamit mo Rain?”
Baling sa'kin ni tiyo.

“Nandito na po lahat wag kayong mag-alala.”

“Dideretso ka ba sa eskwelahan nyo o dadaan ka muna sa bahay na tutuluyan mo?”

“Malaki po ba bahay nila kutie?!”
Singit ni Makoy na may malaking ngiti.

“Makoy!”

“Sorry po tiya hehe.”

“Hindi na daw po sabi ni ma'am Avery, pagkatapos nalang daw po ng klase ko sasamahan nya'ko pauwi kasama ang anak nya.”

“Ganun ba. O sya sige, mag-iingat ka dun ah.”
Anya.

“Kayo din po. Binilhan ko na po kayo ng grocery na pang dalawang linggo kaya wala na po kayong dapat pang aalahanin sa mga pagkain. Gamot ni Makoy nabili ko na din at sinamahan ko na ng mga gamit nya sa eskwelahan. Siniguro ko na din na may pera sya para sa baon nya kaya di nyo na sya kailangan pang bigyan.”

“Ayan ka na naman, ikaw na naman gumastos para sa lahat. Hindi mo dapat ginagawa 'to eh. Kami dapat yun...”
Naiiyak na sabi ni tiya.

Mahinang napabuntong hininga ako dahil alam ko na kung saan na naman patutungo ang usapang ito.

Kaya naman bago pa kami dumating dun ay nagsalita na'ko.

“Sige po tiyo, tiya, aalis na po ako. Mag-iingat po kayo dito.”
Ani ko.

“Teka lang kutie!”

“Bakit na naman?”

“Salamat!”
Masiglang sabi nya at kitang-kita ko talaga sa mga mata nya ang sinseridad kahit na mukha syang hindi seryoso.

Napangiti ako ng bahagya sa isang salitang binanggit lang nya at tsaka lumapit dito.

“Walang anuman, ikaw pa. Ikaw kaya ang paborito kong kapatid.”

“Kutie ako lang po ang kapatid nyo.”
Ngisi nyang sabi at narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nina tiya sa likod namin.

“Pareho lang naman yun. Basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo kundi babawiin ko talaga yang cellphone na galing kay Mam Avery sa'yo.”
Panakot ko. Binilhan ko na din kasi sya ng cellphone na magagamit nya sa eskwelah nya at para may paglibangan nadin bukod sa pag-aaral. Hindi naman ako natatakot na baka mapabayaan nya ang pag-aaral nya dahil sa teleponong binili ko dahil responsableng bata naman sya at inuuna ang mga dapat gawin.

At tsaka, karapat-dapat din naman sa kanya yun dahil sa pagsisikap nya sa pag-aaral at pagtulong kina tiya kapag wala ako. Wala akong dapat na ipag-alala pa.

“Syempre naman kutie! Tsaka pakisabi kay Mam Avery na salamat para dito ha?! Pangako iingatan ko'to!”
Turan nya na may malaking ngiti.

“Oo na.”
Sabi ko tsaka ginulo ang buhok nya na agad nya ding sinupalpal ang kamay ko.

“Kutie naman eh! Hawakan mo na ako kahit saan wag lang ang maganda kong buhok!”
Reklamo nya na ikinatawa naman ni tiya.

“Sige na Rain, umalis ka na bago ka pa mahuli sa klase mo. Mag-iingat ka dun.”
Si tiyo.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon