Chap 0 7 2

7.6K 203 15
                                    

AUGUST

Malalakas na sigawan mula sa mga tao at masisigarbong palakpakan ang maririnig sa buong paligid ng malaking bulwagan.

Nang lumabas ang dalawang tao mula sa likod ng stage ay mas lalo pang lumakas ang mga hiyawan ng mga tao na talaga namang nakaka-irita sa tenga.

Pero nawala bigla 'yun ng makita ng mga mata ko kung sino ang isa sa dalawang taong nakatayo ngayon sa entablado. Malaki ang ngiti mya at halatang nananabik sa kaganapan.

Nandilim ang mukha ko nang mag-abot ang mga tingin namin at binigyan nya 'ko ng matamis na ngiti.

"August, ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Pat at bahagyang tumango. "Ayos lang."

Tiningnan ko naman ang ibang mga kaibigan nya na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Tinanguan ko lang sila. Alam ko namang alam na nila ang tungkol sa nangyari samin ni Heartley noon. Sigurado akong sinabi na ni Britanny.

"Good afternoon L-CSU!!"

"WHOOO!!!"

"I love you Mister President!!"

"Miss Heartley I love you po!!"

Samu't-saring hiyawan mula sa mga babae't lalaki o maski binabae at astang lalaki ang maririnig. Nakakasakit talaga sa tenga.

"I see, everyone's having fun, huh??"

"It's a good thing right, Heart? Hindi pa nags-start ang event pero hype na hype na ang lahat. Ano pa kaya kapag totoong nagsimula na talaga??"

Hiyawan na naman.

Ang pangit ng pwesto namin sa harap. Bukod sa kitang-kita ko si Heartley at kitang-kita nya rin ako, halos lahat pa ng mga maiingay na estudyante nasa harap naka-upo.

"That's right." Mabining napatawa si Heartley dahil sa reaksyon mula sa mga estudyante. Sumulyap naman sya sa 'kin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi na talaga makapaghintay ang lahat, ano? But before that, we would like to thank everyone who came here 'specially the guests, parents, friends and everyone who was invited by our fellow L-CSU schoolmates. We really appreciate your efforts. Thank you!!"

Sumunod naman si Cedrick. "And, before we get down to our most awaited annual event, we would also like to thank the special guests that our head personally invited. And for that, we'll gonna have our beloved Dean to address her appreciation to all the people who came here today!"

"WHOOO!!"

"GO MR. COHEN!!"

Bumaba mula sa podium ang isang matangkad na lalaki at naglakad palapit sa kinaroroonan nina Cedrick at Heartley. Nakangiting kinuha nya ang mikropono sa kamay ni Cedrick at bago pa man sya tuluyang humarap sa mga estudyanten, nagpang-abot muna ang mga tingin namin.

'Yung uri ng ngiti nya, 'yung klase ng pagkintab ng mga mata nya, halatang may hindi magandang ibig-sabihin.

Sa pangalawang beses, nagdilim ang mukha ko. At salamat nalang dahil nasa event ang buong atensyon ng mga kaibigan ni Britanny at hindi nila ako napansin.

Gusto ko na talagang umalis dito pero hindi pa pwede. Nandito pa si Britanny. Kailangan ko pang panatilihin ang kaligtasan nya.

Nagsalita ang Dean ng mga bagay na hindi ko naman binigyan ng pansin. Nasa bukana ng likod ng stage lang ang tingin ko kung saan naghahanda si Britanny.

Ramdam ko ang maya't-mayang mga pagsulyap sa 'kin ng mag-ama bawat minuto na sinisikap kong hindi intindihin. Wala namang silang madudulot sa 'king mabuti.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon