Joke lang. Natapos ko kagabe eh kaya hetong update para sa inyo.
Maraming salamat sa paghihintay.
Enjoy!
——————————————————
AUGUST
Hawak-hawak sa kamay ang isang box ng hindi ko alam kung ano ay nagtungo ako sa ikalawang palapag ng mansyon ng mga Lexington. Isang tango lang ang ginaganti ko sa mga katulong na bumabati sa'kin ng magandang gabi.
Tapos na kaming lahat na kumain. Dumating na din ang padre de pamilya ng tahanang ito at nagpapahinga na sa kwarto kasama ang asawa nya. Hawak ko sa kamay ang bagay na pinapabigay ni ma'am Avery sa anak nya bago sya sumama sa asawa, kaya walang tanong-tanong ko itong kinuha at ngayon nga ay dinadala ko papunta sa kanya.
Pagkarating ko sa tapat ng lilang pintuan ng kanyang kwarto ay kumatok ako ng tatlong beses. Ngunit walang sumagot. Kaya naman kumatok ulit ako hanggang sa ang tatlong beses ay naging lima hanggang sa hindi ko na mabilang. Ngunit wala pa rin.
'Ano bang ginagawa ng babaeng 'yun sa loob para hindi marinig ang sunod-sunod kong pagkatok?'
Ilang beses akong huminga ng malalim para pigilan ang sarili kong pumasok nalang ng kusa sa kanyang kwarto. Ayoko ng pinaghihintay ako dahil nasasayang ang oras ko pero ano namang magagawa ko dito sa labas kung wala talagang nagbubukas?
'Tsk. Bahala na nga.'
Pinihit ko pabukas ang pintuan at pumasok sa loob. Wala akong namataan na pigura ng isang babae ngunit ng mapadako ang tingin ko sa balkonahe ay naaninag ko syang naka-upo dun, nakapikit ang mata, may nakasalampak na headphone sa mga tenga habang sinasabayan ito ng pagkanta.
Hindi ko sya inistorbo at tumayo lamang sa loob ng kanyang kwarto habang pinagmamasdan sya. Nakapikit ang mga mata nito na talagang dinadama ang kung ano mang nararamdaman nya. Nilagay ko sa kanyang kama ang kahon na hinahawakan ko at pinagpatuloy syang pagmasdan na ngayon ay nakasalampak na ang mga kamay sa shorts.
Ilang sandali lang ay bumukas ang mga mata nya marahil siguro naramdaman nya ang presensya ko o huminto na sa pagtugtog ang kantang pinapakinggan nya. Alin man sa mga dun ay hindi na mahalaga. Tumayo na sya at sa paglingon nya sa kanyang likuran ay nagpang-abot ang mga tingin namin.
“F-Freak...”
Gulat at pagkabigla ang halata sa mukha nya. Nakita ko pa ang paglitaw ng rosas na kulay sa kanyang pisnge. Hindi naman ito mahirap aninagan kahit medyo madilim ang paligid dahil sa kulay na taglay ng balat nya. Porselana.
“Magaling kang kumanta.”
Sabi ko habang nakatingin ng diresto sa kanya.Bigla naman syang napatungo ngunit sinagot parin ako.
“O-Of course. Talent ko yun noh.”
Sagot nya na pilit binubuo ang tinig. Medyo tumingkad din ang pagka-rosas ng pisnge nya sa di ko malamang dahilan.“Ano pang ginagawa mo dyan. Pumasok ka na sa loob. Mahahamugan ka pa.”
Saad ko nalang at inayos ang tayo.“I should be asking you that. What are you doing here?”
Sa halip na tanong nya ngunit pumasok pa din sa loob.“Kanina pa'ko kumakatok sa pintuan mo pero walang nagbubukas. Yun pala nasa balkonahe ka lang at nagpapa-hamog.”
“Tss. Syempre. Matakot ka kung may sumagot sa'yo noh.”
Rinig kong bulong nya.
“But hey, hindi ako nagpapahamog. Nagpapakalma lang ako ng damdamin ko at nagpa-practice na ding kumanta noh.”
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomansaI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...