Chap 0 1 1

6.7K 264 36
                                    

BRITANNY

Pagdating namin sa labas ng mansyon ay unang binuksan ni freak ang kanya pagkatapos ay pinagbuksan din ako ng pinto.

“Salamat.”
I smiled sweetly.

'May she hint the sarcasm tho.'

Hindi sya tumugon as usual pero kita ko ang pagkunot ng noo nya.

'Nagtataka siguro ang freak na'to. Hahaha.'

Yeah right. Nagtataka siguro sya kung bakit biglang naging maayos ang pakikitungo ko sa kanya pagkatapos nung nangyari kanina. Kung ano-ano pang pinagsasabi ko dun na masasakita na salita at pagbabanta.

Well, guess what? I'm actually serious about that. Naisip ko lang na hindi naman makakatulong ang pagiging maldita ko sa kanya palagi, ako lang ang mapapagod nun. Mas mabuti pang ipakita ko kesa iparamdam ko diba?

And about this party, ang mga magagaling kong kaibigan ay sinabing 10 pm daw ang bukas ng bar kaya 10 din kaming aalis. Tsk, tatakas na naman ako. Ang galing talaga.

'Maswerte nga yung freak na yun dahil nagawa nyang makasabay ako gaya ng gusto nyo. Psh!'

“Nay....”
I kissed nanay on her cheek.

“Nakauwi na pala kayo. Gusto nyo bang mag-meryenda muna.”
Aya nya.

“Hindi na po. May gagawin pa po kasi ako.”

“Ganun ba. Ikaw August anak?”
Baling nya sa tanong nasa likuran ko.

“Salamat po, pero di na kailangan.”

“O sya sige. Pumasok nalang muna kayo sa mga kwarto nyo at ng makapag-linis ng katawan.”
Anya.
“At sya nga pala, Blaire, ang mga magulang mo ay may inasikaso pa kaya matatagalan silang umuwi.”

Napangisi ako sa isip ko. Maganda nga yun eh dahil malaya akong makakalabas mamaya.

Umuna ng pumasok si freak sa kwarto nya pero nagpa-iwan ako.

“O bakit ija? May kailangan ka?”

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang may kinukuha sya sa kitchen cabinet.

Sumandal ako sa center island at kagat labing pumaharap sa kanya.

“Nay...”

“Hmm? Bakit?”

Don't take me wrong, wala akong planong mag-paalam sa kanya na lalabas ako mamayang gabi dahil maski sya ay mahigpit sa'kin pagdating sa mga gala ko.

May gusto lang akong malaman.

“Tanong ko lang po, about dun kay fre—– I mean, sa p.m ko.”
Shit. Muntik yun ah.

“Kay August? May gusto kang malaman tungkol sa kanya?”

“Opo. Pero, hindi po ako interesado sa kanya okay? May gusto lang po talaga akong malaman.”
Paglilinaw ko. Baka ano pang isipin eh.

“Ganun ba. Hahaha o sige. Pero hindi ko alam ang lahat dahil ang mommy mo lang naman ang nagsabi sa'kin ng mga bagay tungkol sa kanya. Kaya kung hindi ko masagot lahat ay mas mabuting ang mommy mo ang tanungin mo o mismong si August. Mas maganda yun hindi ba?”
Turan nya.

'There's no way I'll do that nanay. No way..'

Tumikhim ako at bumaling ulit sa kanya ng nakangiti.

“Ano po ba ang mga ayaw nya o kinakatukatan nya? I-Im just curious.”

'Lies. I just want to use it against her for my advantage.'

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon