Chap 0 5 1

6K 205 26
                                    

BLAIRE

Nakakatamad naman.

Ang boring.

Nakaka-antok.

Gusto kong umidlip.

"So. . . can anyone of you, state to me the three paragraph independence speech. . ."

Blah blah blah. Nakaka-antok magsalita ng prof namin. Napaka-boring na nga ng subject na tinuturo nya pinalala nya pa sa boses nya.

Don't get me wrong. Hindi ko sinasabing maganda ang boses nya to the point na ang sarap nalang umidlip habang pinapakinggan ito— no. That's not what I mean. Kasi naman eh, wala ba syang ka-energy energy sa katawan nya? Daig pa nya ang taong may sakit sa lamya nyang magsalita eh.

Tinukod ko nalang ang ulo ko sa kamay habang ang siko nasa lamesa. I sighed. 1 hour of my time is wasted because of this subject and the professor himself.

Naramdaman ko ang pag buzz ng phone ko sa bag na nasa gilid ko lang. Hindi ko na ito inabala pang tignan dahil alam kong reply lang 'to ng text ni Brad sa'kin kanina. I bit my lip while remembering what happened earlier.

–(Di ko trip mag-flashback. Sorna!)–

Kakatapos ko lang tawagan si August kanina na inis na inis pa dahil sa bigla nalang nyang pagkawala. Naiinis ako dahil kahit na tinext nya'kong aalis sya ay dapat sinabi parin nya ng personal. I know I'm being brat or nonsensical because I'm currently participating in our meeting that time but— urgh! Fine! Ayaw ko lang talagang umalis sya. Tsk!

But anyways. Pagkatapos nun ay tinawagan naman ako ni Brad. He's asking if he can take me out after class which I agreed. . .

*sigh*

Hindi ko sya kayang tanggihan. I presume yun na din ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat. Mga bagay na nangyayari sa'kin at ang resulta ng pagpasok ni August sa buhay ko. Hindi ako tanga para hindi mahalatang may nararamdaman sya para sa'kin. Sa mga titig palang nya, talo na. Ganun na ganun ko din kasi titigan si August kapag hindi sya sa'kin nakatingin.

*sigh*

After that, dumating na si August na parang walang nangyari. Seryoso ang mukha at parang walang pakialam. As usual. Gusto ko sanang panindigan ang nararamdaman kong inis para sa kanya sa pagsigaw pero hindi ko na nagawa. Kailangan ko kasing umuwi kasi biglang sumakit puson ko. Na-sobrahan sa paggalaw kanina sa practice eh. Nagpasama ako sa kanya. Nalimutan kong magdala ng gamot kaya ayun.

Ka-bwesit talaga ang mga red days. Buwanang paghihirap! Tsk!

'Mamaya lang talaga 'yung August na 'yun. Matitikman nya ang toyo ng mga dinudugo.'

Come to think of it, asan na ba 'yun?

Ang tagal nya, nag-excuse lang sya kanina sa prof dahil magc-cr lang daw pero nangangalating oras na wala parin sya.

Okay, mga 15 minutes lang talaga 'yun. Masyado lang akong eksaherada pero wala akong pake.

'Asan na ba kasi 'yun!?'

Biglang may kumatok sa pintuan at ng pahintulutan ito ni prof na pumasok ay bumungad sa'min, ehem, sa'kin ang pigura ng taong kanina ko pa gustong makita.

At kinaiinisan.

Tinanong pa sya ng kung ano-ano ni prof about sa boring nyang topic sa boring na subject bago pinaupo. Na-aamaze na talaga ako sa sarili ko kung pa'no ko napapanatiling gising ang katawang lupa ko sa kabila ng sitwasyong kinalalagakan ko ngayon.

"Ba't ang tagal mo??" inis kong tanong ng maka-upo sya sa tabi ko. Dito ko sya pinaupo at pinilit ko pa. Wala syang nagawa syempre anak ng boss nya eh.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon