Chap 0 6 7

8.5K 227 15
                                    

Sorry na kasi. Eto update o.

———

AUGUST

"Hinalikan mo si Bradley?"

"Y-Yes. I gave my first kiss to him. But I swear, I didn't mean it. Ikaw lang talaga gusto ko. I-I'm sorry kung nadala ako."

Tiningnan ko sya ng walang emosyon habang sya ay nanunubig ang matang nakatingin sa 'kin. Nagpakawala ako ng hangin at hinapit sya palapit.

"Ayos lang." sagot ko. Tumingin ako sa kisame at nagpakawala ng hangin.

"Ayos lang? Wala ka nang ibang sasabihin?"

"Hm. May dapat pa ba?"

"I don't know about you." anya, "I gave my first kiss to Brad. Aren't you mad at me?"

Sinulyapan ko sya bago binalik ulit ang tingin sa taas. "Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"

"I gave my first kiss nga kay Brad." medyo inis nyang ani na pinagtaka ko.

"At?"

Bahagya syang bumangon para tingnan ako, nakakunot din ang noo nya. "Hindi ka talaga galit?"

"Bakit nga ako magagalit? Dahil hinalikan mo ng una 'yung lalaki?"

"Oo!" inis nyang sagot.

"Magagalit din ba sya kung sasabihin ko'ng ako ang unang naka-angkin sa 'yo?"

"What the—!?"

Napangisi ako sa naging reaksyon nya at napatawa ng hinampas nya 'ko sa dibdib. Kita ko ang pamumula ng mukha nya kahit pilit nya pa itong takpan ng kamay nya.

"You're mouth— shut it." banta nya.

Hinila ko sya palapit sa 'kin at nagpakawala ng hangin. "Hindi ako galit. Ang importante, akin ka na ngayon."

"Ang cheesy naman."

"Gusto mo naman."

Kinurot nya 'ko ng mahina sa tagiliran pero hinuli ko lang 'to at hinawakan. Natahimik ulit kami bago nya napagpasyahang magsalita ulit.

"Kagabi ko pa 'to gustong itanong, pero, nasa'n sila tita? At ibang tao sa bahay nyo? Balak mo sanang matulog sa kwarto ni Makoy kagabi, so that means wala sya dun. At wala din akong naririnig na ingay sa baba kagaya ng nangyayari tuwing nagluluto si tita at lumalabas naman ng madaling araw si tito. Where are they?"

Humugot ako ng malalim na hangin at pinakawalan ito. Napansin pala nya.

"Wala sila dito." sagot ko. Umangat ang ulo nya at tumingin sa 'kin.

"Why?"

"Hindi ko alam kung dapat mo bang malaman, Britanny."

"Why? Is it about family matters? It's okay, I understand." marahan nyang ani habang hinahaplos ang dibdib ko.

Buntong-hininga akong tumagilid ng higa, at dahil yakap ko sya ay tumagilid din sya. Hinalikan ko sya sa tuktok ng ulo at nagsalita pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

At sinabi ko sa kanya ang lahat.

Lahat. Mula sa kay Isabela na syang nanay ko daw hanggang sa nangyari nung pinuntahan kami ng mga lalaki kahapon o kagabi. Sinabi ko sa kanya na nasa pangangalaga ni Isabela ang pamilya ko pero hindi ko sinabi kung sino ba talaga sya at pati narin ang malalalim at komplikadong detalye tungkol sa nangyayari sa 'min. Bukod sa hindi na nya 'yun kailangang malaman pa ay sa tingin ko mahihirapan din syang intindihin ang lahat kung sasabihin ko pa sa kanya 'yun.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon