BLAIRE
"Ano namang gagawin mo ngayong alam mo ng gusto kita?" Patuloy kong tanong habang nakalagay padin ang kamay ko sa leeg nyang may peklat at hintuturo sa pisnge.
Nagtatapang-tapangan lang ako ngayon pero ang totoo ang lakas na ng tibok ng puso ko. Natatakot nga akong ganito kami kalapit sa isa't-isa dahil baka marinig nya ang tibok nito. Pero gayunpaman, kailangan ko 'tong ituloy. Lalo pa't nasabi ko narin sawakas ang totoo kong nararamdaman.
"Sa tingin mo paniniwalaan kita?"
Nagulat ako sa bigla nyang binulalas at ang tibok ng puso ko ay mas lalong bumilis. Kita ko kahit papano ang mukha nya dahil sa distansya namin kaya alam kong ngayon ay wala na 'tong emosyon.
"Oo. . ." Yun lang ang tanging nasagot ko.
"Pagkatapos ng mga ginawa mo sa'kin sasabihin mong gusto mo'ko?" Patuloy nya.
Napahigpit ang kapit ko sa leeg nya at napalunok. "Alam ko. . ." I released a breath. "Alam kong sasabihin mo 'yan but I'm dead serious August. My feelings are sincere. Gusto kita, 'yun ang totoo. Oo nga't binully kita noon at sinabihan ng kung ano-anong panlalait b-but. . . But that was because I'm pissed of you. Remember when mom introduce you to me as my— "
"Rason mo ba yan para mahulog ako sa isa na naman sa mga patibong mo?—"
"No! No of course not! I wouldn't do that. Totoong gusto kita okay?" Mabilis kong sabat. Gosh, alam ko ng mangyayari 'to na hindi nya'ko papaniwalaan pero hindi ko na-realize na ganito pala kahirap. But oh well, guess kailangan ko ng ilabas lahat.
"Back in the detention room. . . W-When I saw Heartley kissed you. That's when I realized that I like you." Lakas loob kong saad ng nakatingin sa mga mata nya. Inikot-ikot ko rin ang hintuturo ko sa pisnge nya na hindi naman nya kinontra.
Nag-iinit na ang pisnge ko na hindi malabong kita nya dahil narin sa distansya naming dalawa.
Ilang minuto ang tinagal namin sa ganung sitwasyon at habang nangyayari 'yun ay nakatuon lamang ang mata nya sa'kin. Hindi ko na nakayanan ang mga titig nya kaya ako na ang unang nag-iwas.
Tinanggal ko ang kamay ko at umayos ng tayo. Lumayo sya ng dalawang hakbang sa'kin at nagpakawala ng hangin.
"So. . . about my question." Salita ko. "Do you like Heartley?"
"Hindi ko alam."
Tatlong salita lang 'yun pero iba ang dating sa'kin. Mga simpleng salita lang pero maraming ibig sabihin. Maraming pwedeng maging sagot. Sa tanong ko, pwedeng oo o hindi. Pwedeng gusto nya rin si Heartley o hindi. Dalawa lang ang maaaring maging sagot pero alin man dun ay hindi nya sinabi.
"What do you mean you don't know? Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko." Sabi ko.
May parte sa'kin ang gustong ihinto na ang pagtatanong pero meron ding nagsasabi na ipagpatuloy ko lang dahil kung hindi ko daw ito gagawin ay hindi makakatulog ang utak ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Mga bagay na magpapagulo lang ng isip ko.
So I proceed with the latter.
"Ewan. Hindi ko alam." Sagot nya at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko maiwasang mapakagat-labi. Naiinis ako na parang nasasaktan. Dahil sa ewan na 'yun sigurado na talaga akong may oo at hindi.
But I can't force her if that's what she really feels right now. Maybe I'm just too early to ask.
"Okay. . ." I gulped and gathered all my strength to ask the ultimate question. "Eh sakin? I know hindi mo'ko gusto but, is there a chance for you to like me too?"
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomansaI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...