⚠️!!WARNING!!⚠️
May Mature Scene Dito Pero Hindi 'Yung Mature Scene Na Inaakala Nyo. Basta Basahin Nyo Nalang. Or Kung Gusto Nyong I-skip 'De Go.
Beware Of Cussing Too.
😏
——————————————————
AUGUST
Hindi ko kailanman naisip na malalagay ako sa sitwasyong 'to.
Parang kagabi lang naglalakad ako sa madilim na kalye habang nakasalpak ang mga kamay sa bulsa at nakikinig sa mga salita ni tiyo.
Samahan pa ng isang di-pamilyar na panauhin.
Isabel.
Isabel ang pangalan ng babae. Iba sya kung makatingin sa'kin. May bahid ng pagsisisi, lungkot, tuwa at galak.
Nalaman kong hindi sya kalaguyo ni tiyo na syang pinagpapasalamat ko ng marami, pero pinakilala nya sya sa'kin bilang isang malapit na tao sa kanya.
Kaibigan nya daw kasi ang ama ko.
Ang dahilan bakit sila nagkikita palagi ay dahil daw may mahalagang bagay silang pinag-uusapan.
Hindi din daw alam ni tiya noon ang pagkikita nya at ng babaeng Isabel pero balak nyang sabihin ngayong araw. Kilala naman na din daw nya ang babae.
Nakakapagtaka lang kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Sobrang gaan na hindi ko man lang sya nilaanan ng oras para kilatisin— alamin kung meron ba syang tinatago o may ibang balak.
Hinayaan ko lang silang umalis habang ako pumunta sa ibang direksyon ng parehong gabing 'yun.
"Hmm. . ."
Nabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang pagpatong ng kung ano sa tiyanan ko habang nakasandig ang likod sa headboard. Bumaba ang tingin ko at sumalubong sa'kin ang nakapatong na ulo ng isang babae sa tiyan ko.
Nakapikit hanggang ngayon ang mga mata nya habang nakayakap ang mga braso sa tiyan ko. Maya-maya pa ay nagsalubong ang mga kilay nya ngunit nanatili sa singgilid ko ang mga kamay ko— nakatingin sa malapit na nyang dumilat na mga mata.
"Hey. . ." medyo paos nyang bati.
Nanatili ang seryoso kong ekspresyon.
Mahina syang tumawa sabay bahagyang nilayo ang ulo sa tiyan ko pero nandun padin ang mga braso. "Good morning,"
Wala akong tinugon.
Tumingala sya sa'kin sabay dinampi ang pisnge sa damit ko. Nandun padin ang maliit na ngiti sa labi nya. "Why so serious? Smile."
"Heartley,"
"Hmm?"
"Naaalala mo ba ang nangyari kagabi?"
Napatigil sya sa sinabi ko pero agad ding binaon ang mukha sa damit ko. Makaraan ng ilang sandali ay tumingala sya ulit. Tumingin sa mga mata ko at ngumiti.
"I do August. I do remember." umalis sya sa dating posisyon nya at hinarap ako. "Even the things I told you last night. I clearly remember them all. As clear as a crystal."
Nagbuga ako ng hangin at inalis ang mga kamay nya sa'kin. Tinanggal ko ang mata ko sa harapan nya na nabunyag dahil sa pag-angat nya kanina.
At mukhang hindi 'yun nakatakas sa paningin nya.
"Aalis na 'ko."
"Wait—" pinigilan nya'ko sa paggalaw sa pamamagitan ng paglagay ng palad nya sa tiyan ko. Napatingin ako sa kanya. "Stay. . . Just for a while."
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...