Last Chapter

10.4K 228 8
                                    

( Long Chapter Ahead )

——

THIRD PERSON's POV

Sa kabilang banda, habang nag-uusap sina Isabela at Britanny, may dalawang tao naman ang masinsinang nag-uusap sa labas ng pinagdausang pagdiriwang.

"Do you understand?"

"Hindi ko naiintindihan, Heartley."

Nagbuntong-hininga si Heartley at nagpalumbaba. Halatang-halata sa aura nya ang pagkabigo.

"I just want to say sorry for everything that I've done to you and Brynn. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko. I realized that what I have for you isn't love, but rather, obsess—"

"Sige na." putol sa kanya ni August.

"Sige na, you mean, pinapatawad mo na ako?" Lumiwanag ang mukha ni Heartley sa narinig at gumawa pa ng isang hakbang patungo kay August.

"Oo. . ."

"Yes!! Thank you so much!" Tangka pa sanang yakapin ni Heartley si August nang humakbang naman ng paatras ang isa. "S-Sorry. . ."

Nagpakawala ng hangin si August. Binuka nya ang bibig para sana magsalita ng unahan naman sya ni Heartley.

"Can I hug you for one last time?" Diretso nyang ani sa mahina ngunit nagsusumamong boses.

Napakurap ng mata si August pero pagkaraan ng ilang segundong pagtitig sa maliit na pigura ni Heartley ay marahan syang tumango sabay buntong-hininga.

Ngumiti si Heartley. Unti-unti syang humakbang palapit kay August. Tinaas ang balingkinitang mga braso at inikot sa leeg ni August.

Dumukwang naman si August ng bahagya upang maabot nya. Dahan-dahan at alanganin nyang tinaas ang mga palad upang magaang ilagay sa bewang ni Heartley. Sobrang gaan lang na hindi masyadong naramdaman ng isa pero meron padin kahit papano kaya napangiti sya.

"Thank you. . ." bulong ni Heartley sa tenga nya pagkatapos ay dahan-dahang humiwalay.

Nang magkalayo na ng tuluyan ang mga katawan nila at nakatayo na ng maayos ang bawat isa, napahawak si August sa batok nya dahil parang may mahapdi. Nangunot ang noo nya pero nang makita nya si Heartley na may tinapon na karayom mula sa pulsuhan nya ay naging galit ang ekspresyon ng mukha nya.

"Ikaw. . . p-pano mo. . ."

Napaluhod sa lupa si August dahil nanghihina ang mga tuhod nya. Masama naman syang tumingin kay Heartley ng umupo ito sa harap nya at hinawakan ang mga pisnge nya.

"I told you. . . you'll never gonna leave my grasp, honey. Not when I'm still here." Ngumiti sya ng matamis pero mas lalo lang 'tong nagpa-galit kay August.

Gusto nyang hawakan si Heartley at saktan pero hindi nya magawa dahil hindi unti-unti syang nawawalan ng lakas. Bumibigat na din ang talukap ng mga mata nya at bago sya mawalan ng malay ay nakita nya muna ang pigura ng nanay nya at ni Britanny na may nakasunod na mga lalaki.

Hindi nya alam kung kaninong tauhan ang mga lalaking 'yun— sa nanay nya ba o kay Heartley pero ganunpaman, hindi na nya nagawang alamin pa ng tuluyan na syang lamunin ng kadiliman.

Samantala, sa kabilang banda. . .

Agad na nilabas ni Isabela ang baril nya at pinaputukan ang mga lalaking tangkang kumuha kay August.

"Ahh!"

Napatakip ng tenga sina Britanny at Heartley dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Agad namang kinuha si Heartley ng isa sa mga lalaki at dinala sa gilid habang nagpapaputok ng baril kay Isabela.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon