Chap 0 0 9

7.6K 270 15
                                    

AUGUST

Kinuha ko ang travel bag ko sa tabi ko at umuna ng lumabas sa kotse para sana pagbuksan si brat kaso hahawakan ko palang sana ang handle at bumukas na agad ito.

“Tsk!”
Anya sabay irap at una ng pumasok sa loob.

Hindi ko nalang yun pinansin at tumingin kay ma'am Avery.

“I'm really sorry for Blaire's attitude towards you August. Don't worry, I'll talk to her tonight.”
Paumanhin nya.

“Hindi na po ma'am, alam ko naman po ang rason bakit sya nagkakaganyan. Ako na'pong bahala sakanya, tutal trabaho ko naman na yun simula ngayon.”

“Okay. If that's what you want.”
Sabi nya pagakatapos bumuntong hininga.
“Let's go inside? Ipapakita ko narin sa'yo ang magiging kwarto mo.”

Hindi ako sumagot at tumango nalang. Sumunod ako sa kanya sa loob pagkatapos nyang ibigay ang susi ng kotse sa isang gwardya.

“Nay Emma..”

“O Avery, nandyan na pala kayo. August anak.”

Tumungo sya sa'kin at agad yumakap. Hindi ako sanay sa ganitong mga yakapan pero mahalaga sya kay ma'am Avery kaya dapat ko din syang igalang.

“Kamusta ang araw mo?”
Nakangiti nyang tanong.

“Ayos naman po.”

“Sigurado ka? Wala bang ibang nangyari lalo na't nasa iisang eskwelahan at room lang kayo ni Blaire?”
Usisa pa nya.

Tinignan ko naman si ma'am Avery at nakita kong gusto nya ring masagot ang tanong.

'Ayokong magsinungaling pero unang araw ko palang ito at naiintindihan ko si brat kaya sige, basta ngayon lang.'

“Wala ho talaga. Kung meron man po ay hindi nyo na kailangang mag-alala pa dahil kaya ko na ang sarili ko.”
Saad ko.

“Alam namin yun August kaya lang, paiba-iba kasi ng ugali si Blaire. Kapag hindi nya gusto ang isang tao o bagay ay gagawin nya ang lahat para mawala ito sa paningin nya. Nag-aalala kami para sa'yo.”
Si ma'am Avery.

'Kilala nga talaga nya ang anak nya.'

“August....”

“Maraming salamat po sa pag-aalala ma'am Avery, ma'am Emma—– ”

“Nay Emma.”
Pagtatama nya.

“.......nay Emma. Pero Magiging maayos lang po talaga ako sa tabi ng anak nyo. At magiging ligtas din sya sa tabi ko. Trabaho ko pong gawin lahat ng yun kaya sana ay pagkatiwalaan nyo'ko na magagawa ko yun.”
Sabi ko.

Hindi naman sa sinasabi ko na wala silang tiwala sa'kin na magampanan ko ng tama ang trabaho ko pero hindi natin alam ang iniisip ng mga tao diba? Sana lang talaga ay ganun dahil hindi kailanman magagawa ko na biguin si ma'am Avery. Dahil simula palang ay yun na ang pinangako ko sa sarili ko.

'Kahit itong trabaho man lang ay mapagtagumpayan ko para maging sapat sa mga tulong nya sa'min.'

Napabuga ng hangin si ma'am Avery bago nagkatinginan sila ni manang Emma.

“Yan ba talaga ang gusto mo August?”
Anya.

“Hm.”

“Kung ganun, magiging panatag na sawakas ang pakiramdam ko simula ngayon, dahil alam kong ikaw ang palaging makakasama ni Blaire. Sana ingatan mo sya palagi okay?”

“At August anak, wag kang mahiyang tumungo samin ni Avery kapag may kailangan ka ha? Isipin mo na ding bahay mo 'to.”

“Makaka-asa po kayo.”
Paniguradong saad ko.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon