BRITANNY BLAIRE
"Para ba sa kanila yang mga dala mo?"
"Ano sa tingin mo?"
Napasimangot nalang ako at inubos ang huling laman ng strawberry cornetto na binigay nya sa'kin. Lihim akong napangiti habang nasa likuran nya'ko. Hindi ko talaga maiwasang kiligin ng binilhan nya'ko nito para mawala daw ang pang-uumay ko. Para kasing nag-aalala sya sa'kin. Ayoko ng tanungin sya kung bakit nya 'to ginagawa dahil panigurado ang isasagot lang nya ay dahil trabaho nya daw 'yun.
Hahayaan ko nalang ang pagiging ma-imaginative ko magpatakbo ng damdamin ko.
Alam kong nagsisinungaling lang ako sa sarili ko pero bakit ba? Hindi naman masama ang kiligin habang nasasaktan eh.
'Or so I thought? Tsk.'
"Bilisan mo, sasakay pa tayo ng tricycle."
"Tricycle?? Yun ba 'yung may pedicab, motorsiklo tapos tatlong gulong??" Tanong ko pagkatapos itapon ang balat ng cornetto sa basurahan.
"Oo." Walang lingon-lingon nyang sagot.
"Ehh?? Pwede bang mag-taxi nalang tayo??" Reklamo ko ng nasa tabi na nya naglalakad.
"Tanga lang ang taong sasakay ng taxi papasok sa isang eskinita." Walang lingon-lingon nyang saad. Diretso lang ang tingin nya.
Hindi nalang din ako umimik pa at nakangusong nagpalumbaba. Mas hinigpitan ko ang kapit sa strap ng shoulder bag ko. Wala sa sariling napaangat ang ulo ko ng makasinghap ng isang masarap na amoy. Pagtingin ko ay galing pala ito sa isang barbeque stall. Nasa sidewalk kami ni August ng napadaan kami dito. Hindi ko talaga tinanggal ang tingin ko dito kahit na nakalapagpas na kami. Gusto ko kasing ma-try.
"Gusto mo bang masubsob mukha mo sa semento?"
"H-Ha?" Napalingon ako sa kanya ng di-oras.
"Tumingin ka sa dinadaanan ko."
Saktong pagkasabi nya nun ay nakita ko sa unahan ko ang isang malaking basurahan. Nanlaki ang mata ko at ilang metro nalang masusubsob na'ko sa loob ng bigla naman akong hawakan ni August sa braso at hinila palapit sa kanya.
"Araaay. . ." Reklamo ko dahil tumama ang noo ko sa balikat nya.
"Bilisan mong maglakad. Sasakay pa tayo."
"Sino bang naglalagay ng basurahan sa sidewalk?" Pabulong kong tanong sa sarili. Hawak ang noong sumunod nalang ako sa kanya ng mag tss sya.
'Di man lang tinanong kung ayos lang ba ako o kaya nag-sorry dahil sa lakas ng paghila nya. Can't she be more gentle?'
"Weyt, ba't parang. . ."
Aish! Ba't parang double mea— shut it Blaire! Oh God tumahimik ka nalang please.
"Chiko,"
"Huh? Ulan??"
"Sasakay kami."
"Uy Ulan ikaw nga!"
Inangat ko ang tingin ko para lang makita ang isang pamilyar na lalaki. Lumapit sya kay August at tinapik sya sa balikat. Malaki din ang ngiti nito. Halatang masaya at sabik na sabik.
'Teka, 'san ko nga ba ulit sya nakita?'
"Sasakay kami." Salita ni August.
"Oo nama— teka, kami??" Kunot-noong tanong nito. Magtatanong pa sana sya ng mahagip naman nya'ko ng tingin. "Kasama mo sya Ulan??"
Buntong-hininga lang ang sinagot ng isa na senyales na wala syang balak magsalita. Gets ko na 'yun kaya ako na ang sumagot.
"Ah yes." Ngiti kong saad. Naglakad ako papunta sa tabi ni August and I offered my hand for a handshake. "Britanny, just call me Brynn."
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...