AUGUST
“G-Gusto mo bang kumain muna bago tayo mag-usap??”
“Heartley, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Alam kong may iba pang dahilan bakit mo'ko gustong maka-usap.”
Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng cafeteria.“W-What?? No... I mean, y-yeah I have something I want to tell you b-but...”
“May problema ba?”
Tanong ko ng tuluyan kaming makalabas.Napatungo naman sya at hindi nagsalita. Tama nga ako. Kanina ko pa sya napapaghalataan simula nung nakita ko sya kanina sa cafeteria. Hindi ko naramdaman ang kaparehong sigla at pagka-positibo na dati ramdam ko tuwing nakikita ko sya.
“Heartley...”
Sambit ko sa pangalan nya at lumapit sa kanya ng bahagya. Wala namang masyadong tao dito sa kinatatayuan namin kaya ayos lang.'At wala naman akong pakialam kung anong makita at isipin nila. Kaya lang iniisip ko ang magiging imahe ni Heartley kapag nalaman ng mga tsismosang estudyante ang tungkol dito. Tsk.'
“I-I's nothing....”
Tangka na naman sana syang maglalakad paalis ng hawakan ko ang braso nya at pinihit paharap sa'kin. Medyo napalakas ata yun dahil napalapit sya masyado sa'kin at napahawak pa sa balikat ko.
“Sorry...”
Sambit ko at agad syang binitawan.Lumayo naman kaagad sya ngunit hindi medyo kalayuan. Nakatungo na rin sya ngayon at pansin ko pa ang pagpula ng tenga nya.
“I-It's fine.”
Sambit nya sa mahinang boses.
“I'll tell you about it. But not here, I want to be in a quiet place while we're taking our lunch. C-Can we do that??”Hindi ko alam pero may kung ano sa'kin ang gumaan ng makita syang parang nahihiya. Nakakagigil. Kaya naman hindi ko narin napigilang mapangiti ng bahagya.
Pansin ko ang pagkagulat nya at pagtigil. Parang napako lang ang tingin nya sa'kin na mas kinangiti ko.
'Tangna. Anong nangyayari sa'yo Raine??'
“You're beautiful.”
Bulalas nya habang nakatitig parin sa'kin.“Ikaw rin.”
Bigla kong bulalas. Hindi ko 'yun sinasadya pero hindi ko na din binawi. Para saan pa kung nasabi ko naman na.“Ehm... T-Thank you. S-So let's go?”
Aya nya ng makabawi. Nandun padin ang marka ng mga pula sa pisnge nya.“Hindi ba tayo bibili ng pagkain? Sabi mo gusto mo kumain tayo diba?”
“Ah y-yes I forgot. Pero, wag tayo sa caf.”
Napakunot naman ako ng noo.
“Asan ba gusto mo?”
“Sa puso mo.”
“Ano?”
“Ehem I mean, sa karenderya. Meron dito malapit lang sa university. I want there, can we go?”
Parang bata nyang saad na may ngiti na sa labi.Napa-isip naman ako ng sandali. Si brat. Kailangan ko syang bantayan. Trabaho ko 'yun at responsibilidad ko sya. Nangako akong hindi na'ko magpapabaya pang ulit. Kaya hindi ko sya pwedeng iwan.
“Baka hi— ”
“Please? Kahit ngayon lang August? Miss ko na talagang kumain dun. Hindi din naman tayo magtatagal dahil alam ko naman ang responsibilidad mo kay Brynn. But please, kasama nya naman mga kaibigan nya. Please August??”
Pamimilit nya habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...