AUGUST
Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang bumungad sa'kin pagmulat ko ng mata ko. Napabuntong nalang ako at pumikit ng mariin.
"Hmm. . ."
'Tsk.'
Binaba ko ang tingin ko at pinagmasdan ang natutulog na si brat. Ang sarap ng tulog nya habang nakalagay ang ulo sa dibdib ko. Bahagya pang magkahiwalay ang bibig.
"Tch."
Dahan-dahan ko syang inalis sa posisyon nya at nilipat sa tabi ko. Gumalaw pa sya at mayat-maya ang ang pag-ungol pero sa kabutihang palad ay hindi naman sya nagising.
'Hindi nya ba talaga kayang matulog nalang mag-isa? Tss.'
Salubong ang kilay na umalis ako sa kama nya at tumayo. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit hinayaan ko syang gawin lahat ng gusto nya kagabi. Mula sa pagpapanatili nya sakin dito sa kwarto nya, pagtabi sa kanya sa kama imbis na sa sopa hanggang sa posisyon nya ng pagtulog kagabi. Nakakainis isipin na hindi ko magawang humindi sa kanya.
'Ano bang nangyayari sa'kin?'
Nakakainis!
"August?"
Napabaling ang tingin ko kay maam Avery. Kakasara ko lang ng pintuan ng kwarto ni brat at sa kaliwang bahagi ko ay nandun nakatayo ang nanay nya na para bang nagulat din na makita kung nasan ako ngayon.
O kung 'san ako galing.
"Maam. . ."
Nabitawan ko ang bisagra ng pintuan at napa-ayos ng tayo. Bakas sa mukha nya ang pagtataka marahil siguro sa nadatnan nya.
Tumikhim ako. "Maam Avery, hindi po ito gaya ng iniisip nyo." 'Yun lang ang tanging nasabi ko. Hindi ko na alam kung ano pang idu-dugtong 'dun gayong wala namang nangyaring kakaiba na sa tingin ko'y iniisip nya.
"Hon?"
"Hon. . ."
"Mr. Lexington, magandang umaga ho."
"Oh," napatingin sa'kin si Mr. Lexington at pansin ko ang pag-iiba bigla ng timpla ng mukha nya. Pinagtaka ko 'yun pero ipinagsa-walang bahala ka nalang muna. "Likewise August."
Tumango ako.
"Let's head downstairs. I'll cook breakfast for us." saad ni maam Avery. "Join us too August."
"I'll go ahead first." Pauna ni Mr. Lexington at bumaba na.
"Maam Avery, hindi po—"
"I know August. I trust you. Hindi ka gagawa ng bagay na ikakalungkot at ikakagalit ko. But, I think you already know why Brynn did that to you right?" anya.
Marahan akong tumango.
"That's right." Mahina syang tumawa at lumapit sa'kin. "Why don't you head down first? Gigisingin ko lang si Blaire."
Buntong-hininga akong tumango sa kanya at bumaba na 'rin. Kuha ko na ang mga gamit ko at lalabas na sana ng mansyon nila nang tawagin naman ako ng padre de pamilya ng pamilyang Lexington.
"Where are you going?"
Humarap ako. "Aalis na ho, Mr. Lexington."
"Why? Didn't Avery told you that we'll have breakfast together?" saad nya at lumapit sa kinaroroonan ko.
Nagpakawala ako ng hangin. "Gustuhin ko man po pero may mga bagay pa 'kong kailangang gawin. Pasensya na ho pero maraming salamat padin sa kabaitan ninyong mag-asawa." magalang kong sagot.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...