BRITANNY
“Hey anak, wake up, nandito na mga kaibigan mo, anak...”
Dahan-dahan kong minulat mga mata ko dahil naramdaman kong may yumuyugyog sakin ng mahina.Si mom lang pala. Pinikit ko ulit ang mga mata ko dahil grabe, ang sakit talaga ng ulo ko. Letcheng hang over 'to o, pahamak.
Nag bar kasi kami ng mga kaibigan ko at nang taong infatuated ako kagabi dahil nanalo ako sa singing contest na sinalihan ko. 10 pm natapos yun kaya pagkatapos na pagakatapos nun ay hinatak na nila agad ako sa isang mamahaling bar.
At sa kasamang palad ay na libang ako kaya hindi ko na namalayan ang oras at alas tres na nang madaling araw kaming naka-uwi. Palaisipan din nga sakin kung bakit nagawa pa'kong puntahan ng mga kumag kong kaibigan ngayon eh kasama ko naman sila sa bar kagabi.
Wala ba silang hang-over??
Sana lahat!!!!
“Brynn, hindi ka talaga babangon?”
Tanong ni mom sa ma-awtoridad nyang tono. Naku lagot. Kapag ganyan na talaga boses ni mom sigurado akong naiinis na talaga sya.Kaya naman labag sa loob na umupo ako sa kama ko habang nakapikit parin ang mga mata.
“Urghhh...”
Daing ko nang maramdaman ang konting kirot sa ulo ko.“Yan.. Yan napapala mo kaka-bar mong bata ka. Kaka dise-otso mo palang yan na agad pinag-gagagawa mo! Tsaka, tignan mo nga yang sarili mo! Yang damit mo! Hindi ka pa nga nakakapagbihis! Ang dugyot mo! Mag-ayos ka nga nang sarili mo Britanny!”
Mahaba nyang sermon kaya mas lalong sumakit ang ulo ko.“Mom... Ughh.. Yeah, magbibihis na po ako. Pwede po bang lumabas na kayo??”
Pakiusap ko. Ganyan naman talaga sya lagi eh tuwing naabutan nya'kong ganito ang kalagayan. Talak ng talak kaya mas lalo tuluyng nasisira ang umaga ko. Hahaha char lang. Mahal ko mom ko noh. Pero kasi ang sakit lang talaga sa tenga nang mga sermon nya eh.“Hay naku talagang babae ka!”
Humarap sya sakin habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang nya at nakakunot din ang mukha. Napangiti naman ako. Ang ganda padin talaga ni mom kahit naiinis na sya. Hahaha, no wonder sa kanya ko namana ang physique ko while sa attitude naman ang dad ko.Speaking of dad... asan sya??
“Yeah mom, magbibihis na po ako.”
Inaantok kong saad. Sana lumabas na talaga si mom dahil hindi talaga ako makakagawa ng kahit ano kapag sinesermonan nya'ko.“Britanny Blaire Lexington, listen to what I'm going to say.”
Paktay, whole name ko na. Napalunok ako bago tumingin sa abong mga mata ni mom. Bakit parang kinakabahan ako?“M-Mom??”
Usal ko.“I'm through with this. This is your last and this is enough. Dapat matuto ka nang maging responsable at alagaan ang sarili mo dahil tumatanda ka na at hindi nadin kami bumabata nang dad mo. Act accordingly to your age Blaire. I already told you that many times. But I guess nagmana ka talaga sa dad mong matigas ang ulo.”
Sabi nya at napulunok ulit ako.Parang nawala bigla ang hang-over ko dahil sa mga sinabi ni mom. Bawat salitang binibitawan nya may diin. Lalo na yung panghuli.
Anong ibig nyang sabihin dun?
“W-What do you mean by that mom?"
Tanong ko at may pekeng tawa sa huli.“I'm going to give you a personal maid para kahit papano magtino ka. Sya ang makakasama mo palagi. Pwede ka nyang pagbawalan na mag-gala kahit saan na hindi sya kasama. Babantayan nya bawat kilos mo at sasabihin nya yung lahat sakin. Everything I said is true young lady and you can do nothing about it. This is all for your sake either.”
She said.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...