Chap 0 1 0

7.9K 271 36
                                    

BRITANNY

Naka-upo at nakikinig sa professor. Yun lang ang ginagawa ng halos lahat ng estudyante na nandito ngayon kabilang na ako at ng mga kaibigan ko.

'Boring...'

Tinignan ko ang taong naka-upo sa likurang bahagi ng kwarto at kitang-kita ko kung pano nakatutok si freak sa prof at maiging nakikinig. Di lang pala freak, mayabang, mahirap at kadiri. Nerdy pa. Tsk!

Nilipat ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa kaliwang kamay ko sa kanan. Ngayon ay nakaharap na'ko sa bintana at kita ang oval na walang masyadong estudyante.

'Mas mabuti pa'to.'

Patuloy lang sa pagdi-discuss ng Philippine History si Prof. Cabrera. Maganda naman talaga 'to dahil marami kang matututunan pero hindi lang talaga ako bagay sa ganyan. Kung nandito lang siguro si Brad ay malamang nakangiti yun habang nakikinig kay prof.

Like I said, I'm not the smarty kid or introverted person. Hindi din naman ako mahina, sadyang tamad lang talaga mag-aral.

“Bwesit.”

Masamang tinignan ko si Pat na nakangisi at naka peace sign.

“Ba't ka ba nanunusok dyan?!”
Inis kong sabi na mataas ang boses pero pabulong. Baka marinig ni prof eh, pasagutin pa'ko ng mga tanong. Mahirap na.

“Sorry na nga..”
Ulit nya.

“Huy ang ingay nyo. Tumahimik nga kayo.”
Si Dazz na katabi lang din ni Pat. Nasa unahan naman namin si Devy.

“Bakit ba kasi Patricia?”
Inis ko paring tanong at humarap sa kanila habang sinusulyapan si prof. Baka makita eh.

“Oo nga, nag-aaral ako dito eh.”
Si Dazz kaya napatingin kaming dalawa sa kanya at muntik ng napatawa. Mabuti nalang napigilan namin.

“Seryoso Dazziel? Ikaw nag-aaral?”

“Marunong ka pala girl?”
Natatawang saad ko.

“Ang sama nyo! Oo nga o! Nag-aaral ako o tignan nyo!”
Sabay pakita nya samin ng notes nya.

“Aral ba yan? Parang sinulat mo lang naman yan eh.”

“Dazz, anong nakain mo at nagawa mo yan?”
Tanong ko.

“Kailangan ba may rason ha Britanny?”

“Oo na, oo na hahaha.”
Bigay ko nalang.

“Ang boring naman kasi eh...”
Rinig kong sabi ni Pat at dumuko sa lamesa.

“The feeling is mutual.”
Sang-ayon ko.
“Teka, yan ba ang rason ba't mo'ko sinundot?”

Hindi sya sumagot pero tumingin sya sa'kin mula sa mesa na may ngising aso.

“Bwesit ka talaga.”
Sabi ko nalang.

“Totoo naman kasi eh.. Apaka boring.”

“Ano yun Ms. Collins, meron ka bang gustong ibahagi sa'min ngayon ng klase?”

Automatic na napatingin ako sa harap, actually kami ni Dazz ng magsalita si prof. Si Pat naman ay napaigtad sa kinauupuan nya at halos lumuwa ang mata.

'Hahahahah! Yan napapala eh! Mabuti nalang talaga hindi ako nadamay.'

“W-W-Wala po yun prof. Cabrera.”
Anya.

“Talaga? Ano pala yung mga naririnig kong bulungan galing sa inyo dyan?”

'Wait! Inyo?!'

Magsasalita na sana si Pat pero agad kong tinapakan ang kaliwang paa nya kaya halos mapasigaw sya sa sakit pero kinurot sya ni Dazz sa hita kaya hindi na nya natuloy.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon