Uy happy 40th chapter!
Enjoy!
——————————————————
AUGUST
Pumasok ako ng kwarto ko ng nakakunot ang noo. Ang lakas ng tama ng babaeng 'yun. Kung ano-ano nalang ginagawa. Nakakapanibago na nakakairita.
Inis kong hinubad ang damit ko at nilagay ito sa basket ng mga maduduming damit. Naiinis ako sa kadahilanang hindi ko mawaksi ang katotohanang nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko inaasahan na gagawin nya nun na mas lalo ko pang kinainis dahil hindi agad ako naka-galaw nun para ilayo sya sa'kin.
Kailangan nya pang mapansin ang peklat ko sa gilid ng leeg ko para mabalik ako sa ulirat. Nakakainis 'yun sa'kin dahil kung ibang tao ang gumawa nun baka bali na ang kamay nila.
'Pero tangna lang. . . Yung babaeng 'yun. . . Tsk!'
Pinagmasdan ko ang katawan ko sa repleksyon ng salamin. Hindi padin nawawala ang mga peklat. Hinawakan ko ang peklat sa kaliwang gilid ng leeg ko. Peklat ito na nakuha ko nung napasabak ako sa isang riot. Hindi ito gawa ni tiyo. Trese anyos pa'ko noon. Bata pa'ko pero napapasabak na'ko sa gulo. Hindi ko padin nakakalimutan kung pano ako parusahan ni tiyo noon dahil sa pagsali ko. Hanggang ngayon ramdam ko padin ang hampas nya ng baging sa mga paa at likod ko. Tsk. Tsk.
Pero tapos na ang lahat ng 'yun. Natuto na'ko. Napaka-isip bata nga naman talaga nun gaya ng sinabi ni tiyo. Kung galit ang dalawang grupo sa isa't-isa, dapat magtuos ang mga pinuno nila para malaman kung sino talaga ang mas malakas at ang mas mahina. Kapag naaalala ko 'yun napapa-iling nalang ako. Hindi lang para sa kanila kundi para narin sa sarili ko.
Kumuha ako ng bagong pares ng damit at shorts. Kinuha ko rin ang tuwalya ko para makaligo. Ang lagkit-lagkit na ng pakiramdam ko. Kung bakit ba naman kasi biglaang nakipag-dwelo si tiyo sa ganitong kainit na panahon. Pero ayos lang din, wala akong inaatrasan.
Pagkatapos makapagbihis ay lumabas ako ng kwarto. Sleeveles na damit lang ang sinuot ko at itim na tank shorts. Nandito lang naman ako sa bahay at wala na din akong planong lumabas.
Hindi pa man ako nakakaabot sa sala ay rinig ko na ang mga tawanan at hagikhikan ng tatlong tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dun ko nga nakita sina tiya, Makoy at brat na mukhang ang sasaya ng pinag-uusapan.
"O anak, halika upo ka dito." Bati sa'kin ni tiya.
Naka-upo sila ni Makoy sa kahoy naming upuan. Mahaba ito at kasya ang apat na tao pero si brat ay naka-upo sa kawayang pang-isahang tao lang. Nakatingin sya sa'kin na parang natulala pa yata. Kunot-noo kong pinitik ang ulo nya.
"Ouch!" Himas-himas ang noo na tinignan nya'ko. Hindi ko na lang 'yun pinansin at kinuha ang bag ko sa katabi nyang upuan.
"Why'd you do that??" Inis nyang tanong.
"Nakatulala ka." Sagot ko.
"T-Tss!"
"Uy si ate namumula. . . Yiee!"
"Pagpasensasyahan mo nalang yan ija, ganyan lang 'yan pero mabait na bata yan." Si tiya na nakangiti ng 'di ko mawari kay brat.
"Halata nga po eh. . ." Sagot ng isa na nawawala na ang pamumula.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi tayo lalabas ngayon Makoy."
"Ayos lang kutie, ayaw ko rin naman. Mas gusto kong kausap si ate Brynn. Mamaya na kayo aalis diba? Minsan lang 'to eh kaya gusto ko ng sulitin ngayon."
"Babalik naman ako next Sunday Makoy, don't worry." Ngiting saad ng isa.
"Mabuti naman kung ganun ija. Nakakatuwa ka ding kasama." Si tiya.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...