Chap 0 4 3

6.1K 213 21
                                    

BRITANNY BLAIRE

"Ugh! Sakit ng ulo ko. . ."

"Ano ba kasing ginawa mo kagabi at nagkaganyan ka?"

"Duh. Of course nag-aral. May exam kami ngayon at major pa 'yun kaya kailangan ko talagang magsunog ng kilay." I said clutching my temple.

"Bago 'yan ah. Seryoso, nag-aral ka talaga?"

"Devy naman, syempre! Takot padin ako malaman nina mom ang grades ko noh. Tsk! Baka i-grounded nanaman nila ako. . ." Bigo kong saad habang naglalakad patungong oval.

"Sure. Pero hindi ako maniniwala kung sasabihin mong walang kinalaman si August dyan sa pag-aaral mo." Ngumiti pa sya sa'kin ng may ibig sabihin.

Wala sa sariling napangiti nalang din ako. Geez. Pinaalala na naman nya.

Nakangiti syang umiling. "Natamaan ka na talaga ng August na 'yun. Iba ng epekto sa'yo eh."

"Yeah? I can say the same thing to you with that Marie girl. Tell me, ano bang real score sa inyong dalawa?" Change kong topic. Tsk. Galing ko talaga.

"Us?" Tumawa sya. "Meron bang kami? Wala naman ah. . ." Anya at nag-iwas ng tingin. Bahagyang namumula.

"Wala pa. . ." I tainted and grinned. Nag-iwas naman lalo sya ng tingin na may maliit na ngiti sa labi. Napatawa ako at mahina syang hinampas. "Sino satin ngayon ang tinamaan ha??"

"Ikaw parin. . ." Himas-braso nyang saad. "Kasi ako hindi possessive, ikaw makita lang na paparating si Heart todo dikit ka na sa August mo."

"Eh ganyan ka naman talaga dapat sa taong gusto mo eh diba? Hindi mo hahayaang malapitan sya ng kahit sinong holly."

"Holly?" Kunot-noo nyang tanong.

"Holly Parrot."

Nag-krus ako ng mga kamay at tumingin sa harap. Hinayaan ko lang syang pakatitigan ako tutal malapit naman na kami sa pwesto namin sa oval kung saan nandun nadin ang dalawang bruha. Kumakaway pa. Tss!

Ilang sandali lang ay humagalpak ng tawa si Devy. Napalayo ako ng konti dahil sa gulat at kunot-noo syang tinignan.

"Sorry sorry. . ." Hinimas nya ang dibdib nya para pakalmahin ang sarili. "Ang creative mo pala Brynn. Di mo sinabi. O baka epekto lang din yan ng pagka-possesive mo kay August?"

"Ewan ko sa'yo."

Naglakad nalang ako palapit sa dalawa at umupo sa tabi ni Pat. Sumunod naman sya sa'kin na may mumunting tawa.

"Good morning friendships!" Bati ni Dazz.

"Good morning to you too Dazz and Pat." Bati ni Devy at umupo sa tabi ko.

"Anong meron? Ba't nakabusangot ka dyan Brynn?"

"Wala. We're just talking about how possessive Brynn is towards her August."

"Che! Eh 'yun nga kasi dapat 'yun. Ikaw ba kung makita mo ang taong gusto mo na may umaaligid-aligid na iba ano bang gagawin mo? Hahayaan mo lang?" Anas ko at nagpanghalukipkip.

"Oi oi oi oi! 'Yun pala topic nyo ha. Mukhang interesting." Si Dazz.

"Oo nga naman. Napaka-possesive mo kay August Brynn. Ni hindi nga makapag-usap ng maayos silang dalawa ni Heart dahil atribida ka masyado eh."

"Anong sabi mo Patricia!?"

"She's right naman kasi Brynn." Tumingin ako kay Devy ng hindi makapaniwala. "You see, hindi naman tama na inaaway mo lahat ng lumalapit kay August. Mas lalong hindi tama na kini-keep mo sya para sa'yo lang. Hindi ko nga alam pa'no natitiis ni August yang ganyang ugali mo eh."

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon