AUGUST
Naglalakad ako ngayon papunta sa room na sinabi sa'kin ni Heartley kahapon. Pangatlong araw na ngayon ng detention ko. Araw ng Biyernes.
Gaya ng schedule ay alas kwatro kami magsisimula at matatapos ng alas cinco y media. Di katulad nung una ay inubos ko ang oras ko kahapon sa mga pinapagawa sa'kin ni Heartley. Hindi na kami tumambay sa kung saan. Mas gusto ko rin 'yung ganun at baka may makakita pa sa ginawa namin.
Si brat naman ay nandun sa music room kasama si Dazziel. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero ang sabi ng kaibigan nya ay pupunta daw agad sila sa gym para mag-practice. Ang sabi din nya ay sabay na daw kaming umuwi lahat. Kailangan daw kasama ko palagi si brat para hindi na maulit pa ang mga nangyari noon. Pumayag nalang ako, yun naman talaga ang trabaho ko.
Si Andrea naman, ginawa nya ang sinabi nya nung isang araw. Nalaman nya ang lahat sa kasintahan ng bestfriend nya. Nagpakamatay ito sa kadahilanang hindi nito matanggap na ang kasintahan nya ay nakabuntis ng ibang babae. Yun lang ang sinabi sa'kin ni Mr. Lexington na walang kaso sa'kin dahil wala naman akong balak na mangusisa pa.
Hindi sya nakulong. Pinatawad sya ni brat na hindi ko na kinagulat. Gayunpaman, napili nyang lumipat ng ibang eskwelahan at magpakalayo-layo muna dahil sa nangyari. Humingi sya ng tawad sa kanya, sa mga kaibigan nya at sa'kin.
Kumalat din ang insedenteng ito sa buong eskwelahan. Hindi namin alam kung pa'no ito nakalabas o kung sino ang nagpalabas pero may hinala na'ko kung sino.
'Si Brooke.'
Sya lang naman ang tanging naging kasabwat ni Andrea sa plano nya. Tss. Talaga nga namang kahit malayo kaya paring gumawa ng kabobohan.
Bigla kong naramdaman ang sunod-sunod na pag vibrate ng bag ko. Kinuha ko ito sa pag-aakalang may tumatawag sa teleponong nasa loob nito.
(Incoming Call 💓)
“Hey August.”
“Heartley, ba't ka napatawag?”
“Ahh wala naman. Gusto ko lang tanungin kung asan ka na?”
“Papunta na'ko. Nasa building na.”
“Hmm... That's good.”
Sagot nya at kahit hindi ko man kita ay alam kong tatango-tango na sya ngayon.
“Ibababa k— ”
“Wait! Teka lang muna.”
Buntong-hininga akong tumingin sa screen bago binalik ulit ang telepono sa tenga ko.
“Ngayon sasabihin mo na ba kung bakit ka napatawag?”
Bagot kong tanong at umakyat ng hagdan.“Ahh ano... gusto ko lang kasing tanungin kung gutom ka ba??”
Kunot-noo akong napahinto sa paglalakad at tumingin ulit sa screen.
“Ano?”
“Yeah. Ano... may dala kasi akong pagkain. These are your favorites. Pancit palabok, bagoong na maanghang, atsara, daing at monggo. Naisip ko lang na dalhan ka kasi baka nagugutom ka.”
Masigla nyang saad sa kabilang linya. Paniguradong nakangiti na ito ngayon.“Bakit mo naman naisip na nagugutom ako?”
Tanong ko at umakyat sa hagdan ng ikalawang palapag.“I don't know... Gusto ko lang pakainin ka. Hihihihi.”
Napangiti nalang ako sa kawalan dahil sa pagiging isip bata nya.
“Hindi ako gutom. Pero dahil dala mo ang paborito ko ay sige.”
Saad ko pagkarating sa ikatlong palapag.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...