Chap 0 2 4

7.4K 259 56
                                    

BRITANNY

“Girls,”
Bating bungad ko ng makarating sa meet up place namin. Isang café na pagmamay-ari ng family ni Devyn.

“Ang tagal mong babae ka.”
Anas ni Patricia ng maka-upo ako sa table na inuupuan nila.

“Atleast nakarating. Tsk.”
I retorted and rolled my eyes.

“Huy Brynn gorhl, ayosh ka na ba? Ang pakhiramdam mo kamushta na?? Nag-alalo talaga kami sha'yo. Balak ka shana naming punsyahan kahapon kasho may bigla kaming mga lakad kasya hindi na namin nagawa. HuY ano??”

Hindi ko talaga alam kung totoo bang nag-aalala 'tong si Dazziel sa'kin dahil sa pamamaraan ng pagtatanong nya. Parang napilitan lang eh. May cake pa nga sa bibig. Dugyot talaga.

“Dazz, finish your food first will you?”
Sita sa kanya ni Devy.
“But she's right. How are you Brynn? Ayos ka na ba?”
Nag-aalalang tanong ni Devy.

I sighed and crossed my arms.

“I am. Hindi naman ako napano bukod sa sakit lang ng ulo. You don't have anything to worry about okay?? I sure am fine.”
Bahagyang ngiti kong saad.

“Ang shakit kaya nung shakit sha ulo...”
Mahina ngunit bulol na saad ni Dazz.

“Eh sino ba kasing may gawa nyan sayo ha Brynn? May binully ka na naman ba??”
Tanong naman ni Pat habang iniinom ang shake nya.

“Aba wala noh..... I think....”

I tried to hide it but I just can't. Pa'no nga kung oo? Pa'no nga kung isa yun sa mga binully ko dati na naghihiganti na ngayon sa'kin? Pa'no kung gusto nila akong saktan dahil sa nagawa ko noon sa kanila? Heck! Hindi naman ako ganun ka sobra dati ah?! Mga pagbabanta lang naman 'yun at pagpapahiya pero.... p-pero hindi naman ako lumagpas dun! Hindi naman ako naging pisikal! I never did that. I swear! So bakit nila ginagawa ito sa'kin ngayon???

“That could be. Pwede ngang isa 'yun sa mga binully mo dati Brynn. Nung high school year or this college year. Simula pa nga lang ng taon natin bilang mga kolehiyala may pinahiya ka na agad na estudyante at sa harap pa ng maraming tao. Tapos nagsunod-sunod na kaya hindi talaga malayo na mangyari 'yun.”
Saad naman ni Devy na nakatingin sa'kin.

“Tigil tigilan mo na kasi yang pagiging bully mo Brynn girl. Ayan tuloy karma mo.”
Segunda naman ni Dazz na kakatapos lang kumain mg cake.

“Bakit ba ako sinisisi nyo? Ako na nga nasaktan dito pero parang 'yung nanakit pa sa'kin ang biktima. Can't you be more nice??”
Inis kong saad dahil totoo naman.

Para kasing sinasabi nila na ako ang may kasalanan sa nangyari sa'kin. Sabihin na nga nating totoong may binully ako at may posibilidad na binabalikan na nila ako ngayon pero tama bang manakit?? Sa pagkakatanda ko hanggang mga pahiya at masasakit na salita lang naman ang ginawa ko eh. Tsk. I did nothing more than that. So clearly, this is their fault.

'Pero itong tatlong 'to parang hindi 'yun ang nakikita. Tsk.'

“Nagsasabi lang kami ng sa tingin namin may posibilidad Brynn. Wag ka ngang paranoid dyan. Mamaya isa lang pala 'yun sa mga stalker mo o ano.”
Asik ni Pat.

“Tss! Malay ko ba dun. Hindi ko kilala ang may gawa sa'kin nito but I know it was a girl. Wala na'kong ibang matandaan bukod dun. Maybe because of the effect of the scent she made me inhaled. Basta hindi ko sya kilala.”
Yamot kong saad at inayos ang pagkaka-halukipkip ng mga braso ko.

“O kalma girl, eto cake o.”

Nilapit ni Dazz ang isang forest cake sa gawi ko pero kunot-noo ko lang syang tinignan.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon