AUGUST
Pagkatapos ng madamdaming paghaharap ng dalawang babae kanina ay pinaandar ko na ang kotse ko at lumarga paalis.
Ang totoo nyan ay naghintay pa talaga ako na makaalis ang dalawang yun o sino man sakanila bago ako mauna. Minamasdan ko lang kung anong mangyayari pagkatapos nilang magharap. At sa tagpong yun, mukhang nasabi nga nung babaeng tumulong sa'kin ang dapat nyang sabihin sa Hyacinth kuno. Mabuti naman kung ganun.
'Nakakaumay ang mga ganung tao. Ginagawang dahilan ang mga taong gusto nila para gawin ang mga bagay na para daw sa kanila. Pero ang totoo ay pagiging makasarili lang yun.'
Pagkarating ko sa bahay ng mga Lexington ay ginarahe ko na ito mismo sa garahe nila. Pumasok ako sa bahay nila pagkatapos bumati sa mga kasambahay at gwardya.
“Augaust anak, bakit ka natagalan? Ang sabi ni Blaire may ginawa ka pa daw sa school nyo. Totoo ba yun?”
'Yung bratilyang yun. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya kanina.'
“Ah, opo. Pasensya na ho at kailangang unang umuwi ng alaga nyo. Importante lang po talaga yun.”
Pagdadahilan ko.“O sya, wala namang kaso yun. Ang mahalaga ligtas kayong dalawang naka-uwi. Ayos na ba yung inasikaso mo kamo?”
“Opo.”
“O sya sige. Pumasok ka na sa kwarto mo ng makapaghanda na dahil tatawagin nalang kita para kumain.”
Nagpaalam ako sa kanya at sinunod din ang gusto nya. Buti nalang hindi nya napansin ang mga kulay asul sa kamay o kaya leeg ko. Long sleeve din kasi ang pinahiram ni Heartley ata yun.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Lalo kong nilublub sa sabon at kuskos ang sarili ko dahil mahirap ng tanggalin ang ibang mga pintura. Bwesit talaga. Ano bang problema ng babaeng yun sa'kin at ginawa lahat ng kabobohang 'to?
Lumabas ako ng banyo pagkatapos at nagbihis. Hindi ko din maiwasang pagmasdan ang hubad kong katawan sa salamin. Bukod sa meron akong maselang parte ng lalaki ay marami nadin akong pilat sa katawan. Wala akong masyadong pilat sa mga braso o anong parte ng katawan ko na nakikita dahil ayaw ipakita ito ni tiyo. Lagpas dalawanpu nadin ata 'to dahil hindi na medyo kita ang iba.
'Teka sila tiyo, hindi ko pa sila natatawagan.'
Kinuha ko ang keypad ko at tinignan muna ang oras. Pasado alas otso pa naman kaya alam kong gising pa sila.
*tok*
*tok*
*tok*Natigil ako sa pagtipa ko sa telepono ko ng may kumatok. Tinungo ko ito at pinagbuksan ang tao.
“August anak, halika na dahil kakain na. Dadating nadin mamaya sina Avery at Garett.”
“Ah sige po, salamat. Susunod nalang po ako.”
Pagkasara ko ng pintuan ay sakto namang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ito at sinagot.
“Makoy,”
“Kutie! Kamusta?!”
“Ayos lang. Kayo dyan. Ikaw, kamusta ka na?”
“Ayos lang po sina tiyo kutie. At mas lalong ayos na po ako!”
“Hm. Mabuti naman. Sige na, mamaya nalang ulit. Tinawag na'ko.”
“Ganun po ba kutie? O sige po. Bye!”
“Sige. Ikamusta mo nalang ako kina tiya jan.”
Pagkatapos nun ay binaba ko na ang tawag at lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
عاطفيةI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...