AUGUST
“Ayan na.”
Nilapag ko ang isang folder sa harap nya habang naka-upo sya sa mesa. Nasa pool kami ngayon dahil dito nya daw gusto.Tinignan nya lang ito at pagkatapos ay nalipat sa'kin. Hindi ko nalang pinansin ang pagtaas ng kaliwa nyang kilay. Nakahalukipkip sya habang ang mga paa ay naka-krus din.
'Pormahan ng mga brat.'
“Tss.”
Rinig kong ani nya at binuklat ang folder.Nakatayo lang ako sa harapan nya ngunit hindi umuupo. Nakasalpak din ang mga kamay ko sa shorts ko. Buntong-hininga kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng pool area nila. Maganda. Malinis. Nakaka-engganyo. Yun lang ang masasabi ko. Sinabayan pa ng init ng araw kaya nakaka-tukso talaga ang sumuong sa malawak at kulay asul na pool nila.
“Huy! Ano bang tinitingin-tingin mo dyan? Gusto mo bang maligo?”
Inis na saad ng babaeng kaharap ko kaya nilingon ko sya ng walang pinagbago sa ekspresyon ko.“Wala akong sinabing ganun. Pinupuri ko lang ang lugar nyo sa isip ko.”
Saad ko.“Lokohin mo si ako.”
Bulong nya.
“Ano ba 'to? Ba't ba ang pangit ng hand writing mo wala akong maintindihan.”
Inis nya ulit na saad.Buntong-hininga akong nagtungo sa kanya.
Tumungo ako sa likod nya at dumungo bahagya para maka-pantay sya at ang folder. Nakita ko namang biglang nag-iba ang posisyon nya ng upo at para din syang napalunok. Hindi ko nalang 'yun pinansin at tinuon ang atensyon sa dahilan ba't nya'ko pinatawag.
“Asan ba dito??”
Kunot-noo kong tanong habang pinagmamasdan ang sulat ko.'Hindi naman magulo ah? Hindi ba sya marunong magbasa?'
“I-Ito nalang tapos umalis ka na. Ang baho mo.”
Turo nya sa isang bahagi ng sinulat ko at tinakpan pa ang ilong na para bang nababahuan.'Bratinela talaga.'
Pigil inis nalang akong humarap ulit at hindi na nagsalita pa. Sinasayang lang nya oras ko.
“The biological structures of a gutter frog are mostly made of chret— ”
“W-Wait. Yeah I get it na. P-Pwede ka ng umalis.”
Biglang singit nya sa pagsasalita ko.Napatingin naman ulit ako dito ng nakakunot-noo ang noo.
“Ano bang topak mo? Gusto mo ba talagang gawin ko ang gusto mo o hindi?”
Inis kong tanong ng nakatayo na ng tuwid.“H-Hindi na nga sabi! Tss. Kaya ko na. Gawin mo nalang lahat ng gusto mo. Ako ng bahala dito.”
Sabi nya at tinuon ulit ang atensyon sa folder.Napailing nalang ako at hindi na nagsalita pa. Umupo ako sa katapat nyang upuan at kinuha ang telepono ko ng bigla itong tumunog.
Galing ito kay Makoy. Ang dating telepono ko kasi ang dala ko at ang bigay naman ni ma'am Avery ay nasa kwarto ko at naka-charge.
'Kutie! Excited na'ko sa pag-uwi mo bukas! Hindi lang pala ako dahil pati narin sina tiya. Dala ka ng pasalubong ha? Hihi. Labyu!'
Napangiti ako ng mabasa ang mensahe nya at agad din namang nagtipa ng sagot.
'Oo. Basta bantayan mo sina tiya dyan. Mag-iingat kayo palagi. Tawagan mo'ko kung may nangyari.'
(send)
Hindi din naman umabot ng sampung segundo ay narinig kong tumunog ulit ang telepono ko kaya tinignan ko ito.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...