Ey! Happy 50th chapter!
——————————————————
BRITANNY BLAIRE
Pumasok ako ng kotse at umupo sa shotgun seat. Tahimik lang ako na bahagyang nakadungo. Hindi ko na tinangka pang sulyapan sya at hinayaan nalang na i-drive ang sasakyan paalis.
Nahihiya padin ako hanggang ngayon dahil sa sinabi ko kanina. Baka kung anong isipin nya. Kesyo weird ako, kakaiba, baliw at kung ano-ano pa.
Tumingin ako sa bintana at hinigpitan ang kapit sa suot kong jagger pants. Nahihiya tuloy akong magsalita at mag-open ng topic. Gusto ko pa naman sana syang tanungin tungkol sa kung bakit sya medyo pagod kagabi eh pinabili ko lang naman sya ng ilang mga gusto at kailangan ko.
I bit my lip.
'Wag ka na kasing maarte Blaire. Pati ba naman ang pagkakataong makausap sya palalagpasin mo pa ng dahil lang sa ka-awkwardan mo??'
Shit.
Huminga ako ng malalim at sakto namang naka-red light kaya napagpasyahan ko ng magsalita.
"Hey, uhm, gusto ko lang tanungin. Tungkol dun sa kagabi—"
"Ano?" baling na tanong nya sakin.
I gulped. Why's that look naman?
Scary-ish.
"No. It's not what you think." I awkwardly smile. Nakatitig lang sya sa'kin. "About dun sa uhm. . . ano. . ."
"Ano?"
"Ano uh. . . pansin ko kasi kagabi na parang pagod ka. Inisip ko na hindi ka naman mapapagod ng ganun dahil lang sa pinabili kita eh hindi naman 'yun medyo malayo sa'tin tapos hindi pa traffic. Nakatulog— I mean naka-idlip ka pa nga sa lap— s-sa kwarto ko so I assume something came up on the way back? Gusto ko lang malaman. Ano kasi. . . kagabi pa'ko nag-aalala. Gusto nga sana kitang tanungin nun kaso ayun nga, na dead bat ka agad." bahagya akong napatawa.
Joke lang 'yun syempre. Naka-idlip lang sya nung sinimulan ko ng haplusin ang buhok nya. Medyo proud pa nga ako sa sarili ko nun dahil nagawa ko syang patulugin knowing na may insomnia sya. Hehe. Pampa-boost lang ng confidence bakit ba?
Tinignan nya lang ako pero sa pagkakataong 'to ay nilabanan ko na. I can face this kind of looks that she's giving me but it would be a different thing if she shoot me looks that would always make me feel intimidated, guilty, sad, hurt or even frightened. Ibang-usapan na talaga 'yun.
Tumingin sya sa harap pagkaraan. Hindi pa naman umaabante ang mga sasakyan na nasa unahan namin na mas kinasaya ko.
'It means magkakaroon pa'ko ng mas mahabang oras para makasama sya.'
"May nangyari lang na hindi inaasahan. Hindi mo na 'yun kailangang malaman pa." sagot nya.
'So something really did happened.'
"Ayan ka na naman, hindi ka naman nagsasabi. Just tell me. Karapatan ko pading malaman dahil unang-una sa lahat, ako ang anak ng boss mo na nagkataong mommy ko at pangalawa sobra akong nag-alala sa'yo kagabi pa kaya in other words may kasalanan ka sa'kin. So come on, tell me now August. Isa." pinaseryoso ko pa ang boses ko umaasang masindak sya at magsalita pero nakalimutan kong mas seryoso pa pala sya kesa sa presidente ng Pilipinas. It was a bad move, indeed.
"Pinagbabantaan mo ba ako?" tanong nya at inumpisahang i-arangkada ulit ang sasakyan.
"Hindi. Nagsasabi lang ng totoo." angil ko. "Sige na kasi. Ano bang mawawala kung sasabihin mo sa'kin ang dahilan??" parang bata kong saad. Kainis naman kasi sya eh. Kaliit-liit lang ng bagay na hinihingi ko di pa nya mabigay.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...