Chap 0 2 3

6.6K 257 49
                                    

Ang saya ko ngayon dahil umuwi ang ate ko galing Manila hahahhaa.

March 25, 2021 ngayon. Araw na sinulat ko'to. Kaya ito ang isang chapter para sa inyo mga ka-cutie.
(ehem, credits sa taong nagpa-siuna ng tawag na yan)

Salamat sa'yo rainmecrazy

Salamat sa inyo.

Enjoy!

——————————————————

AUGUST

Araw na ng linggo. Ito ang pinaka-hinihintay na araw ko dahil bukod sa mapapahinga ko ng pansamantala ang utak at katawan ko mula sa pag-aaral ay wala din muna akong iisipin na bratinella. Wala muna akong babantayan at aalalahanin na babaeng sing-tigas ng bato ang ulo.

Nabigay ko narin sa kanya ang tinapos kong proyekto kagabi pagkatapos naming mag-hapunan. Tinanong nya pa ako kung maganda ba daw ang pagkakasulat ko dahil ayaw daw nyang hindi kami makapasa. Ang brat talaga. Wala na ngang naitulong sya pa ang may ganang mag-reklamo.

'Wala akong maaasahan sa bratinelang 'yun.'

Sinilid ko sa dala kong back pack ang pocket knife ko pagkatapos itong paikot-ikutin sa kamay ko. Dala ko ngayon ay mga konting gamit ko lang. Isang pares ng tsinelas, isang damit, pantalon at damit panloob. Isang gabi lang naman ako samin dahil bukas na bukas din ay babalik na'ko kaagad dito. Wala namang dapat ipag-alala sa pag-aaral dahil isang subject lang naman kami ni brat sa Lunes at pang-tanghali pa.

Ng masiguro kong ayos na ang mga gamit ko at wala ng nakalimutan ay sinarado ko na ito. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagkibit-balikat nalang dahil wala namang dapat ayusin.

'Uuwi lang naman ako. Ba't kailangan ko pang mag-ayos?'

Tinignan ko muna ang oras sa teleponong bigay ni ma'am Avery. 5:22. At oo madaling araw pa ngayon. Ayokong sayangin ang oras ng araw na'to sa pagba-byahe lang. Gusto kong makita agad ang pamilya ko.

Paglabas ko ng pintuan ay dumiretso agad ako sa sala para lang makita ang ginang na tagapamahala ng mansyon ng mga Lexington.

“Magandang umaga ho manang Emma.”
Pagbati ko dito na syang nagpakuha ng atensyon nya mula sa paglilinis nya sa sala.

“O August anak. Magandang umaga din sa'yo. Ang aga mo yata? Ngayon ka na ba aalis? Hindi ka ba muna kakain?”
Tanong nya at lumapit sa'kin.

“Hindi na ho. Uminom naman na ho ako ng kape kanina pangpa-init ng tiyan at ayos na ho 'yun sa'kin. Gusto ko narin hong maka-alis agad.”
Magalang kong saad habang nakasabit sa kaliwa kong balikat ang grey na back pack.

“Sigurado ka? Alam mo hindi sapat ang kape lang sa umaga lalo't medyo malayo ang bahay nyo. Baka lupaypay ka na nyan pagdating mo.”
Anya at bahid sa boses nya ang pag-aalala.

“Hindi na ho talaga. At hindi naman ako ganun kahina para mapagod lang ng walang laman ang tiyan. At tsaka, bakit naman ako mapapagod kung ang lakas ko ang inuuwian ko?”

Matunog naman syang napangiti at ilang sandali lang ay napatango nalang din.

“Ikaw na bata ka talaga. Ang gandang isipin na ang isang mailap at seryosong taong katulad mo ay may malambot na bahagi para sa mga taong mahahalaga sa kanya. O sya sige, hindi na kita pipilitin pa. Basta mag-iingat ka at ikamusta mo'ko sa pamilya mo. Pakisabing salamat dahil pinalaki ka nila ng tama at mabuti.”
Ngiting nyang saad.

“Sige ho.”
Saad ko nalang.
“Pwede ho bang kayo na lang din ang bahalang magsabi sa mga Lexington? Alam kong nagpapahinga pa sila kaya ayaw ko sana silang istorbohin dahil lang sa aalis na'ko.”

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon