Chap 0 4 7

5.3K 177 11
                                    

BLAIRE

"Makoy, tawagin mo nga yung tiyo mo at si Rain. Sabihin mo kakain na. Espesyal ang tanghalian natin ngayon dahil tinulungan tayo nitong dalawang magagandang kaibigan nya. Kaya sige na."

"Sige po tiya."

Nakangiting umalis si Makoy na medyo patakbo pa. Napatungo nalang ako dahil sa binigay nyang papuri at nakita kong ganun din naman si Heartley. Ng tumingin sya sa'kin ay inirapan ko lang sya. Ulit. Tsk.

Hinanda na namin ang lamesa na may kasamang kwentuhan. As much as possible si tita lang ang kinakausap ko dahil sa totoo lang ayaw kong makipag-plastikan kay Heartley pero kung sa mga sitwasyon na kailangan ay wala akong choice kundi paandarin ang kaplastikan ko. Inis padin ako sa kanya noh.

'Inaagaw nya spotlight ko sa pamilya ni August. Pagnagkataon hindi na'ko ang iboboto nila para sa kanya.'

Dinadaan nya sila sa kabaitan at pagiging mahinhin nya. Not to mention her hobbies that matched with Makoy's. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako mahilig magbasa eh. Kung nalaman ko lang nung una edi sana binilhan ko na sya ng maraming libro. May kasama pang shelf.

"Stop that Brynn."

"What?" kunot-noo ko syang binalingan ng bigla syang magsalita.

"Wag mong lagyan ng gatas ang baso ni August. She's lactose intolerant remember??"

May bahid ng inis sa tono ng pananalita nya at nung tinignan ko naman si tita ay nag-aalala ang mukha nya.

And then it clicked.

'Shit!'

"I-I know! P-Para sa'kin naman 'to hindi para sa k-kanya." Agad kong binitawan ang kahon ng fresh milk at kinuha ang baso na sinalinan ko nito.

I drank it non-stop just for them to believe my alibi. Umalis na muna sa kusina si tita para tawagin sina tito at August pero si Heartley ay nanatili sa kusina pero wala naman na sa'kin and atensyon. Nilagay ko sa sink ang basong ginamit ko at nagpakawala ng hangin.

'It's not that I forgot, i-it's just. . . I uhm. . . I didn't— shit!!'

Oo na nakalimutan ko na! Kasalanan din nya 'to eh kung hindi nya lang ako ininis at hindi mabaling sa iba ang atensyon ko edi sana naalala ko pa. Tss!

At tsaka, ang rami naman ata nyang alam tungkol kay August. How? Close na ba sila?? Kailan pa? Bakit at pano?? Tss! Ako 'tong laging kasa-kasama ng freak na 'yun pero sa ibang tao sya nagku-kwento. Tss! Pag-uuntugin ko silang dalawa eh!

'Makahanap lang talaga ako ng tamang pagkakataon, mako-kompronta din kita Heartley.'

Makalipas ang ilang sandali ay nagsidatingan na rin sina tito Harper at August. Akala ko magiging masaya na sawakas ang tanghalian ko dahil katabi ko si August kumain pero nagkamali ako dahil nasa kaliwa nya umupo si Heartley. Like wth?? Palagi nalang ba!?

Kaya ang ending pareho naming pinaglalagyan ng pagkain si August. Ayaw nya nung una halata naman sa ekspresyon ng mukha nya pero hindi ako nagpapigil, hindi rin tumitigil 'yung isa eh.

"Wow kutie, may dalawa ka na palang asawa. Akin nalang yung is— "

"Mackerel." seryosong bigkas ni tito sa pangalan ni Makoy.

"Sorry po." saad nito at dumungo.

Narinig naman naming napatawa ng marahan si Heartley kaya napatingin kami sa kanya.

"It's not like that Makoy. Gusto lang talaga naming pakainin ng masusustansyang pagkain itong kutie mo. Dapat ikaw din. Para mas maging malusog kayo. Right Brynn?"

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon