BRITTANY BLAIRE
“So Andy, san tayo pupunta?”
Ngiti kong tanong habang naglalakad kami papuntang parking lot.“Uhm Brynn, ayos lang ba sa'yo kung sa restaurant namin? Malapit lang naman 'yun dito sa university. Gusto ko lang ding makita mo ang family business namin.”
Sagot nya habang sabay kaming naglalakad.“Sure! Why not? I'd love that. Yun din ba sinabi mo kay freak kanina?”
“Oo. Gusto ko lang mabigay sa kanya lahat ng hinihingi nya para hindi na din sya mag-alala pa. Uhm, Brynn, kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang tanungin bakit ganun nalang sya umakto kanina? Yung parang, kailangan lagi kang nasa paningin nya kung hindi naman ay kailangan alam nya lagi kung nasaan ka? Uhm, ayos lang naman kung hindi mo sasagutin. Naiintindihan ko.”
Nag-iwas sya ng tingin at bahagyang tumungo. Hindi ko naman maiwasang mapakagat-labi. Ayoko pa naman sanang maraming tao ang makakaalam ng ugnayan namin ni freak bukod kina Brad at mga kaibigan nya at si Cedrick at Heart. But I guess, she deserves to know right? Kaibigan ko na din naman sya.
“Uhm, s-she's my uh.... how'd you say this uhm... bodyguard? Yeah bodyguard. Oo yun nga. Bodyguard ko sya.”
Nasabi ko rin.Tinignan nya naman ako at binigyan ko lang sya ng maliit na ngiti.
“Ahh, okay. Kaya pala ganun sya kanina. Ngayon naiintindihan ko na. I'm sorry for asking.”
“No. Don't be sorry. You deserve to know it anyways.”
Ilang sandali lang ng marating namin ang mga kotse namin ay sabay na kaming umalis. Sundan ko nalang daw sya kaya yun ang ginawa ko. Isang oras pa naman bago mag-start ang third subject namin ni freak. Nothing could go wrong with that one hour right??
————
“Eto na ba yun Andy?”
Tanong ko ng makababa ng sasakyan.Magkasunod kaming dumating ni Andy dito sa tapat ng isang resto. Sakto lang ang laki nito at marami din akong nakitang mga taong kumakain sa loob. Glass lang din kasi ang walls nila. Hindi na masama.
“Oo. Tara pasok tayo sa loob? Ipapakilala kita sa mama ko. Sya ang chef dito.”
Ngiting tango nalang ang sinagot ko at sabay na kaming pumasok sa loob. The ambiance is nice. The decors are simple yet elegant. Para syang isang tradisyonal na Filipino restaurant. Base na rin sa mga pagkaing nakita kong kinakain ng mga customers ay masasabi ko talagang specialty nila ang Filipino cuisine.
'Nice. I want to taste that too.'
“Tara dun tayo sa kusina Brynn.”
Pagkarating namin sa kusina nila ay sinalubong kami agad ng masasarap na amoy ng pagkain. Oh God, mas lalo tuloy akong nagutom.
“Andy anak,”
Nakuha ng atensyon ko ang isang di-katandaang babae na hindi ko alam kung saan nanggaling. Niyakap nya si Andy at ilang mga batian at kamustahan pa ang naganap bago nya'ko pinakilala.
“Nga pala, si Brittany po ma. Yung lagi kong kinukwento sa inyo na kaibigan ko sa school.”
Lumapit ako sa kanila. Ng balingan ako ng tingin ng ginang ay ilang segundo muna nya'kong pinagmasdan bago ngumiti ngunit hindi na kapareho ng ngiti na binigay nya kay Andy.
'Abay syempre anak nya 'yun eh.'
“Good afternoon po.”
Bati ko at ngumiti ng magalang.“Magandang tanghali din sa'yo ija. Masaya ako at nagkaroon nadin ng mukha ang taong laging kinukwento ng anak ko. Talaga nga namang napakaganda mo.”
Anya.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...