Chap 0 3 4

5.8K 267 27
                                    

Hi. Gusto ko lang kayong balaan na kapag mababasa nyo ang chapter na'to ay makikita nyong nag-iba na ang style ng pagsusulat ko.

Yun lang naman. Salamat sa paghihintay ng UD.

Enjoy!

——————————————————

BRITTANY

“Uy Brynn, ba't wala pa si freak mo? 5:40 na o. Dipa ba sila tapos ni Heart sa detention nya?”

“Oo nga. Tsaka last day na din ni August ngayon diba? Friday ngayon eh.” Sunod na tanong ni Dazz naghahalungkay ng kung ano sa locker nya.

“Bakit nyo naman ba sya hinahabap sakin? Malay ko ba dun. Magsama sila.” Kunot-noo kong palatak habang nilalagay ang mga gamit ko sa locker.

“Tawagan mo nalang kaya Brynn. Ikaw lang naman may number sa kanya sating lahat eh.” Si Devy na katabi ko na.

'Tss. Hindi nalang ako. May isa pa.'

“Yoko nga. Ano iisipin nun na hinahanap ko sya? Tsk! Kahit ilang oras pa silang magkasama ni Heartley wala akong pakialam.” Malakas kong sinara ang pintuan locker ko at humarap sa kanilang nakangisi na. “O?”

“Wala wala wala wala. Para kasing nagseselos ka per— ”

“Ano?! Pat ano bang pinagsasabi mo?” Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Tumingin naman ako kay Dazz ng mapatawa sya.

“Hindi nga Pat. Wag mo na nga yang guluhin. Masamang galitin ang mga nagseselos noh.”

“Ugh! Dazziel!”

“Hindi nga ba Brynn? Eh mukhang kanina ka pa kasing umaga wala sa mood eh. Simula nung dumating kayo ni August nakakunot na ang noo mo. Maski nga nung dumating si Brad hindi nya napaghiwalay mga kilay mo eh.” Salita ni Devy.

“Oo nga. Truth be told, tinawag mo rin si Heart sa full name nya.”

“Ano namang masama kung tawagin ko sya sa full name nya Pat? Eh yun naman talaga pangalan nya?” Palatak ko.

“Yun na nga Brynn gurl eh. Tinatawag  mo lang sya sa full name nya kapag naiinis ka sa kanya.”

Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ni Dazz. Seriously?

“See Brynn? Bakit hindi mo nalang kasi aminin?”

“Admit the what Devy?”

“Na gusto mo na si August.” Nagulat pa'ko sa sabay-sabay nilang tatlo sa pagsagot at diretso pang nakatingin sa'kin. Geez. Nakakagulat sila.

“A-Anong gusto naman ang sinasabi nyo? Wag nga kayong mag-isip ng kung ano-ano. Tsk. Hindi ko sya gusto noh...” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin mga tingin nilang lahat sa'kin.

“Hays. Ikaw lang Brynn, sinabihan ka na namin. Linawin mo yang nararamdaman mo dahil baka maunahan ka pa.” Si Pat.

“Oo nga gurl. Wala namang problema samin kung gusto mo sya eh. Mas maganda nga yun kase may makakapagpatino na sa'yo. Ikaw lang kase ayaw mo pang aminin. Wag ka kayang magpatalo sa pride mo makakabuti pa sa'yo.” Dagdag ni Dazz.

“They're right Brynn. Kita naming lahat kung pano mo tignan si August tuwing hindi sya nakatingin sa'yo at alam din namin kung pano ka makiramdam tuwing nandyan si Heart sa paligid. Naiinis ka diba? Naiinis ka dahil alam mong si August ang pinunta nya. Pero wala ka lang namang ginagawa. Tsk tsk.” Iiling na saad ni Devy.

“Tawagan mo na nga lang 'si August Brynn para makaalis na tayo.” Maya-maya'y sabi ni Pat.

“N-Naiwan ko phone sa bahay eh.” Sabi ko ng bahagyang nakatungo.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon