BRITANNY
Tumatawa kaming lumabas ni Brad ng resto. Kakatapos lang naming kumain at tama nga sya dahil busog na busog talaga ako.
“I told you, mag-eenjoy ka dun.”
He said.“Yeah yeah, pang-walong beses mo ng sinabi yan ah.”
Sabi ko pabalik. Tumawa naman sya dun at pumunta na kami sa parking at pinagbuksan nya muna ako ng pinto at pumasok naman agad ako.“Where'd you wanna go next?”
He asked.“Ikaw. Ikaw nag-aya eh. Sa'n mo ba ako gustong dalhin?”
I retorted back.Pasimple ko namang tinignan ang oras sa phone ko. 6:57 pa. Hanggang 9 lang ako sabi ni dad. Hindi ako pwedeng lumagpas sa curfew ko kahit si Brad pa ang kasama ko. Kundi grounded na naman ako. Tsk.
“Okay then. Just buckle up 'cause I'mma bring you to one of my favorite place.”
Sabi nya with matching kindat pa.Pinili ko nalang tumawa para pagtakpan ang pamumula ko. Dumagdag sa pagkagwapo nya ang ginawa nya shet!
“Haha, at saan naman yang sinasabi mong favorite place mo?”
I said.Pinaandar na nya ang sasakyan at pinasibat ito sa kalsada.
“Hmm, mas gusto kong wag munang sabihin sa'yo ngayon. But I promise, you will love it there. That's my favorite place after all.”
Anya.“Ows? Di porke't favorite place mo yun ay magugustuhan ko na. Remember, we have different hobbies and skills. So most likely, we won't know what would happen if we don't get to see them.”
I said while grinning.Sumulyap naman muna sya sa'kin bago binalik ang tingin sa daan at sumagot.
“Yeah? Bakit? Opposite attracts sabi nila diba?”
He retorted.Pinamulahan naman ako sa sinabi nya dahil pakiramdam ko double meaning 'yon. Parang meron pa syang ibang ibig sabibin but I can't pin point what is it.
“Tsk! Sinong 'nila' naman yun aber?! Kung ano-ano nalang yang pinapaniwalaan mo ah!”
“Hahaha! Hindi naman masamang maniwala diba? Malay mo totoo yun. And, ganun din naman kasi ang case sa mga magnets diba?”
“Tsk! Sana malaman mo ding magkaiba ang mga tao sa mga magnets! Walang pakiramdam ang mga bagay kaya hindi mo sila pwedeng ikumpara sa mga tao!”
“Hahahaha! Pareho lang kaya yun. Mga pandak at matangakad, mataba at payat, mayaman at mahirap, maganda at panget, ikaw at ako...”
Agad naman akong napalingon sa kanya ng matapos syang magsalita.
“Teka ano yung panghuli? Di ko narinig eh..”
I said.“Ah w-wala. Heheh.”
Tinitigan ko muna sya ng ilang segundo bago nagkibit balikat at nilipat ang tingin sa labas ng bintana.
Kahit gabi na ay marami pa din ang mga tao na nasa labas at may kanya-kanyang ginagawa. Mga tindahan, mga bangketa, mga eskinita at mga barangay. Lahat meron pang ilaw at kitang-kita na nagkakatuwaan pa silang lahat.
Binaba ko ang bintana ng pintuan na katabi ko at pinagmasdan ng mabuti ang labas. Normal lang ang takbo ng sasakyan ni Brad kaya ang sarap sa mata makita ang mga ilaw na parang lumilipad sa paningin ko. Hindi gaanong malamig ang simoy ng hangin sa Pilipinas dahil na'rin sa natural na klima sa bansang ito at nasa syudad kami. Pero kahit na ganun, sapat na ang katamtamang temperatura nito para pakalmahin ang sistema ko. Sabayan pa ng makukulay na ilaw galing sa mga buildings at tindahan ay mapapapikit ka nalang talaga sa sarap ng pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Loving A Her (Intersex) Completed
RomanceI never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love me! I know it!" "Pa'no mo naman nasabi yan?" "Because you're protecting me!" "Trabaho ko 'yun." "Th...