Chap 0 0 5

9K 306 72
                                    

AUGUST

Bagong umaga na naman. Bagong araw bagong kayod.

Kagaya ng dati naming ginagawa ni tiyo ay gumising ako ng hindi pa sumisikat ang araw.

Nilutuan ng pagkain sina tiya at ang kapatid ko at naghanda ng sarili.

Balak ko sanang sandalian lang ang pageensayo ko ngayon dahil meron akong gustong puntahan.

Bibili ako ng mga grocery para sa bahay, magbabayad ng mga utang, bibili ng gamot ni Makoy at bibili ng mga bagong gamit para sa'min ng kapatid ko at nina tiyo.

Binigyan ako ni Mam Avery kahapon ng kinse y mil para daw mabilhan ko ang sarili ko at ang pamilya ko ng mga gamit at pangangailangan namin.

Tumanggi ako nung una pero kalaunan ay tinanggap din dahil ayaw na ayaw nyang tinatanggihan ang mga binibigay nya.

Sobrang laki talaga ng utang na loob ko kay Mam Avery dahil sa mga ginawa nya sa'kin at sa pamilya ko.

Hindi ko alam kung pa'no ko sya mababayaran dahil napakabiyaya ang pagdating nya sa buhay namin.

Pilit nyang sinasabi na wag ko na daw alalahanin yun at manatili lang ako sa tabi ng anak nya at baguhin sya ay sobra na bilang kapalit yun.

Kung yun lang din naman pala ang tanging paraan para mabayaran ang utang na loob ko sa kanya ay bukal sa loob kong gagawin yun.

Kahit alam kong mahihirapan ako sa pagbabantay ng anak nya ay haharapin ko yun bilang pambayad kahit papano sa utang na loob ko sa nanay nya.

Sana lang talaga at mapabuti ang pagtatrabaho ko simula bukas.

“Rain.”
Nilingon ko si tiyo.

Nandito na kami ngayon sa ground na palagi naming pinag-eensayohan at nagpalalabas ng pawis.
“Bakit po?”

“Kamusta ang magiging trabaho mo?”
Tanong nya habang pinupunasan ang pawis sa dibdib.

“Ayos naman po. Magsisimula na'ko bukas.”
Masaya kong saad habang pinupunasan din ang pawis ko sa katawan.

“Ganun ba? Mabuti kung ganun.”
Sabi nya na may bahagyang ngiti sa labi.

Pinagpatuloy namin ang pageensayo at kagaya ng dati ay natalo na naman ako sa dwelo namin ni tiyo.

At bilang kapalit nun ay nagawaran na naman ako ng sugat sa may balikat ko pero hindi iyon gaanong nilakihan ni tiyo dahil daw magtatrabaho na'ko bukas.

Linggo ngayon, walang trabaho at walang ibang gagawin. Kadalasan ay umaabot ng walong oras ang pageensayo namin ni tiyo kapag ganitong araw pero sinabihan ko syang marami akong kailangang puntahan ngayon.

Pinayagan nya'ko at humingi sya ng tawad sa'kin dahil daw ako ang gumagawa ng mga bagay na yun imbis na sila.

Sinabi kong ayos lang at wag na silang mag-alala kaya wala na syang nagawa at malungkot na masayang nagpasalamat nalang.

“Hi Kutie!”
Masayang salubong sa'kin ng gwapo kong kapatid.

“Makoy.”
Sabi ko at ginulo ang buhok nya.

Pinuntahan ko naman si tiya na naghuhugas ng plato at hinalikan sa pisnge at niyakap.

Bumalik ako sa salas at pinagpatuloy ang paglalagay ng mga gamit.

“Kamusta po ensayo nyo?”
Tanong nya habang tinutulungan si tiya maglinis ng bahay.

“Ayos naman. Bakit?”
Sagot ko at nilapag ang mga gamit sa lamesita ng sala.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon