Chap 0 4 8

5.5K 223 24
                                    

AUGUST

Pano kaya ako napunta sa sitwasyong 'to?

Parang kailan lang nasa tahanan ko kami, kumakain, nagkakatuwaan, nagkukwentuhan kasama ang dalawang babaeng gumugulo sa sistema ko kamakailan lang.

Masaya ang araw na 'yun. Hindi ko man masabi sa bocal na paraan pero alam ko sa sarili ko na nagustuhan ko 'yun.

Na naging masaya ako, kahit minsan lang.

Isang araw lang 'yun, walong oras nga lang yata pero nakaramdam ako ng masaya at payapang pakiramdam.

Pakiramdam na minsanan ko lang maramdaman, sa piling lang ng pamilya ko. Pero may naiba, dahil naramdaman ko din 'yun nung nakasama ang dalawang babaeng 'yun.

'Nakakainis na ang sarap sa pakiramdam.'

Mas lalo tuloy akong naguluhan.

Mas lalo nilang pinagulo ang isip ko.

Mas pina-tuliro ang utak ko.

*sigh*

"Ano? Natatakot ka na?"

Binuka ko ang mga mata ko at unang sumalubong sa'kin ang mukha ng lalaking tinuturing ang sarili na siga, malakas, matapang at supremo.

Lumiko naman ang tingin ko sa kaliwa nya at nakita ko ang imahe ng babaeng may ngisi sa labi na mababakasan mo ng purong pang-uuyam at pagmamayabang.

'Kapareho lang sila ng kasama nya.'

Umikot ang tingin ko sa paligid at lihim na napangisi.

Pinapalibutan nila ako. Limang lalaki. Sa magkabila ko dalawa, sa likuran ay tatlo at sa harap naman ay ang dalawang gunggong. 

"Mukhang nalunok na nya dila nya dahil sa takot Brooke. Iba ka talaga." untag ng lalaking nasa kaliwa ko.

Umismid sya. "Tumahimik ka. Di kita tinatanong."

Narinig naman ang pagtawa ng nag-iisang babae sa grupo nila kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.

"Wag kang magalit Brooke. Mukhang totoo din naman kasi ang sinasabi nya." litanya, sumulyap kay gunggong. "Tignan mo o, ganyan lang yan pero alam kong takot na takot na yan sa loob nya."

Bumaling sa'kin si gunggong, humakbang palapit sa'kin pero hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at sinalubong ang mga tingin nya.

"Aba matapang ka parin ah." nanlilisik ang matang saad nya, "Alam mo bang matagal akong naghintay para lang sa araw na 'to? Para lang makita kang ulit? Na-miss kita eh. Letche kasi 'yung dean na 'yun, maypa suspe-suspension pa. Di mo ba ako na-miss?"

Pinaawa pa nya ang boses nya na kinatawa ng mga ungas nyang kasama.

'Ano namang nakakatawa dun?'

Nagpakawala ulit ako ng hangin. Ramdam ko ang mga tingin nila sa'kin pero ang tingin nya at ng babae ang mas nararamdaman ko. Ang lakas kasi at purong galit lang ang pinupukol sa'kin.

"Sinundan nyo pa talaga ako dito para lang gawin 'to?" ngumisi ako, "Salamat. I appreciate the effort." humakbang ako ng mas malapit sa kanya. Ngayon ay isang dangkal nalang ang layo naming dalawa. "Pero pasensya na dahil nagmamadali ako."

"Ackk!!"

"Brooke!"

"Hayop ka!"

Sumugod sa'kin ang lalaking nagsalita kanina. Hinuli ko ang kamay nya at sinikmuran sya gamit ang paa ko. Agad naman akong napalingon sa likod at sinangga ang paparating na kamao ng isang lalaki gamit ang braso ko. Kinuha ko ang braso nya at binali ito gamit ang isa kong kamay. Napadaing sya sa sakit.

Loving A Her (Intersex) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon